Chapter 14

1.6K 95 37
                                    

Excited si Lucia na lumabas ng likod bahay, agad niyang dinampot ang basket na naglalaman ng mga bulaklak na pinitas niya kanina lamang. Nakaalis na si Michael kaya naman, pwede na siyang magpunta sa cabina ni Brix.

Uno  due tre quattro cinque”, ang bulong niya habang bumababa siya ng hagdan ng likod na porch na gawa sa mga bato.

May ngiti sa kanyang mga labi habang naglalakad siya patungo sa cabina ni Brix, naalala niya pa ang mga sinabi nito kanina, na masyado pa siyang bata para mag-asawa. Hindi niya alam kung matatawag na bata ang edad niya, pero sa prospettiva ni Brix ay mas lalong tumibay lamang ang kanyang paniniwala na, hindi pa talaga siya handa na mag-asawa.

Nang maramdaman niya na malapit na siya sa cabina ni Brix, ay napakagat labi siya, ang bilis na naman ng tibok ng kanyang puso. Tinapik ng kanyang paa ang unang hakbang, at saka siya nag-bilang ng tatlo, at naabot na niya ang front porch ng cabina.

Kinapa ng kanyang kamay ang pinto at nasagi niya ang wind-chime na nakasabit sa harapan ng pintuan, at saka siya kumatok ng marahan.

Maya-maya pa ay narinig niya ang pagbukas ng chain lock sa loob ng kahoy na pinto, at maya-maya pa ang maingay na langitngit naman ng screened door kasabay ng tunog ng wind chime.

“Lucia?”, ang patanong na pagbanggit nito sa kanyang pangalan, “may kailangan ka ba?”, ang tanong nito sa kanya.

Nawala ang ngiti na nasa kanyang labi, hindi ba sinabi nito kanina na gusto nito ang mga bulaklak niya? At alam nito na pupunta siya sa cabina nito para dalhin nga ang mga bulaklak? Pero bakit sa tono ng pananalita nito at pagtatanong tila ba nagulat ito na nagpunta siya sa cabina nito? Ang tanong niya sa sarili.

“A-uh, hindi ba sabi mo na gusto mong lagyan ko ng mga bulaklak ang loob ng iyong cabina?”, ang patanong na sagot niya kay Brix. Hindi niya maaninag ang imahe nito dahil sa walang liwanag na tumatama kay Brix, kaya naman umikot-ikot ang bilog na kulay abo ng kanyang mga mata, para hanapin ang mukha ni Brix.

“Tsk”, ang narinig niyang pagpalatak ng dila ni Brix, naiinis na naman ba ito sa kanya? Pero bakit? Ang nasasaktan at nagtataka na tanong ng kanyang isipan.

“Mabilis lang naman ako Brix, ilalagay ko lamang sa vaso di fiori tapos aalis na rin ako agad para hindi ko maistorbo ang pagpapahinga mo”, ang sagot niya at kahit na nasaktan siya ay pilit pa rin niyang ngumiti rito.

Narinig pa niya ang isang buntong-hininga ni Brix bago ito nagsalita, “tuloy”, ang matipid na sabi nito sa kanya, at isang matipid na ngiti naman ang kanyang isinagot bago siya humakbang papasok ng cabina pagkahubad niya ng kanyang espadrilles at tumapak siyang nakamedyas sa loob ng cabina.

“Uh Brix, OK lang ba na, hawiin ko ang mga kurtina para may liwanag na pumasok dito sa loob?”, ang tanong niya kay Brix.

“Sige”, ang matipid na sagot nito, at humakbang siya papalapit sa may bintana, ganun na rin ang shutters nito ay kanyang binuksan kaya naman pumasok sa loob ang malamig at mabangong simoy ng hangin ng kabundukan.

Humakbang siya palapit kung saan, batid niya kung nasaan ang side table, at kanyang ibinaba sa sahig sa tabi ng maliit na bilog na lamesa ang dala niyang basket at kinapa ng kanyang kamay ang plorera na nasa ibabaw nito.

“Ginagamit mo ba ang mga net sa gabi na nasa iyung kama Brix? Mainam iyan para di masyado makapasok ang lamig at insekto kung mayron man”, ang nakangiting saad niya at napasinghap siya nang madama niya ang pag-iinit ng kanyang balat, at di iyun dahil sa init ng araw na pumapasok mula sa bintana. Kundi dahil sa mga mainit na tingin na nadarama niya mula sa ibinibigay sa kanya ni Brix. Hindi niya namalayan na sa kanyang mga bibig na siya humihinga, at ang init ay nanuot na sa kanyang mga kalamnan at sa kanyang dugo na dumaloy sa buo niyang katawan. Muli niyang naramdaman ang pamimigat ng kanyang mga dibdib at ang paninigas ng usbong ng kanyang dibdib.

Savage Heart (Completed) Where stories live. Discover now