Chapter 26

1.6K 98 219
                                    

Bella vieni qui la mia dolce colazione è pronta, quindi chiama Brix nella sua cabina!”, ang narinig nilang malakas na pagtawag ni nonna kay Lucia para sabihin na nakahanda na ang agahan at tawagin na rin niya si Brix sa cabina nito.

Pareho silang nagitla ni Brix sa pagtawag ni nonna at binawi ni Lucia ang kanyang kamay sa pagkakahawak ni Brix at mula sa mga labi nito.

Napalunok siya ng sandali na iyun, nakaramdam din siya ng pamimigat ng kanyang dibdib at ang paninigas ng mga korona nito, dahil sa ginawa na paghalik ni Brix sa kanyang mga daliri.

“Uh, Brix sabi ni nonna tawagin daw kita sa iyong cabina”, ang mahinang sambit niya, tila ba hindi pa nanumbalik ang kanyang katawan mula sa nakakakiliting sensasyon na dumaloy dito.

Narinig niya ang mahinang tawa ni Brix, tila ba sa lalamunan nito galing ang tunog at isang buntong-hininga ang pinakawalan nito.

Nanghihinayang din ba si Brix sa pwedeng mangyari sana kanina, ang tanong ni Lucia sa sarili.

“Mukhang hindi ako nakita ni nonna rito”, ang narinig niyang sagot ni Brix sa kanya na may bahagyang pagtawa pa nito.

Hindi siya sumagot at isang ngiti na lamang ang sinagot niya Kay Brix. Tinulungan siya nito na magligpit ng kanyang mga gamit sa pagpipinta at binitnit nito ang basket para sa kanya. At saka sila sabay na pumasok sa loob ng bahay.

Natapos ang araw nila sa panuluyan, na kanilang itinuon sa pagtulong ni Brix kay Lucia sa paglalagay ng pananda sa mga pangkulay nito at sa pagtulong naman nila kay nonna sa pagluluto, at napakalaki ng natutunan ni Brix sa paraan ng pagluluto ni nonna.
Walang secret ingredients, ang sikreto ay nasa paraan ng pagluluto nito at iyun ang kanyang natutunan. Pagkatapos na makainom ng masarap at mainit na kape ay nagpaalam na si Lucia para magpahinga at sinundan ni Brix ito ng tingin habang umaakyat ito ng hagdanan. At si Brix naman ay nagpaalam na rin sa mag-asawang Benatti para ito naman ay bumalik na sa kanyang cabina.
At sa maghapon na nagkasama sila, ay damang-dama nila ang namumuo na damdamin nila sa isa’t isa.

 

Pabalik-balik na humakbang ang mga paa ni Lucia sa sahig ng kanyang silid habang nakahalukipkip ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib. At paminsan - minsan pa ay kinakagat niya ang kanyang hinlalaki. Naguguluhan na siya sa kanyang nararamdaman, sa kakaibang pakiramdam na tanging si Brix lamang ang nakapagbibigay sa kanya. Ang pakiramdam na iyun na hinahanap-hanap na ng bawat hibla ng kanyang katawan. At, gusto nang maramdaman iyun ni Lucia. Ang tila apoy na bumabalot sa kanyang katawan sa tuwing malapit si Brix, sa tuwing kasama niya si Brix, sa tuwing dumadampi ang mga kamay at labi nito sa kanya. Mainit at nakakapaso, ngunit batid niya na iyun ay masarap.

Huminto siya sa kanyang paglalakad, at saka siya humakbang palapit sa kanyang bintana at kanyang binuksan iyun, at ang mabangong amoy ng cedar ang bumati sa kanyang ilong, at kung bakit ang amoy ni Brix ang pumasok sa kanyang ilong.
Her nostrils flared and she didn't know if she was just imagining things na ang lalaking amoy ni Brix ang kanyang naaamoy at tila ba lahat ng balahibo niya sa katawan ay nagtayuan. At nadama niyang muli ang pamimigat ng kanyang dibdib.

Mabilis niyang isinara ang kanyang bintana at nakiramdam siya kung may gising pa sa ibaba ng kanilang bahay. Gusto niyang malaman pa, kung ano pa ang kayang ibigay na pakiramdam sa kanya ni Brix.

Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob ng kanyang pintuan at marahan niyang hinila iyun para buksan hanggang sa makagawa siya ng siwang na husto lamang sa kanyang katawan na makalusot. At tumayo pa siya sa itaas ng hagdan at pinakinggan niya kung may mga kaluskos pang maririnig sa ibaba ng bahay, habang dahan-dahan siyang bumaba ng bawat baitang. At maingat siyang naglakad mula sa hagdan patungo sa kusina. Iniingatan niyang may mabangga siya na pwedeng lumikha ng ingay na pwedeng maging dahilan para gumising ang kanyang nonni.

Savage Heart (Completed) Where stories live. Discover now