Chapter 43: Battle Cry VS. Rising Hunters

10.7K 1K 527
                                    

MAAGA akong nagising ngayong araw para mag-jogging

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MAAGA akong nagising ngayong araw para mag-jogging. Ilang araw rin akong hindi nakapag-jog dahil naging busy kami sa competition. Late na kami natulog kagabi dahil nga inaral namin ang laro ng Rising Hunter kaso... Iba-iba rin ang atake nila sa bawat isang team, nagbabago rin ang kanilang lineup at dahil doon ay nahirapan kami.

Pagbalik ko sa village ay nadatnan ko si Oli na mag-isa sa sala habang mag kausap sa tablet.

"Ang aga mong nagising ngayon, ah," nakangiti kong sabi sa kanya habang pinupunasan ng bimpo ang pawis sa aking leeg.

"Kausap ko sila Mama." He informed me at hinayaan ko na lang din siya.

Umupo rin ako sa sala at nag-cellphone. Puro good luck ang nabasa kong text galing sa mga kaibigan ko dahil may match kami ngayong araw. Gustong-gusto ko 'yong part na sobrang supportive sa akin ng lahat pagdating sa paglalaro ko.

"Oliver, kailan mo ba binabalak umuwi rito sa Pangasinan?" Nadinig kong sabi ng Mama ni Oliver sa kabilang linya. (Hindi ko intentionally gustong makinig, naka-loudspeak kasi si Oli)

Oli smiled at lumapit sa camera. "Baka sa June makauwi ako diyan 'Ma para magbakasyon."

"Nag-enroll ka naman ba diyan sa Maynila?" His Mother asked.

"Ah. Oo, 'Ma. Home school."

"Na naman? Kailan mo ba binabalak na pumasok sa totoong school, anak? Wala talaga akong tiwala sa Home schooling mo. Hindi ko alam kung pumapasok ka talaga o mas tutok ka sa nilalaro mo." Sermon ng nanay ni Oli sa kabilang linya.

Actually, nasasaktan ako for Oli sa sinasabi ng Mama niya sa kanya pero nakangiti lang si Oli na nakaharap sa screen na para bang masaya pa rin na makita ang magulang niya.

"Mama, nag-aaral po ako. Ipapakita ko sa inyo ang grades ko this quarter para mapanatag ka." Oli said. "Ay, 'ma, may laban kami ngayong araw. Baka gusto mong manood kahit sa TV man la—"

"Hay naku, Oliver, uunahin ko pa ba 'yan?" Dito na nagbago ang ekspresyon ni Oli at nawala ang ngiti sa kanyang labi. "Mas uunahin kong magtrabaho kaysa manood ng laro mo na 'yan. Lalo ngayon, magpapasukan na ulit. Kailangan na ulit nang pambili ng gamit ng mga kapatid mo. Kailan ka nga ulit magpapadala?"

Hindi nagsalita si Oli ng ilang segundo. Heto nga yata ang sinasabi nila na hindi talaga fair ang mundo. Ako? Lahat yata ng mga mahal ko sa buhay ay nakasuporta sa akin pero may ibang Professional Players na kahit ang magulang nila ay hindi sila magawang suportahan. Which is masakit para sa katulad namin.

"Oliver, narinig mo ba ako? Kailan ka kako ulit magpapadala? Kailangan na ng mga kapatid mo nang pambili gamit sa school." Pag-uulit ng Mama niya.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon