Chapter 3

3.1K 127 78
                                    

Excited na inayos ni Lucia ang kwarto na gagamitin ng mag-asawa na gagamit ng isa sa mga cabin nila. Iyun ang pinagkakakitaan ng kanilang pamilya, ang mga turista na gustong makita ang pinakatuktok ng Capri. At ang cabin nila ang naroon, ang lupang iyun ay sa kanyang nonno at nonna sa kanyang ama.

At ang maliit na taniman nila ng lemon at kamatis ay isa rin sa pinagkukunan nila ng income lalo pa at hindi naman talaga sikat na puntahan ng mga turista ang kanilang lugar. Karamihan ng mga turista sa Capri ay nasa ibaba, sa mga naglalakihang mga hotels, mga restaurants, sa mga beaches at sa mga private yachts.

Kaya naman, talagang kinakapos sila ng pinagkukunan ng pera. Ang ama naman niya ay naubos ang yaman sa pagkalugi at pagkalulong sa bisyo. Namatay ang kanyang papa na may mga utang pa kaya naman dito sa bahay ng kanyang mga nonni na siya lumaki.

Bitbit ang mga fresh linens para sa kama at mga unan ay lumabas siya ng kanilang bahay, at nagtungo sa pangalawang cabin. Tatlo lang naman ang cabin nila, hmm, hindi naman masasabi na cabin na malaki, dahil sa kama at isang maliit na lamesa at dalawang upuan lang ang nasa loob ng isang kwarto. Pero ang nagugustuhan ng mga tumutuloy sa kanilang cabin ay ang mga poster beds at ang fireplace na bihira na makikita sa mga modernong bahay.

“Hmm – hmmmm-h-hmm” she started started humming while she opened the screened door at muling tumunog ang mga windchimes na nakasabit sa pintuan.

Itinulak niya ang kahoy na pinto at hinubad niya ang suot na espadrilles para hindi madumihan ang sahig na gawa sa kahoy. At sa hindi lang simpleng hakbang ang ginawa niya sa loob ng silid, pinasadahan ng kanyang mga talampakan ang makinis na sahig para damahin kung may naiwan na dumi sa sahig na kanina ay winalis, pinadaanan niya ng basahan at ng pampakintab.

Mamaya ay maglalagay siya ng mga bagong pitas na mga bulaklak, magugustuhan kaya ng babaeng asawa aang mga kulay kupas na rosas na bulaklak? Sana naman, dahil sa paborito niya ang mga ito.

Nadama na ng kanyang paa ang makinis na sahig at napangiti siya nang wala siyang nadama, na dumi kahit na gabutil man lang.

Inabot din ng kanyang paa ang rug na nasa gitna ng kwarto, sa pagitan ng fireplace at nang four poster bed. Isang ngiti na naman ang gumuhit sa kanyang pisngi. Iba talaga ang pakiramdam niya sa tuwing may dadalaw sa paupahan nila. Kanina pa hindi maalis ang ngiti niya sa kanyang mga labi. Isusuot din niya mamaya ang isa sa paborito niyang pang-alis na damit. Siya kasi ang babati sa mga ito.

Excited siya kasi, kapag may bisita sila, lalo pa at mabait ang dadalaw sa kanila ay, nakakausap niya ang mga ito. Nakakwentuhan, at para na rin siyang naglakbay sa ibang lugar, ang masayang sabi niya sa sarili.

Ang mag-asawa kaya na dadalaw sa kanila? Mababait kaya sila? Ang tanong ni Lucia sa sarili habang nagpapalit siya ng mga bagong bedsheets at punda ng mga unan.

She shook the pillows to brought its plumpness at maayos niyang inilapag ang mga ito sa ulunan, malapit sa headboard.

Excited na siya, dahil mamaya ay mapupuno ang cabin ng mabangong amoy ng cedar na magmumula sa fireplace, at kanila namang kusina ay mapupuno ng masarap na amoy ng bagong lutong tinapay na lulutin sa kanilang pugon.

“Focaccia bread” ang bulong niya sa kanyang sarili na may excited na ngiti sa kanyang mga labi. At kanyang pinantay nang  maigi ang sapin ng kama, hanggat maaari ay ayaw niya na may gusot.

“Perfetto” ang nakangiting sambit niya. Kukuha na lang siya ng mga bulaklak sa hardin at ang cedar woods na daraanan na rin ng kanyang nonni sa bahay ng kanilang mga kakilala sa, doon na sa bungad sa paanan ng bundok. Sa bahay ng lalaking masugid niyang manliligaw.

Biglang nanulis ang kanyang mga labi, kung hindi lang tinutulungan ni Michael ang nonno sa pagsibak ng kahoy ay ayaw niyang pumupunta si Michael sa kanilang bahay. Ayaw niya kasi rito at nakukulitan na siya sa katatanong kung kailan niya ito sasagutin.

Savage Heart (Completed) Where stories live. Discover now