Chapter 188: Embracing Solemn

3.5K 343 152
                                    

X: #HunterOnline or mention me @Reynald_20

Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated. Thank you!

"FOCUS sa kalaban, Shiver (Milan)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"FOCUS sa kalaban, Shiver (Milan)." Sabi sa akin ni Naxone (Larkin) habang tinatapos namin ang isang quest na kung saan kailangan mag-eliminate kami ng 40 na orc bosses. Naxone launched a huge fireball that inflicted a huge damage sa mga kalaban.

Sinundan ko agad ito ng atake gamit ang Maverick na weapon ko. Ginamit ko ang malaking bato upang makatalon ng mataas. I spinned and fire a magic bullet towards two orc boss.

Mabilis naming na-eliminate ang dalawang orc boss at humihingal kaming uminom ng potion.

Kill Orc Bosses (12/40)

"Ang dami pa nating kailangan." Sabi sa akin ni Naxone. "Nakakatamad gawin 'yong mga quest na nagawa mo na." reklamo niya. Paano kasi ay mga second account namin ang gamit namin sa paggawa ng quest at para ma-train kami sa mga new role namin.

"Kumusta ang damage ko?" Tanong ko sa kaniya for consultation.

"Hmm. Okay naman pero ilan ba critical rate saka critical damage mo?" Tanong niya.

I checked my stats. "Sa crit damage ay 140% samantalang crit rate naman ay 92% Pangit ba?" Tanong ko ulit.

"Hindi naman. Masyadong mataas ang crit rate mo. I mean okay naman 'yon kung gusto mo talagang surebol masakit damage mo pero puwede mo siyang babaan." Sabi niya sa akin. "Siguro ay kaya mong pababain 'yong crit rate kahit hanggang 70% tapos 'yong crit damage ay paakyatin mo ng 200%."

"Sira ka ba? Ang taas ng 200% ilang upgrading stone ang magagamit ko para sa weapon." Reklamo ko sa kaniya dahil ang mahal ng upgrading sa game ngayon. Hindi ko alam kung bakit bigla din nagtaas ang bilihin dito sa loob ng Hunter Online samantalang noong nagsisimula pa kami dito sa new server ay hindi naman ganoon kamahalan ang mga gamit sa game.

"Kaya mo 'yan gagi. Nagawa ko 'yan sa main account ko." He said.

"Parang ang baba ng 70% na crit rate, sure ka?"

"Oo, mataas pa rin naman 'yan. You are a marksman kung kaya't kailangan masakit damage ng basic attack mo. Tataasan mo lang naman 'yong crit rate mo kung skill dependent 'yong class mo kagaya ko ngayon." Sabi ni Naxone.

Mage kasi ang bagong role ni Larkin kung kaya't maging siya ay nangangapa rin. Noong sa Orient Crown kasi ay hindi naman siya nag-change role kung kaya't ngayon lang din siya nag-a-adjust. So far ay mabilis lang natutunan ni Larkin ang bagong role niya at parating sinasabi 'sows! Ang dali-daling mag-mage kahit grade two kaya 'to.' Isa ring buwisit, eh. Kakadikit niya kay Callie ay nahawa na siya ng kayabangan ng kurimaw.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon