Chapter 24

1.6K 102 108
                                    

Inabot sila ng tanghali nang matapos ang kanilang pag-aani ng mga pomodori. Agad na binili ni Brix ang kalahati sa labindalawang piraso ng kaing ng kamatis na kanilang naani para dalhin ang mga iyun sa kanyang restaurant na Bricks sa siyudad ng Capri. Sumama si Brix kay nonno at sumakay sa carro nito para ihatid ang mga nabiling Roma Tomatoes sa kanyang restaurant at sina Lucia, nonna at Michael naman ay sumakay sa carro ni Michael paakyat ng bundok dala ang kalahati ng mga kaing ng kamatis para naman sa supplies ng mga Benatti para sa personal na gamit ng pamilya.

Hindi akalain ni Brix na agad niyang hahanapin ang presensiya ni Lucia sa sandali na napahiwalay siya rito kaya naman habang paakyat na ang carro at unti-unting nasisilayan na niya ang bahay na bato ng mga Benatti ay bumilis na ang tibok ng kanyang puso. Gusto na nga niyang tumalon sa carro at takbuhin na papasok ng bahay at gusto na niyang masilayan ang mukha ni Lucia.

Naalala niya ang halik na namagitan sa kanila ni Lucia sa ilalim ng puno ng lemon. Bahagya man ang halik na iyun ay naabot ng katulad niyang may dugo na kasamaan sa pinto ng langit na alam niyang hindi niya mapapasok kailanman. Hindi niya inakala na matitikman niya ang labi ng isang anghel na katulad ni Lucia.

“Malapad ang iyong ngiti”, ang sabi ni nonno sa kanya nang mapansin nito ang ngiti sa mga labi niya habang bumaba siya ng carro pagkahinto nito sa harapan ng bahay.

“Uh, masaya lang po nonno”, nahihiyang sagot niya kay nonno na matamang siyang tinitingnan.

Gratzie Brix sa pagtulong mo sa amin”, ang sinserong pasasalamat ni nonno sa kanya.

“Wala po iyun saka nagustuhan ko po talaga yung mga tanim po ninyo na kamatis, at saka hindi ko po tinanggap ang diskwento na ibinibigay ninyo sa akin dahil sa negosyo po ito nonno at dapat lang na bayaran ko po ito sa nararapat na presyo”, ang sagot ni Brix kay nonno.

“Napakalaki na tulong sa amin nito Brix, pandagdag sa panggastos at sa pagpapaopera sa mga mata ni Lucia”, ang sagot ni nonna.

Biglang tumahimik si Brix at naisip niya ang kalagayan ni Lucia, gusto niya itong tulungan at ang gusto niya ay makausap si Lucia.

“Sige na Brix, pumasok ka na sa loob at sigurado na naghahanda na sila ng pagkain para sa ating hapunan, gratzie Brix”, ang sinsero na sabi ni nonno sa kanya.

Hindi na siya sumagot at dali-dali siyang naglakad patungo sa bahay ang tunog ng wind chimes na dati ay kinaiinisan niya ay tila ba musika na sa kanyang mga tenga sa sandali na iyun at binabati ang kanyang pagdating.

Paghila niya ng pintuan ay dali-dali siyang naglakad patungo sa kusina at naabutan niya si Lucia na nakaupo sa may harapan ng dining table habang hinihiwa nito ang tinapay na mainit pa at ang mabangong amoy nito ay halatang kagagaling lamang nito sa hurno.

Mabilis na lumingon si Lucia at muli ay nagtama ang kanilang mga mata at ang puso niya ay mabilis na naman na tumibok, kakaiba ang tibok ng puso niya ng sandali na iyun kumpara sa noong naramdaman niya kay Alexis.

Totoo na ba ito? Totoo na ba ang  nararamdaman ko para kay Lucia? Ang tanong niya sa kanyang sarili.

“Brix?”, ang sambit ni Lucia sa kanyang pangalan.

“Lucia”, ang sambit niya sa pangalan nito at nang marinig nito ang kanyang boses ay nakita niya na nagliwanag ang mukha nito.

“Oh Brix, mabuti at nakauwi na kayo, malapit ng maluto ang hapunan, nagluto ako ng tomato soup, at hinihiwa naman ni Lucia ang tinapay para palamanan ng keso at kamatis tapos igi-grill natin”, ang nakangiting sabi ni nonna sa kanya.

Savage Heart (Completed) Where stories live. Discover now