Chapter 39

2.3K 123 99
                                    

Ikinabigla ni Brix ang presensiya ni Sister Pietra sa loob ng private room ni Lucia, pero nang mapagtanto niya ang kaugnayan nito sa kanyang mama ay nahulaan na ni Brix kung bakit naroon ang madre na halos kasing edad lamang ng kanyang namayapa na ina.

Nakita niya sa mga kulay abo na mga mata nito ang pagkabigla na makita rin siya sa loob ng silid ni Lucia. At ng sandali na iyun ay may biglang nanghimasok sa kanyang isipan. Bigla siyang nakaramdam ng kaba, at dahil iyun nang makita niya ang mga mata ni Sister Pietra.

"Sister? Maupo po kayo," ang alok niya sa madre na tinitigan ang kanyang mukha nito ng mas matagal pa sa kanyang inaasahan na pagkabigla nito na makita siya. Hindi niya matandaan ang naging reaksyon nito noon nang una siya nitong nakita sa loob din ng isang hospital room, dahil sa ang atensyon niya ay nasa kanyang mama.

"Uh," ang sambit nito at kumurap-kurap ang mga talukap ng mata nito saka ito tumango at ngumiti ng matipid sa kanya bago ito humakbang papalapit sa upuan na itinuro niya sa kanyang tabi sa tabi ng kama ni Lucia.

"How is she?" ang tanong ni Sister Pietra sa kanya na ang mga mata ay na kay Lucia sa mahimbing pa rin na natutulog ng sandali na iyun.

"The doctor said she's recovering well, a few days more pwede ng tanggalin ang benda ng kanyang mga mata at titingnan kung, may maaninag na siya," ang sagot na paliwanag ni Brix sa madre na nakaupo sa kanyang tabi.

"Natutuwa akong marinig iyan, alam ko na masayang - masaya si Sienna sa sandaling ito," ang naiiyak na sabi ni Sister Pietra sa kanya.

"Kaya po ba kayo narito dahil sa ibinilin siya ni mama sa inyo?" ang mahinang tanong niya kay Sister Pietra at umangat ang mga mata nito para tingnan siya sa kanyang mga mata saka ito tumangu-tango.

"Lahat ng trabaho ay pinasok ni Sienna para mabuhay niya ang kanyang anak, hindi siya umasa sa kanyang asawa na, wala naman na siyang aasahan pa dahil sa naubos na ang yaman nito dahil sa pagkalulong nito sa sugal at alak, kaya iniwan niya ang asawa nito, ang ama ni Lucia at dinala niya si Lucia sa kabundukan ng Capri habang siya ay namasukan sa taniman ng mansanas malapit sa kumbento ng St. Maria Goretti kung saan ako naroon," ang paliwanag ni Sister Pietra sa kanya.

"Nang magkasakit si Sienna ay tinulungan ko siya na magpadala ng pera kay Lucia bilang... bilang pagtanaw ng utang na loob, kahit na isa akong madre ay naghanap ako ng pwedeng pagkakitaan para matulungan ko si Sienna at ang anak nito, hanggang sa tuluyan na nga siyang nalagutan ng hininga at ang bilin niya ay puntahan ko si Lucia para sabihin ang nangyari sa kanya, masakit sa dibdib ni Sienna na lilisanin niya ang mundo na hindi man lamang niya nakita sa huling pagkakataon ang mukha ng kanyang anak at ni hindi man lamang niya ito naipagamot, kaya naman para sa ikatatahimik ng kanyang kaluluwa at bilang ganti sa mga ginawa niya para sa akin ay nangako ako na, maghahanap ako ng paraan para maipagamot ang mga mata ni Lucia, at hindi ko akalain na ikaw ang gagawa niyun para sa kanya." Ang kwento sa kanya ni sister Pietra na kumirot sa kanyang puso, dahil sa labis na pagmamahal ni Sienna ang kanyang mama kay Lucia.

I-ikaw, a-anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman ang tungkol kay Lucia?" ang takang tanong naman sa kanya ni Sister Pietra at ang mga kulay abong mga mata nito ay natuon sa kanya na may pananabik ang mga matang unti-unti na pumupukaw sa kanyang kalooban at may matipid naman na ngiti ang mga labi nito sa kanya.

"Uh, it was an accident actually, nang malaman ko ang rebelasyon ni mama tungkol sa nangyari sa kanya ay, naguluhan ako sa aking sarili, hindi ko matanggap na bunga ako ng isang kasamaan, kaya, pinili ko ang magtago, kaya naman, nagpunta ako sa panuluyan nina Lucia at doon kami nagkakilala at nagmahalan," ang pag-amin niya kay Sister Pietra at nakita niya na nawala ang ngiti sa mga labi nito at kumunot ang noo nito na likas ng may guhit dahil sa pagpapakita ng mga taon na lumipas dito.

Savage Heart (Completed) Where stories live. Discover now