Chapter 19

1.4K 94 77
                                    

Pinagmasdan ni Brix si Lucia, nakaramdam ng kirot ang kanyang puso, nang makita niya ang pamumula ng ilong nito at ganun na rin ang mga mata nito na namamaga ang paligid. Batid niya na hindi totoo ang sinasabi nitong dahilan na pollen, pero hindi na siya nagsalita, dahil, paano niya sasabihin sa mga ito na siya ang dahilan ng pagluha ng kanilang apo?

At mas lalo siyang nakadama ng hapdi na gumuhit sa kanyang puso, nang marinig niya ang sinabi ni Elga, na naaawa ito kay Lucia, lalo pa at nakita niya ang labis na sakit na rumehistro sa magandang mukha nito.

“Uh hindi mo kailangan na kaawaan si Lucia, Elga, hindi siya non valido, nagagawa ni Lucia ang lahat tulad ng walang kapansanan na tao”, ang mariin na pagtatanggol ni nonna sa apo.

“I’m sorry, I didn’t want to sound mean, alam ko naman na hindi lahat ng may kapansanan ay pabigat sa lipunan”, ang sagot ni Elga.

“Siyanga pala, talaga bang kilala itong si Brix?”, ang pag-iiba ng usapan ni nonna at sa kanya na-pokus ang atensyon ng lahat, na mas maigi na kaysa naman kay Lucia na, sa kanyang paningin ay tila ba pinipilit na lamang nito na kumain.

Si nonna”, ang nakangiting sagot ni Elga kay nonna at binigyan siya ng malagkit na tingin ni Elga. At ang mga tingin na iyun ay alam na niya ang pakahulugan. Mukhang may mapagbabalingan siya ng init ng katawan. Isang willing na babae, na handang painitin ang kanyang gabi, ang sabi niya sa kanyang sarili.

“Si Brix po ay kilalang chef, marami po siyang restaurant, hindi lang dito sa Capri, kundi sa, buong mundo?”, ang masigla nitong sabi sa kanila.

Veramente?”, ang di makapaniwala na tanong ni nonno.

“May sikat pala tayong bisita”, ang natutuwa na sambit ni nonna, at ang mga mata nito ay nakangiting nakatuon sa kanya.

“Hindi naman po”, ang nahihiya na sagot niya, at isang matipid na ngiti ang isinagot niya kay nonna, ngunit ang ngiti na, nasa kanyang mga labi ay mabilis na nawala nang makita niya na mas lalong naging malungkot ang mukha ni Lucia. Bahagya man itong nakayuko ay mababasa pa rin ang lungkot sa mukha nito. Kung dati, ay ito ang buhay sa harapan ng hapag, dahil sa mga kwento nito, ng sandali na iyun ay tila ba hindi lamang isang bulag si Lucia kundi isa na ring pipi.

“You’re so humble!”, ang natatawang saad ni Elga sa kanya at hinawakan pa nito ang kanyang hita at marahan iyun na pinisil. Tiningnan niya ang kamay nito na nanatili sa kanyang hita at saka umangat ang kanyang mga mata sa mukha nito at nagtama ang kanilang mga mata, at nangusap ang mga iyun. At alam na ni Brix, kung ano ang gusto pa nitong mangyari.

“Naku, isa ka palang kilala na chef, bakit hindi mo sinabi sa akin, pasado ba ang mga luto ko? Pang – ristorante”, ang nakangiting tanong sa kanya ni nonna na namilog pa ang mga mata nito at nakataas ang kilay sa kanya, habang naghihintay ng kanyang sagot.

Bahagya siyang natawa at umiling, “believe me nonna, wala ako sa kalingkingan ng mga luto mo, lalo na yung chicken parmigiana, at ito pong dinner natin”, pasta all'olio”, ang matapat na sabi niya kay nonna na sa unang pagkakataon ay nakita niyang namula ang mga pisngi.

“Naku, ikaw talaga bambino, binobola mo naman ako”, ang kinikilig na sabi ni nonna na may kasamang bungisngis.

“Naku, kunwari ka pa Alicia, ang totoo ay kilig na kilig ka naman”, ang biro naman ni nonno kay nonna.

“Totoo naman po nonna, kaya, baka naman, maisipan niyo po na i-share sa akin ang secret recipe ninyo?”, ang sabi niya kay nonna na mabilis na tumango.

Savage Heart (Completed) Where stories live. Discover now