Chapter 2

3.8K 148 68
                                    

“TING-ting-TING” ang tunog na likha ng wind-chime na nakasabit sa screened door ng back porch. Ang matinis ngunit masarap sa tenga na tunog ng mga maninipis na cylindrical aluminum pipes, ay sumasabay sa screeching sound na tunog ng lumang pintuan.

Humakbang palabas ang dalawang pares ng mga paa na nakabalot ng lumang espadrilles na kulay kupas na asul. Dahan – Dahan ang mga hakbang nito sa backporch ng bahay na gawa sa mga bato at kahoy.

Her worn old espadrilles made soft creaking sound on the old woods of the back porch as she descent on the steps. She gripped her shawl to cover herself from the cool and crisp, early morning mountain breeze.

Her soft curls were being swept by the wind, teasing her cheeks with its coldness, making the apples of her cheeks flushed.

Hawak ang basket sa isang kamay nito ay diretso lang na naglakad ang mga paa nito sa maumido na lupa gawa ng hamog na humahalik sa  itaas ng kabundukan kung saan naroon ang kanilang bahay. Alam na alam niya ang daan patungo sa hardin, kahit nga nakapikit pa siya ay alam niya kung paano iyun puntahan, ang natatawang sabi pa nito sa kanyang isipan.

Oo, iyun naman ang totoo, kahit na pumikit siya ay alam niya ang pasikut – sikot sa kanilang bahay at paligid nito.

un posto per ogni cosa e ogni cosa al suo posto” ang sambit ng mga labi niyang natural na kulay rosas, a place for everything and everything in its place, ika nga sa wikang ingles ang sabi pa ng kanyang isipan, ganun ang kanilang bahay, kaya naman, kahit na nakapikit ka ay kaya mong mahanap ang mga lugar, kwarto o mga bagay.

At iyun nga ang kanyang ginawa, nakapikit siyang naglakad patungo sa kubling hardin, ramdam niya ang mamasa-masang lupa sa kanyang manipis nang mga sapatos. Ang suot niyang mahabang palda ay sumasabit sa mga sanga ng mga halaman na alam niyang abot na halos sa kanyang dibdib.

Uh, hindi naman kasi siya katangkaran, kaya nga, pwede niyang ikubli ang kanyang sarili sa makakapal na tanim nila ng iba’t ibang mga halaman at bulaklak.

Habang nakapikit na naglalakad at hawak ng isang kamay niya ang basket na bamabangga rin sa mga halaman ay inilalapat niya ang kanyang kamay sa kanyang tabi para damhin ang mga halaman na sa kanyang palad.

Gusto niya ang pakiramdam sa kanyang palad ng mga dahon, sariwa o tuyo man, mga bulaklak na may maninipis at makakapal na talulot, at mga sanga na bagong tubo at malambot o di kaya ay matanda na at matigas na nakatutusok.

Lahat iyun ay kanyang dinama at habang nakapikit na binagtas ang daan patungo sa paborito niyang lugar sa hardin. At nang madama na niya ang masarap na init ng haring araw na alam niyang, sa oras na iyun ay dahan-dahan nang sumisilip upang pagharian na naman na muli ang panibagong araw na bigay ng Diyos para sa kanila.

uno due tre quattro cinque” ang mahinang sambit na pagbibilang niya. At sa ika-lima na bilang ay huminto ang kanyang mga paa sa paghakbang. At doon ay tumayo siya at kahit nakapikit ay alam niya na ang kanyang natatanaw ay ang tanawin ng malawak na karagatan na pumapalibot sa isla ng Capri. Ang malinaw at kumikislap na asul-berde na karagatan at kakulay ng mga bote na nilalagyan nila ng mga sariwang rosas na kanilang inilalagay sa ibabaw ng lamesa at mga kwarto.

Hindi na naalis ang matamis na ngiti sa mga labi niya na may kakapalan. Ayaw na ayaw niya sa kanyang labi, pouty kasi ito, maganda ang mga labi na maninipis, katulad sa mga painting na kanyang nakita noong nakapunta siya sa isang sikat na museum sa mainland ng Italy at sa France ang Louvre.

Hindi ba ang gaganda ng mga babae sa mga painting? Ang sabi niya sa kanyang sarili. Itinikom niyang sandali ang kanyang bibig at bahagya siyang ngumuso, ang tingin kasi niya sa kanyang sarili ay hindi siya maganda.

Savage Heart (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon