Chapter 127: Start of the Tournament

5.5K 436 124
                                    

Slow Update

Follow me on my Tiktok: reynald_john

I do random live on my tiktok

See you on MIBF September 17 (saturday)

HINDI ko alam na big deal pala ang event quest na ito ngayon sa Hunter Online

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HINDI ko alam na big deal pala ang event quest na ito ngayon sa Hunter Online. All along, ang alam ko lang ay kailangan pabilisan mapatay ang mga enemies na mag-i-spawn sa area tapos noon ay okay na. But let me tell you na hindi biro ang competitiveness ng lahat para sa event quest na ito.
Ang pinakamabilis na nakapag-clear ng mga monsters ay from the Black Dragon which was led by Choji (Captain nila). They just finished it within 32 seconds.

"Within five minutes ay mag-i-start na ulit ang event quest." Sabi ni Rufus (Dion) sa akin habang chine-check niya ang items sa inventory niya. "May plano ka na ba kung paano natin ma-e-eliminate ang mga monsters ng mabilis?"

"Anong mga monster ang mag-a-appear kapag pumasok tayo sa dungeon?" tanong ko sa kaniya. Well, ang dami nang players ang nasa tapat ng malaking gate nitong event dungeon. Once na matapos ang countdown ay may start na mag-a-appear sa vision ng mga Team leader ng bawat group, after that ay mata-transfer ang buong party sa isang dungeon and all you need to do is to clear the monster wave.

"Random. Sabi nila, kaya mabilis natapos nila Choji 'yong sa kanila ay dahil sinuwerte sila dahil madali lang ang mga monsters na lumabas sa dungeon nila." Paliwanag pa ni Dion sa akin.

Wala naman kaming magiging problema kung magiging ka-team ko sina Callie, Larkin, or kahit si Noah pero...

"Okay na ba 'tong item set ko, Shinobi?" tanong sa akin ni Synix (Trace). "Pinag-ipunan ko 'to para makasama lang sa event quest na 'to. Tangina ninyo suwerte ninyo kasi kakampi ninyo ako."

"Luh, kaya pala nagmakaawa ka during our class na isama ka ni Milan." Sabat naman ni Klayden (Clyde) sa kaniya.

Yup, Kulokoy boys ang kasama namin ni Dion sa quest na ito. Napagod din kasi ang tainga ko na pinipilit ako nila Noah, Liu, Larkin. Especially si Noah, My God! Grabe mangonsensiya ang batang iyon.

"Captain, kapag talaga 'di ka nakipag-group sa akin, may favoritism ka talaga dito sa pamilyang 'to."

Mula paggising hanggang matapos ang practice ay iyon ang naririnig ko kay Noah. So ang ending? Sa Kulokoy boys ako sumama, atleast dito ay walang ibang Orient Crown members bukod sa aming dalawa ni Dion.

Buti nga ay pumayag sina Coach dahil nakita yata nila kung paano ako ma-stress sa nalalapit na season four tournament tapos sumasabay pa sa pangungulit 'yong ibang members ng Orient Crown. Saka, okay na rin 'yon para maiwasan talaga 'yong sinasabi nilang favoritism.

"Basta equip your best weapons na mataas ang attack, critical damage, at critical rate just to be prepare sa kung anong puwedeng mangyari. Rufus will be our tank. I will lure all the enemies in one direction after that ay sabay-sabay kayong mag-burst or ubusin ninyo lahat ng skills ninyo. Mas malaki ang damage ay mas maganda. In case na hindi magiging madali ang mga monsters na magrerepawn sa dungeon natin, magbaon na lang kayo ng madaming potion. Okay?" I explained to them.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon