Chapter 85: Zero Chance

13.4K 1.4K 710
                                    

"Vegas, back muna para makapag-heal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Vegas, back muna para makapag-heal. Maliupet, Rowbinhood, i-lure ninyo 'yong mga kalapit na Scorpede. LastGuardian, Rufus hold ninyo ng ilang segundo countdown pa ang skill nila ShadowChaser." I commanded at binabantayan ko maigi ang status ng mga kasama ko.

We are having our exp boost quest na kung saan ay tuloy-tuloy lang kaming papatay ng mga monsters para mabilis mag-level up ang bawat isa sa amin. Aminin na natin, may advantage sa tournament ang mga players na may mataas ang level. Kagaya nga nang sinabi ni Sir Theo, kailangan naming doblehin ang effort namin sa mga susunod practice. We can't waste anytime anymore, next month na ang simula ng qualifying rounds kung kaya't dapat lang namin itong paghandaan.

"Ako na ang bahala sa mga monster sa kanan." Skorpion said.

"Ako na sa mga nasa harap." Nodaichi said

We are preparing to launch our attack noong makita sina Maliupet at Rowbinhood na hinahabol ng mga scorpede, nagawa nilang mapapunta rito ang maraming scorpede.

"ShadowChaser, skill!" Malakas kong sigaw. Naalerto si ShadowChaser at mabilis na nagpakawala ng isang malakas na kidlat na gumuhit sa mga dinadaanan ng mga Scorpede. Ang laki ng damage noon sa health bar ng mga kalaban kung kaya't ito na ang tiyansa namin nila Nodaichi na mapatay ito.

Mahigpit kong hinawakan ang wakizashi sword ko at sumugod sa mga Scorpede sa kaliwang bahagi. Ang mga scorpede ay mga malalaking halimaw dito sa Hunter Online na kung saan may katawan sila na parang centipede at may kamay at buntot ng isang Scorpion. Isa ito sa malalakas na monster na gustong pinapatay ng mga Professional player sa game dahil magaganda ang item drop nito at mataas ang bigay na experience.

Blade Spirit.

My blade enhance with a strong energy and became three times bigger than it's normal size. Noong nasa tapat na ako ng mga Scorpede ay mabilis ko silang inatake at hiniwa sa kani-kanilang katawan. I performed an upward slash at tumalsik ang dugo ng isang scorpede sa paligid.

"Captain, sa likod!" Narinig ko ang malakas na sigaw ni Knightmare at pagtingin ko sa likod ay akmang aatakihin na ako ng isang Scorpede gamit ang makamandag nitong buntot. Handa na akong tanggapin ang damage ngunit isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid, naubos ang health bar noong scorpede at naglaho.

Pagkalingon ko sa kanan at sa malayng distanya ay hawak ni Vegas ang kaniyang baril habang iniisa-isang patamaan ang mga bawas na scorpede sa paligid. He smirked as soon as our eyes met. Mayabang man si Callie pero aminado akong isa siya sa mga member na mapagkakatiwalaan sa Orient Crown.

Alam niya kung kailan siya magiging kapaki-pakinabang sa grupo at alam niya kung paano maayos ipapasok ang mga tricks niya sa laro. Sa love life nga lang talaga palyado ang taong 'to dahil sa sobrang yabang, eh.

Mission Complete!
Kill 200 Scorpedes (200/200)
Kill 100 Scorpedes (leader) (100/100)

Sa halos dalawang oras namin sa lugar na ito ay natapos ko na ang quest ko at nag-levelup na rin ako (which is primary goal namin today). "Tapos na ba ang quest ninyong lahat?" sigaw ko sa team mates ko.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon