Chapter 18

1.5K 97 83
                                    

“Hmmm, hhhmm hihimmm, himm”, ang himig na lumalabas sa mga labi ni Lucia habang abala siyang nilalagyan ng mga bagong federa at lenzuola, ang kama. Bago rin ang makakapal na kumot na kanyang dinala sa cabina na ookupahan ng bagong bisita nila.

Nalinis na niya ang buong cabina at pati sahig ay napakintab na niya at dama iyun ng kanyang paa. Kaya pagkatapos niyang linisin ang buong cabina ay paglalagay naman ng mga bagong sapin sa higaan at punda ng unan ang kanyang pinagkaabalahan. Nakuha niya pang mag-humming habang abala siya sa kanyang ginagawa nang marinig niya ang wind-chime sa pintuan na lumikha ng ingay. Bumukas ang screen door at hindi na niya narinig pa ang pagbukas ng pinto na kahoy, dahil iniwan na niya iyun na nakabukas.

Tumigil siya sa kanyang ginagawa at nakiramdam siya, at saka niya dahan-dahan na inilingon ang kanyang ulo sa kanyang likuran sa direksyon ng pintuan.

“Lucia”, ang sambit ng pamilyar na boses sa kanyang pangalan. At hindi pumapalya ang boses nito na hindi siya bigyan ng pakiramdam na mainit, na tila ba binabalot siya nito sa makapal na kumot.

“Brix?, may kailangan ka?”, ang tanong niya rito at tuluyan nang pumihit ang kanyang katawan para humarap dito.

“Wala naman, baka kasi, kailangan mo ng tulong dito”, ang tanong nito sa kanya at batid niya sa tunog ng boses nito ay nakatayo pa rin ito sa may tabi ng pintuan.

“Uh hindi na, nalinisan ko na ang cabina, maglalagay na lang ako ng mga bagong punda at bedsheet”, ang sagot niya.

“Tulungan na kita sa paglalagay ng bedsheet”, ang sabi nito sa kanya at hindi na siya nakatanggi pa dahil naramdaman na niya ito sa kanyang tabi.

“Ang dami mo na ngang ginawa para sa amin, pati ba naman itong paghahanda ng cabina, tutulungan mo pa rin ako?”, ang nahihiya na sabi niya rito.

“Balewala ito, saka para matunaw yung madami kong kinain kanina, ang sarap kasi magluto ni nonna”,  ang sagot nito sa kanya.

Lo sei grande?”, ang tanong niya kay Brix.

Che cosa?”, ang  balik tanong ni Brix sa kanya na tila nagulat ito sa kanyang tanong.

“Ang tanong ko kung malaki ka, grande”, ang tanong niyang muli kay Brix na may mga ngiti sa kanyang labi habang isinusuot niya ang bedsheet sa kanto ng kutson.

Narinig niyang nilinaw ni Brix ang lalamunan nito, bago ito sumagot, ehem, uh, oo naman, uh I mean I’m well built”, ang sagot ni Brix sa kanya.

“Kaya pala, kayang – kaya mong tibagin ang puno at buhatin papunta rito”, ang sagot niya.

Penso che tu sia solido”, ang saad niya kay Brix na hindi niya namalayan na nanatili na lamang ito na nakatayo sa sinabi niya.

Solido as a rock, or metal maybe”, ang dugtong pa niya at muli niyang narinig ang paglilinaw ng lalamunan ni Brix.

“Ehm, uh, oo”, ang mas matipid pa na sagot ni Brix sa kanya, “bakit nagmamadali ka? Anong oras ba darating ang bisita ng cabina  na ito?”, ang tanong nito sa kanya.

“Pagkatapos ng tanghalian, ayoko kasi maabutan niya na inaayos ko pa lang ang cabina, katulad noong dumating ka, ayoko ng makaistorbo”, ang sagot niya kay Brix, na naalala ang mga sinabi nito sa kanya noong unang pagdating nito sa cabina.

“Pasensiya ka na noon ha?”, ang narinig niyang paghingi nito ng paumanhin sa kanya sa malumanay at mababang baritono na boses nito.

Tumigil siya sa pagsisik ng tela sa ilalim ng kutson at tila ba nakikita niya ng husto si Brix nang matuon ang kanyang mga mata at pilit niyang isinaayos ang kanyang paningin para makakuha siya ng imahe ni Brix kahit gaano pa kalabo o kadilim.

Savage Heart (Completed) Where stories live. Discover now