Chapter 171: Yugto Pilipinas

3.7K 333 202
                                    

Twitter: #HunterOnline or mention me @Reynald_20

Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated.

MABILIS na lumipas ang mga araw at dumaan na ang Bagong Taon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


MABILIS na lumipas ang mga araw at dumaan na ang Bagong Taon. We really had so much fun sa family side nila Dion dahil sobrang accomodating nila. Sila Mom at Dad nga yata ang pinaka nag-enjoy dahil ngayon lang daw ulit na-experience ang probinsya life lalo na lately na busy sila sa work at sa pagma-manage ng Gasoline station namin.

First time ko lang din na-experience ang New Year sa Nueva Ecija. Grabe ang ganda ng fureworks display at ang daming parlor games na inihanda ng pamilya habang nagka-countdown.

Mabuti nga at hindi na nanggulo si Trina dahil mukhang nagbakasyon ang epal sa ibang lugar. Hindi ko na inalam kung saan siya nagpunta dahil wala rin naman akong pakialam. Ang mahalaga, Dion and I spent our New Year together peacefully.

Sa isang taon na iyon, ang daming nangyari sa buhay ko na hindi ko inasahan. I became a professional player, a public figure, and I really stepped out from my comfort zone. Ang laking pagbabago niya pero so far ay nae-enjoy ko rin naman at nakilala ko rin naman si Dion.

"Milan, may bisita ka sa labas," sabi ni Kuya Brooklyn habang hawak ang kaniyang mabook na naglalakad papunta sa work area niya sa sala. Tapos na talaga ang maliligayang araw niya dahil back to work na rin siya at sunod-sunod ang kaniyang nagiging meeting.

"Baka sila Shannah na 'yan." Sabi ko sa kaniya at tumayo mula sa couch. I invited them to our house para lang makipagkuwentuhan.

"Ayan na naman ang mga kaibigan niyang asungit." Komento ni Kuya London habang hawak-hawak niya sa magkabilang kamay sina Forest at River.

"Alam mo ang epal mo kahit kailan. Middle child na kulang sa atensyon ka talaga." Sabi ko sa kaniya.

"Whatever bunsong nape-pressure dahil sa achievements ng mga kapatid niya." Ganti niya sa akin.

"Shhh. Ayan na naman kayong dalawa ang aga-aga," suway ni Kuya Brooklyn at bumalik ang atensyon niya sa meeting nila.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Kuya London at bahagyang natawa. "Panganay na retirement plan." Turo niya kay Kuya Brooklyn at nagmamadaling umakyat pataas dahil ibabato ni Kuya Brooklyn ang tsinelas niya sa kaniya.

Lumabas na ako para pagbuksan ng gate siina Shannah, Trace, Tomy, at Clyde. Grabe na-miss ko sila kahit ilang weeks lang kami hindi nakapagkita due to holiday season.

"Baklaaa!" Matinis na sigaw ni Shannah ang bumungad sa akin. "Na-miss ka namin! Taray ninyo naman ni Dion. Holiday with Villanueva clan. Legal na legal na kayo acckla."

"Shannah, ang dami mo na agad nasabi." Reklamo ni Trace sa kaniya. May dala silang box ng pizza mula sa Shakeys at isang coke para pagsaluhan namin habang nagkukuwentuhan.

"Tse! Alam mo ba 'yong BFF's? Hindi 'di ba? Wala ka no'n." Ganti ni Shannah.

"Agang bangayan niyan." I immediately hugged them kasi na-miss ko rin sila. Hindi naman kasi maipagkakaila na naging sobrang busy ako these past months kung kaya't parang ngayon lang kami magkakaroon ulit ng chance na makapag-catch up.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon