Chapter 21

1.6K 96 76
                                    

“Mama!”, ang hiyaw ni Brix sabay balikwas niya sa kanyang pagkakahiga muling naramdaman niya ang pagtulo ng pawis sa kanyang noo at naghahabol na naman siya ng kanyang hininga.

Nakatulog man siya ng mahaba ay muli na naman siyang ginising ng isang panaginip at sa pagkakataon na iyun ay ang kanyang ina, ang tunay niyang ina na si Sienna at kung paano niya huling nakita at nasaksihan ang mga luha nito na dumadaloy sa mga magaganda nitong mga mata. Mga mata na katulad ng sa kanya.

Isang malakas na buga ng hininga ang kanyang pinakawalan, at napasabunot siya sa kanyang buhok saka niya napansin ang pumapasok na liwanag mula sa bintana. Umaga na, sumikat na ang araw, hindi katulad noon na nagiging siya na nababalot pa ang tuktok ng kabundukan ng kadiliman.

Bumaba siya ng kama at humakbang siya palapit sa bintana kung saan tanaw ang likuran na bahagi ng kanyang cabina. Hinawi niya ang mga kurtina at saka niya binuksan ang shutters nito at bumati sa kanya ang ganda ng maliit na lawa. Hindi niya pa masyado nakita ang tanawin na iyun dahil na rin sa gusto niyang lagi na lang madilim sa loob ng kanyang cabina at di niya binubuksan iyun.

Lawa? paano nagkaroon ng maliit na lawa sa tuktok ng bundok? Ang taka na tanong ni Brix habang pinagmamasdan niya ang malalaking mga puno at ang mga nagtataasan na mga halaman. At nakita niya ang kulay asul na tubig ng lawa. Matingkad ang pagkaka-asul nito mula sa kanyang bintana at nagkalat ang mga naggagandahan na mga bulaklak.

Naalala niyang bigla ang lakad nila sa araw na iyun, ang sabi nga pala ni nonno ay pupunta sila sa taniman ng kamatis.

Si Elga kaya? Sigurado na galit sa kanya ito, ang sabi ni Brix sa sarili. Pero ang gustong-gusto niya na makita ay si Lucia.

Napabuntong-hininga siya, litong-lito na ako, hindi ko na alam kung ano ba ang gagawin ko, kung iiwas ba siya kay Lucia? Pero ang puso ko ay gustong lumapit, ang sabi ni Brix sa kanyang sarili.

Ayaw ko na may masaktan, kung hindi si Lucia ay sigurado na ako iyun, ang sabi ni Brix sa sarili. Muli siyang nagpakawala ng buntong-hininga at sinuklay na muli ng kanyang mga kamay ang kanyang buhok saka siya nagmamadali na pumasok sa loob ng kanyang banyo.

Pagkalabas niya ng kanyang cabina ay agad siyang nagtungo sa may halamanan napansin niya na sarado pa ang pintuan ng cabina ni Elga, sigurado na isang nakasimangot na Elga ang babati sa akin, ang sabi ni Brix sa sarili.

Nilagpasan niya ang cabina ni Elga at naglakad siya patungo sa direksyon ng halamanan at hindi nga siya nagkamali. Nakita si Lucia na nakaharap sa magandang tanawin ng Capri at sa papasikat na araw sa silangan.

Agad na bumilis ang tibok ng kanyang puso, hindi na niya mapigilan ang at maitatanggi na unti-unti na siyang nagkakaroon ng iterest kay Lucia. Ang innocente Lucia, ang sabi ni Brix sa sarili. At sa tuwing maiisip niya na isang inosente si Lucia ay hindi lang bumibilis ang tibok ng kanyang puso, kundi rin umiinit ang kanyang dugo.

Mabilis niyang binura iyun sa kanyang isipan, at muli niyang naalala ang mga naging usapan nila sa harapan ng tavolo da pranzo kagabi, at muli niyang naalala ang katahimikan na ipinakita ni Lucia kagabi at alam niyang isa siya sa naging dahilan ng katahimikan at hinanakit nito kagabi.

Kailangan kong humingi ng paumanhin kay Lucia, ang sabi ni Brix sa sarili. Kaya naman dahan-dahan siyang naglakad papalapit kay Lucia habang pinagmamasdan niya ang likuran nito. Ang mahabang buhok nito na nakalugay at katulad ng tubig sa talon na nahuhulog sa likuran nito ang mahaba at alon-alon nitong buhok.

At doon natuon ang kanyang mga mata sa maitim na buhok nito, gusto niyang maramdaman ang makapal nitong buhok sa kanyang palad. At humakbang pa siya papalapit dito hanggang sa isang dipa na lang ang layo niya mula sa likuran nito. At natigilan siya nang marinig niya ang mga inusal nito sa hangin, tila ba kinakausap nito ang may Likha sa lahat, at nakaramdam ng kirot ang kanyang puso sa bawat salita na lumabas sa bibig ni Lucia.

Savage Heart (Completed) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang