Chapter 37

1.6K 90 62
                                    

“Alas onse na Victor, katukin mo na si Brix sa cabina nito dalhan mo ng kape at para makapag-usap kayo na dalawa, tumanggi na nga kanina sa hapunan, hindi pwede na ganito ang mangyari sa dalawang iyun, baka naman maliit lamang na tampuhan at hindi pagkakaintindihan ang ugat ng lahat at makukuha pa sa masinsinan na usapan,” ang sabi ni nonna kay nonno na tumangu-tango at agad naman na kumilos ito, kumuha ito ng maliit na thermos at sinalinan nito ng bagong kulo na kape at saka ito kumuha ng dalawang mug sa cupboard.

“Pupuntahan ko naman si Lucia sa itaas, sabihin mo na lang sa akin mamaya ang napag-usapan ninyo,” ang bilin pa ni nonna bago tuluyan na lumabas si nonno ng likuran na pinto patungo sa likod bahay kung saan naroon ang mga cabina.

Maliwanag ang buwan kaya naman tila ba bukang-liwayway na ng mga sandali na iyun. Binagtas ni nonno ang daan patungo sa cabina ni Brix. Kumunot ang noo ni nonno nang makita niyang madilim na madilim sa loob, ni ilaw mula sa apoy sa fireplace ay walang makikita na lumulusot na liwanag.

Iba ang pakiramdam ni nonno, iba na ang hinala niya, kaya naman dali-dali siyang umakyat ng mababang hagdan at hinila niya ang screen door at nang pihitin niya ang doorknob ay batid na agad ni nonno na tama ang kanyang hinala. Pero binuksan pa rin niya ang pintuan at mailing na loob ng cabina ang bumati sa kanya at kinapa niya ang switch ng ilaw sa tabi ng pintuan at nang nabuhay ang ilaw ay nakita niya ang walang laman na cabina ni Brix.

****

“Lucia? Lucia, bambina kumain ka na, manghihina ka sa ginagawa mong iyan, baka magkasakit ka pa,” ang malambing na panunuyo ni nonna kay Lucia.

Pero hindi siya sumagot, nanatili lang na nakapikit ang kanyang mata at nagkunwari na lamang siya na tulog. Wala siyang gana na kumain, mas gugustuhin pa niya na mamatay sa gutom kaysa sa kumain siya at mabuhay ng wala si Brix sa kanyang buhay.

Narinig niya ang buntong hininga ng kanyang nonna at hinimas nito ang kanyang ulo, at naramdaman niya ang labi nito na dumampi sa kanyang kaliwang sentido.

“Oh sige, matulog ka na muna, mas kailangan mo na magpahinga ng iyong katawan at isipan,” ang narinig niyang bulong ni nonna sa kanyang tenga at muli nitong hinimas ang kanyang buhok bago ito tumayo mula sa pagkakaupo nito sa kanyang tabi at tahimik na naglakad si nonna palapit ng pinto.

Pagbukas ni nonna ay bumati sa kanya si nonno na nasa labas ng pintuan ng kwarto. Lumingon muna si nonna kay Lucia na nakahiga sa kama nito at nakatalikod sa may pintuan, bago ito tuluyan na lumabas ng silid at ipininid ang pinto.

“Ang bilis mo naman?” ang tanong ni nonna kay nonno na mababakas ang labi na pag-aalala sa muna nito.

Napabuntong-hininga si nonno at napailing, “wala si Brix, walang tao sa cabina pati bag niya wala, mukhang..... tuluyan na itong umalis,” ang sabi ni nonno na labis na ikinabahala ni nonna.

"Oh mio Dio, che fine hanno fatto questi due?" ang nag-aalala at nagtataka na tanong ni nonna kay nonno patungkol sa kung ano kaya ang nangyari sa kanilang apo at kay Brix.

“Si Lucia?” ang tanong ni nonno at sumulyap ito sa nakapinid na pinto.

“Tulog, ayaw kumain,”  ang matamlay na sagot ni nonna rito.

“Hayaan mo na muna at nang makapagpahinga, pagod ang isip at katawan, lalo na ang puso niya alam ko ganun din si Brix, naguguluhan lamang iyun, huwag natin siya agad na husgahan, maayos din ang lahat,” ang sabi ni nonno at tumangu-tango naman si nonna at sabay pa sila na sumulyap muli sa nakasara sa pintuan bago sila tahimik na bumaba ng hagdan at patungo sa kanilang sariling silid.

Savage Heart (Completed) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora