Prologue

7K 174 21
                                    

Kahit magsa – summer na ay may kalamigan pa rin ang hangin. Hindi man katulad kapag winter na nanuuot ang lamig. At tuwing spring na kadalasan ay hindi mo mawari o mahulaan ang magiging panahon, kadalasan ay magkahalo ang ulan at init at may alinsangan ang dalang hangin na bumabalot sa kapaligiran. At habang papalapit na ang tag-init ang hangin ay may kalamigan pa rin. May kabanayadan ang ihip ng hangin at ang samyo na kumikiliti sa kanyang ilong ay amoy ng sariwang mga damo at halaman. Naglalaro ang ihip ng hangin na nagpapagalaw sa mga dahon ng mga malalaking puno at mga halaman sa paligid ng Richfield Cemetery.

Sa dagat ng mga puntod ay agad na mapapansin ang lalaking nakatayo sa harapan ng isang kulay dark wood na krus. Halos isang oras na itong nakatayo roon at dahil sa wala naman sa panahon ang mga pagdalaw sa mga puntod ay agad na mapapansin ito. Inayos nito ang suot na jacket, hindi dahil sa lamig ng hangin ng mga sandali na iyun, kundi dahil sa sakit na nadarama ng puso niya.

Pinagmasdan ni Brix ang puntod ng ama, magpapaalam na muna siya rito bago niya simulan ang kanyang misyon sa buhay.

Pagkatapos niyang mabigo sa pag-ibig kay Alexis ay minabuti na muna niyang magpakalayo. Nang malaman niyang wala na sa panganib ang buhay nito ay sumuko na siya at iniwan ang babaeng tanging nagpatibok ng puso niya sa lalaking tunay at nag-iisang minamahal nito.

Masakit man sa kanyang dibdib ay tanggap niya at masaya siya para kay Alexis, at alam niyang nasa mabuting kamay ito ng asawa na si Trace.

Sumagi rin sa kanyang isipan si Venice, at napabuntong-hininga siya. Kahit pa nag-iinit ang laman niya sa babaeng iyun ay hindi niya ito nagawang mahalin, oo at, out of frustration ay pinagbalingan niya ito ng kanyang pansin. Ang atensyon na gusto niyang ibuhos sana kay Alexis ay pilit niyang itinuon kay Venice na siya rin palang kontrabida sa buhay nito.

Handa siyang magsakripisyo ng kanyang pag-ibig para lamang makaligtas si Alexis noon at mailayo sa babaeng nagdulot dito ng panganib.

“Mukhang di na matutupad daddy ang pangarap nyo sa akin na magkaroon ng malaking pamilya, hindi ko na yata kayang magmahal pa na muli, ang sakit na mabigo” ang mahinang sabi niya habang kinakausap ang puntod ng tumayo niyang ama.

Oo, isa siyang ampon, maliit pa lang siya ay pinaampon na siya ng magulang na wala siyang ideya kung sino. Hindi naman naglihim ang kanyang mga magulang na ampon lamang siya at ni minsan ay hindi sumama ang loob niya o nagrebelde sa mga ito. Bagkus ay mas naging pursigido siya sa buhay para maipakita na hindi nagkamali ang mga tumayo niyang magulang sa pag-ampon sa kanya at pasasalamat na rin niya sa mga ito, sa pagkupkop at pag-aruga sa kanya.

Pero, ngayon ay nakadama siya ng kuryosidad sa kanyang sarili. Tila ba may bigat sa kanyang pagkatao na sa tuwing may kaniig lamang niya naipapakita. Ramdam niya na may bahid ng maitim na dugo na dumadaloy sa kanya. At dahil na rin sa gusto niya munang makalimot sa kabiguan niya sa pag-ibig ay nagpasya na muna siyang hanapin ang tunay niyang magulang. Malaman ang dahilan kung bakit siya ipinaampon at pasalamatan ang mga ito, dahil sa, sa isang magandang pamilya siya ipinakupkop ng mga ito.

Hindi niya naisip na sumbatan ang babaeng nagluwal sa kanya, kahit pa ang lalaking naging dahilan kung bakit siya nasa mundo ngayon.
Kung bakit man siya ipinaampon ay alam niyang may mabigat ang mga ito na dahilan.

“Dad, I hope you won’t feel sad if I do this? Alam ko po na kung buhay kayo ay susuportahan ninyo ako sa gagawin ko. Tracing my roots doesn’t mean that you’re not going to be my father anymore, but it only meant that, you are a good father who taught me how to be grateful, at ipapakita ko na, maganda ang pagpapalaki ninyo sa akin” ang pagkausap niya sa malaking krus na kulay ng maitim na kahoy.

Umihip ang hangin at nadama ni Brix na banayad itong dumampi sa kanyang buhok at isang matipid na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. Tila ba kasi, sumagot ang kanyang ama at hinawakan nito ang kanyang ulo na madalas nitong ginagawa sa kanya sa tuwing pumapayag o natutuwa ito sa kanyang gagawin. Tila ba sinasabi nito sa kanya ang mga katagang "that's my son"

“Thanks dad” ang bulong niya at tumingala ang kanyang mga mata sa kulay asul na kalangitan.









Savage Heart (Completed) जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें