Special: Stream for A Cause

10.3K 1.2K 796
                                    

Livestream (June 06 8:02am)

Milan: Wait, naka-live na ba ako? Nakikita ninyo na ba ako sa screen? So ayon guys, good morning, thank you for joining for this early livestream entitled Pagkakaisa para sa Nueva Ecija. Uhm... Lahat nang stars na malilikom sa live na ito ay itutulong po natin sa mga nasalanta ng bagyo sa Nueva Ecija kasama ang mga kaibigan kong gamers na nag-participate dito.

Paused for a second at inayos saglit ang laptop.

Milan: Dion! Halika na rito, Naka-live na ako.

Dion: Ang aga mo akong binubulabog.

Milan: Alam mo, ang bugnutin mo lagi tuwing umaga. Naririnig nila sa live 'yong tunay na ugali mo. Halika na rito, sabi mo sa akin kahapon ay sasamahan mo akong sumagot ng mga tanong noong fans kaya ginising kita ng maaga.

Umupo si Dion sa tabi ni Milan at ipinaliwanag kung para saan ang stream na ito.

Milan: Sa lahat ng mga magse-send ng stars sa live na ito ay sasagutin namin ang question na ise-send ninyo. So this is your chance to know us better ni Dion, malay ninyo may ma-discover kayong bagay kay Dion. Ang cutie player nang Nueva Ecija, 'di ba iyon 'yong caption noong nag-viral mong picture?

Dion: Tangina, tagal na noon, eh.

Milan: So hindi ka proud sa picture mo na 'yon? Ang candid kaya! 

Dion: Gamer ako... alam mo 'yon... thankful naman ako sa picture na 'yon kasi maraming mga taong mas nakakilala sa akin kaso ang gusto ko ay makilala ako ng mga tao dahil sa skill ko bilang player, hindi lang dahil sa hitsura ko. Gets mo?

Milan: So, inaamin mong guwapo ka?

Dion: Ayan tayo, eh, in-open up mo talaga 'yan para mapilitan akong magyabang, eh. Iwanan kita sa live mo, eh.

Milan: Joke lang, aga-agang pikon naman. So now, we will answer the question of our star senders. Inuulit ko lang guys na ang lahat ng stars na matatanggap ko... namin rather, ay mapupunta lahat na tulong sa Nueva Ecija. We want to donate as much as we can kung kaya't malaking tulong kahit 5 stars or 10 stars lang ang ibigay ninyo.

Most Memorable day for both of you? (Siriaehs_)

Milan: Most memorable Day... hmm...

Dion: Most memorable Day ba nating dalawa na magkasama o individually?

Milan: Individually siguro, wala namang sinabi na together sa question, eh. Ikaw muna, ano ang most memorable day mo as of today... kasi I am pretty sure sa future ay magkakaroon ka pa ng mga hindi makakalimutang araw, eh.

Dion: Ako? Siguro 'yong kinuha ako ng Battle Cry na lumaro sa Professional League. As a Rookie player, ang laking bagay noon at hanggang ngayon, may screenshot pa ako noong email nila sa akin last two years ago.

Milan: Paano ka na-discover ng Battle Cry? Kuwento mo rin sa kanila. Kailangan mong i-elaborate since nagse-send sila ng stars.

Dion: Ano pa bang elaborate gusto mong gawin ko ang haba na noong sinabi ko, oh!

Milan: Alam mo, ang reklamador mo. Pangit mo ka-bonding.

Dion: Na-discover ako ng Battle Cry noong lumaro ako sa isang rookie competition sa isang mall, sa Robinson Malolos 'yon. Nag-champion kami ng team ko that time tapos iyon... after a few weeks ay kinontak na nila ako to become part of their team. Season 2 ako nagsimulang lumaro for Battle Cry. Baka 'yong ginagawa ko sa training, gusto mong ipakuwento ko pa?

Milan: Epal. Ako naman... Most memorable day ko 'yong nag-third tayo sa Summer Cup. Feeling ko hindi ko siya makakalimutan ever in my life kasi first competition ko 'yon tapos we placed 3rd among 16 teams so nakaka-proud lang.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon