Chapter 13

1.7K 98 62
                                    

Napaka-bilis ng pintig ng puso ni Lucia sa kanyang dibdib habang si Brix ay malapit na nakatayo sa kanyang harapan at hawak nito ang kanyang mg kamay, na nakahawak sa basket na pagsisidlan niya ng mga bulaklak na kanyang pipitasin.

At dahil sa sikat ng araw ay naaninag ni Lucia ang kakapiraso na madilim imahe na ibinigay sa kanya ng kanyang paningin sa tulong ng haring araw. Nanatili ang mukha nito na nakatuon sa kanya, at kung nakikita lang niya sana ang mga mata nito? Ay gusto niyang magtagpo ang kanilang mga paningin.

"Brix", ang sambit niya, at ng sandali na iyun ay tila ba tumigil ang pagdaan ng segundo pati ang pag-angat ng araw sa kalangitan, habang si Brix ay nananatili na nakayuko at ang ulo nito ay diretsong nakatuon sa kanya. Ang mga kamay nito na nakahawak sa kanyang mga kamay, ay parang mga pares ng guanti, na bumalot sa kanyang mga kamay at nagbibigay sa kanya ng init sa sandali na iyun.

"Brix?", ang muling sambit niya sa pangalan nito, ngunit ng sandali na iyun, ay parang hininga iyun na lumabas sa kanyang mga labi. At mas humigpit ang mga kamay ni Brix sa kanyang mga kamay, mas nadama niya ang init ng mga palad nito, kasabay ng pagbilis ng pintig ng kanyang puso, na dinig na dinig ng kanyang tenga. At ang malakas na pagtawag sa kanyang pangalan.

"Lucia!", ang sigaw ng pamilyar na boses ni Michael, at awtomatikong natuon ang kanyang atensyon sa direksyon ng pinanggalingan ng boses nito.

Naramdaman niya ang mabilis na pagbitiw ni Brix sa kanyang mga kamay at tila ba bumigat ang walang laman na basket na bitbit ng kanyang kamay.

At ng sandali na iyun ay bumagsak ang kanyang mga balikat, tila ba may nabasag ng sandali na iyun at nakaramdam siya ng panlulumo, para bang may espesyal na mangyayari ng sandali na iyun na hindi na natuloy pa.

"Uh B-Brix?", ang muling sambit niya.

"May naghahanap sa iyo Lucia", ang tanging sagot nito sa kanya. "maiwan ko na kayo", ang dugtong pa nito, at kung kanina lamang ay kanya pang nabakas ang ngiti at mahinang tawa sa boses nito, ng sandali na iyun, ay balik sa pagiging seryoso ang boses nito, at isang mababaw na buga ng hininga ang pinakawalan niya, nang marinig niya ang mga yapag g sapatos na kumukuskos sa malubak na lupa ng hardin.

"Lucia?", ang pagbanggit ni Michael sa kanyang pangalan at isang buntong-hininga ang pinakawalan niya.

"Perché Michael?", ang inis na tanong niya kay Michael, at kumunot ang kanyang noo.

"Uh buongiorno?", ang patanong na bati sa kanya ni Michael nang mapansin nito na mukhang inis siya ng sandali na iyun.

"Bakit ka nandito?", ang inis na tanong niya kay Michael at tinalikuran niya si Michael para mamitas ng mga paborito niyang bulaklak. Kahit pa lalaki si Brix, balak niyang lagyan ng bulaklak ang loob ng cabina nito, mamaya, kapag nasa loob na ito ng kanyang cabina, ang sabi ni Lucia sa sarili, habang namimitas siya ng bulaklak at habang nakatayo sa kanyang likuran si Michael.

Gusto niyang maging malapit kay Brix, alam niyang hindi maganda sa isang babae ang gumawa ng unang hakbang para makilala mo ang isang lalaki, pero, pero, may kakaibang pakiramdam siyang nadarama sa tuwing kasama o sa tuwing malapit si Brix, at gusto niyang malaman kung ano at saan patungo ang damdamin na iyun, ang sabi niya sa kanyang sarili, at iyun ang balak niyang gawin, may kung anong bagay si Brix na nagbibigay sa kanya ng pakiramdam na tila ba lagi siyang nauubusan ng hininga, na nag-aalab ang kanyang balat at katawan, at di niya maitatanggi na masarap iyun sa pakiramdam.

"Mi dispiace cosa c'è?", ang paghingi niya ng paumanhin kay Michael dahil sa may sinabi ito na hindi niya naintindihan.

Narinig niya na bahagyang natawa si Michael, "mukhang okupado yata ang isipan mo Lucia", ang sagot nito sa kanya.

Savage Heart (Completed) Where stories live. Discover now