Chapter 1

4.9K 156 25
                                    

Nakatanaw si Brix sa dinaraanan ng inupahan na sasakyan. Matagal na rin siyang nagpupunta sa Italy, pero, ngayon pa lang siya napadpad sa lugar na iyun, may kalayuan na rin kasi ito sa siyudad at tila ba probinsiya na ang kanyang napuntahan.

Nakatanaw siya sa may labas ng bintana, habang nakaupo siya sa backseat at kanyang pinagmasdan ang malalawak na kaparangan at sa di kalayuan naman ay ang mga nagtataasan na mga kabundukan. Ngayon lang siya ulit nakapunta sa ganun na lugar, ang payapang tanawin mula sa bintana ay may hatid ng kapanatagan at katahimikan sa kanyang dibdib.

Unti-unti na siyang nakakaalpas sa kirot ng pagkabigo ng una niyang pag-ibig. Oo, si Alexis ang unang pag-ibig  niya, hindi man ito ang naging unang babae sa kanyang buhay, si Alexis ang tunay na minahal niya ng labis at walang hiningi na kapalit.

Pero, alam niyang masaya na ito at masaya na rin siya, siguro, dadalawin na lang niya ang mga ito, kapag natapos na siya sa kanyang misyon, ang kanyang pasya.

Naalala niya a ang naging usapan nila ng kanyang mommy, sinadya pa niya ang kanilang bahay sa London. Hindi niya malilimutan ang tuwa sa mgaa mata ng babaeng kumupkop at inari siyang tunay na anak. Matagal na rin kasi siyang hindi nito nakikita ng personal mula nang tumira na siya sa New York, at kung wala naman siya sa New York ay nasa Capri siya para I-supervise ang kanyang restaurant. Although, kalat sa Europe at US ang restaurant niya ay mas gusto niya na  pamahalaan ang sa New York at sa Capri. Kaya naman, puro pag-uusap na lang sa telepono ang  paraan nila ng kanyang mommy para makapag-usap sila.

Kaya halata sa mga mata ng kanyang mommy ang walang pagsidlan na tuwa nito, agad siya nitong ipinagluto ng paborito niyang pagkain na shepherd’s pie at scones na nilagyan ng cream para sa dessert.

Ang silid niya ay laging nakahanda sa kanyang pagdating, kaya naman labis na nakaramdam siya ng hiya sa kanyang mommy, dahil sa, mukhang hinihintay talaga nito ang kanyang pagbabalik.

Kaya naman, ilang araw pa muna ang lumipas bago pa niya seryoso na kinausap ang  kanyang mommy tungkol sa kanyang pakay at nakaramdam pa siya ng hiya, dahil sa, nagmukha pa tuloy na kaya lang siya dumalaw ay para hanapin ang tunay na magulang niya.

Naalala niya ang mga sinabi ng kanyang mommy Bernadette nang malaman nito ang gusto niyang gawin at alamin, ngumiti ito nang may lungkot sa mga labi.

“Bakit Brix, hindi ba ako sapat at kailangan mo pa na hanapin ang tunay mo na ina?” ang tanong nito sa kanya na may bahid nang pagtatampo.

Mabilis na umiling ang kanyang ulo at mabilis din ang kanyang malalaking paghakbang at lumapit siya sa kinauupuan nito, lumuhod siya sa harapan ng kanyang mommy at niyakap pumulupot ang kanyang mga braso sa bewang nito, na lumapad na sa paglipas ng panahon, but her motherly bossom only gave him the warmth, that only a loving mother could give.

“Mom, please, I didn’t mean it that way, wala ng makahihigit pa sa iyo mommy” ang giit niya sa kanyang ina at ipinatong niya ang kanyang ulo sa mga hita ng ina. At maya-maya pa ay naramdaman niya ang malambot na kamay nito na hinahagod ang kanyang ulo, marahan na sinusuklay ng mga daliri nito ang kanyang buhok.

“Thank you” ang malumanay na sambit nito sa kanya at isang buntong – hininga ang lumabas sa bibig ng ina.

“Wala akong masyadong alam sa pagkakakilanlan sa kanya anak” ang saad nito sa kanya. At tila ba nakaramdam ng lungkot ang kanyang dibdib, pero ang susunod na sasabihin ng kanyang mommy ang nagbigay ng karagdagang impormasyon na magagamit niya.

“Alaam mo naman na ang kwento tungkol sa amin ng daddy mo hindi ba?” ang patanong na pagpapa-alala ng mommy niya sa kanya.

Inalis niya ang kanyang ulo na nakaunan sa mga hita ng ina at tiningnan niya ng diretso sa mga mata ang kanyang ina na kakikitaan ng labis na pagmamahal sa kanya.

Savage Heart (Completed) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن