Chapter 105: Orient Crown Vs. Devil Lions

6.9K 661 211
                                    

MATAGAL-TAGAL din noong huling sumalang ako sa tournament game

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MATAGAL-TAGAL din noong huling sumalang ako sa tournament game. I mean, oo, nagpa-practice kami as a team sa Orient Crown at nagko-conduct ng mga pvp matches. Pero iba pa rin kapag ibang team ang kalaban namin lalo na't mga professional player din sila.

We are against Devil Lions at mayroong magagaling na players sa team nila. May disadvantage din kami lalo na't hindi nakakalaro sina Larkin at Kaden ngayon. At isa pa, wala rin si Genesis dahil kinuha siya ng mga magulang niya. We are in difficult situation pero wala kming balak na matalo sa pgkakataong ito.

Nagtatago ako sa ilalim ng nakahintong sasakyan malapit sa sentrong parte ng mapa. Mahigpit ang hawak ko sa aking wakizashi sword, I need to be alert dahil nasa risky na position ako. I don't want to initiate a clash in this area lalo na't madaling makaka-backup ang ibang members ng Devil Lions kung sakaling may atakihin man ako.

Bumagal ang pghinga ko noong may makita akong mga paang naglalakad sa hindi kalayuan (obviously hindi ko makita ang mga username dahil hindi naman ako puwedeng dumungaw, malalaman nila ang location ko).

[Orient Crown] Shinobi: Two members of Devil Lions, sa may central malapit sa fountains.

[Orient Crown] ShadowChaser: Anong class?

[Orient Crown] Shinobi: Hindi ko makita ang mga username, definitely, no tank dahil wala akong nakikita na may hawak na shield sa kanilang dalawa.

[Orient Crown] Rufus: Captain, remind lang kita, hindi ikaw ang shotcaller this time. It's your job to eliminate other players

Oh shit, oo nga pala, we are trying the tactic na inilatag sa amin ni Coach Russel. Nasanay kasi ako na nag-sha-shotcall sa paligid since iyon ang posisyon ko. This time, si Esquire ang magiging shotcaller namin habang binabantayan siya ni Rufus.

[Orient Crown] Vegas: Attack them. Malapit ako sa area.

[Orient Crown] Rufus: We are also on our way. Hold mo lang konti.

Since dalawang member ng team namin ang nagsigurado nang kaligtasan ko ay sinunod ko ang kanilang sinabi— to attack those members of Devil Lion.

Gumulong ako papalabas ng ilalim nitong sasakyan. Sa kabilang side ako tumayo upang masiguradong hindi nila ako makikita. Dumungaw ako sa dalawang kalaban, one mage and one assassin, they are on their position at naghihintay kung sino ang mabibiktima nila sa mga members namin. Too bad, mauuna silang mae-eliminate sa laro ngayon.

[Orient Crown] Shinobi: Kayo na ang bahala sa akin.

Mabilis akong tumakbo tungo sa kanilang direksiyon. I immediately grabbed their attention kung kaya't humigpit ang hawak mga armas.

[Devil Lion] Lexi4
[Devil Lion] C4nnon

Dash.

Mabilis akong nag-cast ng spell habang tumatakbo tungo sa kanilang direksiyon, nagpakawala si C4nnon ng malaking bolang apoy sa aking direksiyon na mabilis kong iniiwasan. Their moves are easy to predict pero ayokong maging complacent na madali kaming mananalo laban sa kanila. Hindi natin alam, baka may mga biglaang surprise attack na nakalatag ang Devil Lion.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon