Chapter 109: Preparation for the Match

7.1K 765 362
                                    

We trended guys! Grabe, ramdam ko pa rin 'yong suporta ninyo sa Hunter Online

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

We trended guys! Grabe, ramdam ko pa rin 'yong suporta ninyo sa Hunter Online. Thank you sa lahat!

MAAGA pa lamang ay tutok na kaming lahat sa TV para manood ng mga mangyayaring match ngayong araw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MAAGA pa lamang ay tutok na kaming lahat sa TV para manood ng mga mangyayaring match ngayong araw. Kahit saang social media account ko ay patungkol sa Hunter Online ang nakikita ko, may kaniya-kaniya na silang bet sa kung sino ang mga makapapasok sa Top 10 teams for season four tournament.

Coach Russel adviced na hindi na kami gagawa nang kahit anong pagpa-practice ngayong araw para daw makapag-focus kami mamaya sa game. Kagabi naman ay hanggang alas-dose kami ng gabi kami naglaro and we made sure na inaral namin ang bawat galaw ng kalaban.

"What an outplay from Crimson! He managed to escape those traps na ginawa ng NME!" Anunsiyo ni Hanz habang napapakapit na ako sa braso ni Dion sa intense ng laban na nangyayari. "Si Kiel talaga ang masasabi ko na player ng ALTERNATE na hininog nila bago isinabak sa malalaking tournament. He's really proving that he is not a child protege for nothing!"

"Kung maka-cheer ka naman kanila, Sandro," natatawang sabi sa akin ni Dion. "Alam ko na ang ireregalo ko sa birthday mo... stressball. Para hindi 'yong braso ko 'yong kinukurot mo kapag intensed ang nangyayari."

Napabitaw ako kay Dion at ngumiti sa kaniya. "Alam mo, super okay ako sa stressball, somehow it helps me to relieve my stress."

"That's the purpose of it."

I rolled my eyes. "I know. Pero magagamit ko siya madalas, especially kapag nagpapatong-patong na 'yong gawain ko sa acads and gaming. Ini-imagine ko pa lang—"

"Naiiyak ka na?" Tanong ulit ni Dion habang tumatawa. Inis ko siyang tiningnan at mabilis nawala ang mga ngiti niya. "Joke lang. Valid naman 'yong reason mo. Regaluhan kita pitong stressball para hanggang next life mayroon ka."

"Shhh..." Suway sa amin ni Callie habang tutok na tutok siyang nanonood sa laban. He really love watching other players match. Naaalala ko pa dati na dumadayo talaga siya kung saan-saan para lang manoong ng mga tournament.

Mayabang si Callie, oo, and he is aware of it pero si Callie ang isa sa mga dedicated na players na nakita ko sa mundo ng Hunter Online. Hindi naman siya biglang galing lang sa gaming dahil kung ano ang kakayahan niya ngayon ay pinaghirapan at pinag-aralan niya.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon