Chapter 30

1.8K 100 50
                                    

Hindi agad nakapagsalita si Lucia at nanatili siyang tulala at nakabuka pa ang kanyang mga labi sa kanyang pagkabigla. Totoo ba ang lahat? O nananaginip lang ako? Ang tanong ni Lucia sa kanyang sarili.

Hindi makapaniwala si Lucia sa bilis ng pangyayari, ilang araw lang ang nakakaraan noong okupahin ni Brix ang cabina at sa sandali na iyun ay inokupa na nito ang puso ni Lucia, at pati an rin ang kanyang buhay. At kung noong isang araw ay labis ang kanyang lungkot, sa sandali naman na iyun ay labis-labis ang kanyang saya na nag-uumapaw sa kanyang dibdib.

"Oh, bakit di ka na makasagot?", ang tanong sa kanya ni Brix at sa tono ng pananalita nito ay mababakas ang bahagyang pagtawa nito.

"Sei sicuro?", ang paninigurado niyang tanong kay Brix na nakalapat ang mga palad nito sa kanyang pisngi at mabilis na hinagkan nito ang kanyang mga labi.

"Si", ang sagot ni Brix sa kanyang tanong.

"Pero, ang bilis ng lahat, ayoko na nabigla ka lang kaya mo ako inalok ng kasal Brix o kaya naman napilitan ka lamang dahil sa ibinigay ko na ang sarili ko sa iyo, hindi mo ako kailangan na alukin ng kasal Brix, ang malaman na mahal mo ako ay sapat na", ang mariin na sabi niya kay Brix.

"Mabilis nga ang pangyayari Lucia, may mga bagay sa mundo na napakabilis na mangyari, napakasaya mo pero biglang may magiging sanhi na lamang ng pagkalusaw ng iyong kasiyahan, at gusto ko na maramdaman ko man ang ganun, sa saya man o kalungkutan ay narito ka sa aking tabi Lucia, dahil ikaw, ikaw, ang hinahanap ko na bubuo sa akin, ikaw ang nagbigay sa akin ng dahilan para mabuhay sa kasalukuyan at hindi sa nakaraan, ikaw ang nagbigay sa akin ng pag-asa at nagpahilom ng aking puso, ikaw yun Lucia at gusto ko na maging permanente ka ng mamuhay kasama ko", ang giit ni Brix sa kanya at namuo ang luha sa kanyang mga mata, sa labis na tuwa na kanyang nadarama.

"Alam ko na hindi ka pa handa na magpakasal Lucia, dahil marami ka pang pangarap na gusto mo pang mag-aral, pero hayaan mo na maging parte ako sa bawat hakbang mo para makamit mo ang pangarap mo Lucia, ako si Brixton Ford, bilang iyong kabiyak, kapilas ng iyong puso, bilang iyong asawa", ang muling saad ni Brix sa kanya at damang-dama ni Lucia ang sinderidad sa bawat salitang binitiwan ni Brix sa kanya, damang-dama niya ang pagmamahal nito na nag-uumapaw para sakanya kaya naman hindi na niya napigilan ang di lumuha.

"Tatanungin kitang muli Lucia, vuoi sposarmi e diventare la signora Brixton Ford", ang tanong sa kanya ni Brix para maging si Mrs Brixton Ford.

Tumangu-tango ang kanyang ulo at isang tawa ang pinakawalan niya sa kabila ng mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata na pinapahid ng daliri ni Brix sa kanyang pisngi.

"Si, mi piacerebbe essere tua moglie", ang sagot niya kay Brix na gusto niyang maging asawa nito. At naramdaman niyang muli ang mga labi ni Brix sa kanyang mga labi. Kapwa nila nilasahan ang luha na dumaloy na sa kanyang mga labi. Nangusap ang kanilang mga labi at nagpabaling-baling pa ang kanilang mga ulo para lamang mas magpagkit ang kanilang mga labi.

At naramdaman ni Lucia ang mga kamay ni Brix sa kanyang pwetan at saka nag-ekis ang mga braso nito roon saka iniangat ni Brix ang kanyang mga paa sa lupa at agad naman niyang ipinulupot ang kanyang mga binti sa bewang ni Brix habang ang kanilang mga labi ay patuloy na nangusap, at nagpapalitan ng mga pangako sa isa't isa sa pamamagitan ng halik.

"Dio mio! Alicia vieni qui in fretta!", ang nagmamadaling sabi ni nonno kay nonna paglabas nito ng pintuan para sana magtungo sa likod bahay at nakita nga nito ang kanyang apo na si Lucia na buhat - buhat ni Brix habang abala ang mga labi nito sa isa't isa.

"cos'è Victor, è come se avessi visto un fantasma", ang galit na tanong naman ni nonna kay nonno at natigilan din ito at nanlaki ang mga mata nang makita rin nito ang dalawa sa hardin na tila ba isang eksena sa isang romantiko na pelikula o kwento ang natutunghayan ng mga mata nito.

Savage Heart (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon