Chapter 33

1.6K 85 63
                                    

Hinawi ni Brix ang mga hibla ng buhok na nakatabing sa mukha ng natutulog na si Lucia at nakaunan ang kaliwang pisngi nito sa kanyang dibdib. Nagbuntong-hininga ito at ikiniskis nito ang pisngi sa kanyang mabalahibong dibdib, isa matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi.

Naririnig kaya ni Lucia ang tibok ng kanyang puso? Nababasa kaya into kung gaano ko siya labis na kamahal? Ang mga tanong niya sa sarili, kung marinig man nito ay malalaman mo Lucia kung gaano niya ito kamahal.

Naisip niya ang naging usapan nila kanina lamang, gustong nito na bumalik na muna sa Capri at ipagpaliban nila ang operasyon nito, dadalaw kasing ang mama ni Lucia ayon sa sulat na ipinadala nito para sa anak na si Lucia. Gustuhin man ni Brix na magpa-opera na muna ito bago sana sila bumalik sa Capri para makapaghilom na ito at makapagpakasal na sila, ngunit hindi naman niya ito matanggihan. Batid niya ang kalagayan ng mama ni Lucia, at napakalimitado lamang ng oras nito at pera para makapunta sa Capri at makasama ang anak na si Lucia at hindi niya hahadlangan na magkasama ang dalawa. Balak din naman niya na makausap ang mama ni Lucia para kausapin ito sa plinaplano nilang pagpapakasal ni Lucia.

Hindi pa siya makatulog, kaya naman nagpasya na lamang si Brix na bumangon na  muna at magtungo sa kusina para uminom ng kape. Dahan-dahan niyang inalis ang sarili mula sa pagkaka-unan ni Lucia sa kanyang dibdib, at isang impit na ungol ng pag-angal ang lumabas sa bibig nito. Inilatag niya ang ulo ni Lucia sa unan at hinila niya ang kumot hanggang sa dibdib nito at hinagkan niya ito sa ibabaw ng ulo, at isang mahinang bulong ng I love you, ang iniwan niya rito bago siya nagbihis at lumabas ng kanyang silid.

Agad siyang dumiretso sa kusina at nang makita niya ang nakasalang na coffee maker ay hindi niya maiwasan ang di ngumiti. Sa tuwing nadalaw o nauwi siya sa kanilang bahay ay hindi nakakalimutan ng kanyang mommy na mag-brew ng kape para sa kanya. Batid nito na minsan ay bumabangon siya ng dis-oras ng gabi para lang uminom ng kape.

Kumuha siya ng mug para salinan iyun ng kape, at saka siya naupo sa may stools sa kitchen island. Tahimik na ng mga sandali na iyun, malayung-malayo sa eksena kanina na halos mapuno ang kanilang kusina ng kanilang mga kamag-anak. He was the last bachelor para sa magpipnsan at ang pag-aasawa niya ay mukhang hinihintay ng lahat, kaya naman parang mga sundalo na nagsipagsugod ang kamag-anak ng kanyang daddy at mommy.

Humigop siya ng kape, at naalala niya ang nag-iisa niyang kapatid na si Alexis. Tatawagan niya ito para maipaalam ang nalalapit niyang pagpapakasal at gusto niyang imbitaham ang buong pamilya nito. Sigurado si Brix na matutuwa ng husto para sa kanya si Alexis at ang asawa nitong si Trace.

Talagang may liwanag sa bawat kadiliman ng buhay, ang sabi niya sa kanyang sarili. At muli niyang hinigop ang kanyang kape.

“Pwede ba akong sumabay sa pagkakape mo?” ang tanong ng kanyang mommy sa kanya. Mabilis siyang lumingon at nakita niya ang kanyang mommy sa entryway ng kanilang kusina. Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya.

“Mom, please, samahan niyo ako,” ang nakangiting pagyaya niya sa kanyang mommy at tumayo siya para kunan ng kape ang kanyang mommy, pero pinigilan siya nito.

“Maupo ka na kaya ko naman na kumuha ng inumin ko, at saka ayoko ng kape,” ang sagot sa kanya ng kanyang mommy habang humahakbang ito palapit sa kitchen counter.

“I know, we Britons loves tea,” ang pabirong sagot niya sa kanyang mommy na nagpakulo na ng tubig para sa tsaa nito.

“Ano pa nga ba,” ang natatawang sagot g kanyang mommy sa kanya. Sandali itong tumalikod para kumuha ng tsaa sa cupboard at ganun na rin ang tasa nito. Tahimik niyang pinagmasdan ang likuran ng kanyang mommy, habang abala ito sa pagtitimpla ng tsaa nito.

Savage Heart (Completed) Where stories live. Discover now