Chapter 119: Back to Normal Life

8.4K 714 366
                                    

"Paano natin maki-clear 'yong area na puro Iron Guard? Mataas ang defense ng mga monster na 'yon at masakit din ang damage

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Paano natin maki-clear 'yong area na puro Iron Guard? Mataas ang defense ng mga monster na 'yon at masakit din ang damage." Paliwanag ni Sandro habang nasa Google meet kami. Nag-uusap kami kung paano namin maki-clear ang isang boss dungeon sa Hunter Online.

God, akala ko ay para sa ilang weeks bakasyon namin na wala kaming training ay mapapahinga ako sa paglalaro pero mali ako. Kailangan naming magpataas ng level bilang paghahanda sa Season 4 tournament. At isa pa, way of bonding na rin namin lalo na't karamihan sa amin ay nasa kaniya-kaniyang probinsiya na kung kaya't sa loob lang kami ng game may chance na magkita-kita.

"Si Esquire tanungin ko kung makakasama siya sa atin kaso baka may lakad daw siya that day. May attack enhancement skill si Esquire, eh," paliwanag ko sa kanila. "Ikaw ba, Captain Sandro, wala ka bang member na available that day?" Tanong ko.

"Tanungin ko rin 'yong ibang members ng ALTERNATE pero alam mo naman 'yon, mga bakasyon na bakasyon na rin." Paliwanag niya sa amin.

"Naka-move on ka na ba kay Ianne?" Biglang nagsalita si Callie habang kumakain ng burger, kakaupo niya lang sa gaming chair niya. Napatingin kaming lahat sa kaniya sa screen. "What? Bawal magtanong?"

"Paki-kick nga 'yang hayop na 'yan." sabi ni Sandro at natawa kaming lahat. "Kapag 'to binreak ng Aisha, iyak-tawa ka rin. 'Di puwedeng ako lang ang sawi rito, damay-damay na 'to."

"Baka masaktan. Kapag mga guwapo hindi nabibigo sa pag-ibig. Si Dion ang tanungin m--" Napatingin silang lahat sa amin ni Dion, well hindi naman kami magkasama ni Dion dahil nasa Nueva Ecija siya ngayon. "Wala nevermind, masaya ang love life ng dalawang 'to."

"Alam ninyo, ang layo na noong pinag-uusapan natin sa quest. Kailangan natin matapos 'to, sayang 'yong mga item drops. Tayo rin naman ang makikinabang dito especially ang daming enhancement ore na ibabagsak." Paliwanag ko at nag-focus naman sila sa pakikinig sa akin.

Mabuti na lang din na kasama sa quest na ito sina Sandro, Axel, Kendrix, Larkin, at Callie. May kaniya-kaniya silang insight pagdating sa gagawin naming quest sa Altar of Judgment (isang high level boss raid  sa Hunter online). Lahat sila ay nag-research kung kaya't mas napadali ang trabaho namin.

"Bakit sila Oli hindi kasama?" Tanong ko kay Kendrix.

"May lakad daw sila." Sagot ni Kendrix sa akin "Nagpaiwan sa boothcamp sina Oli, Gavin, at Renshi. Huling bonding daw nila kasama si Renshi bago umuwi ng Japan ang Conyo nating player. Kasama nga rin yata nila si Genesis at Noah, may pupuntahan ang limang mokong."

"Wow, naging close talaga silang lima, 'no?" Nakangiti kong sabi sa kanila sa screen. I mean, okay din na may friends 'yong mga batang iyon from different team. Saka competitive man sila pagdating sa game ay healthy naman ang friendship nila somehow.

"End meeting na natin for the meantime, ngayon ang labas ng interview nila Sandro at Milan. Nood tayo." Sabi ni Captain habang nagliligpit ng gamit niya sa table niya. "Basta huwag ninyong kalimutan na i-angkop ang mga armor na suot ninyo sa raid na gagawin natin, masakit ang damage ng mga monster kung kaya't magdala kayo ng maraming healing potion. Okay?" He requested.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon