Chapter 25

1.6K 100 40
                                    

May ngiti sa mga labi ni Lucia nang dahan-dahan na bumukas ang talukap ng kanyang mga mata, at naaaninag niya ang kakaunting liwanag na kayang maarok ng kanyang mga mata. Muli niyang inilapat ang kanyang mga daliri sa kanyang mga labi, kanyang dinama ang kanyang ngiti, ang matatamis niyang mga ngiti na hindi na yata nabura pa mula kahapon, mula nang kanyang matikman ang kanyang unang halik sa ilalim ng mga puno ng limone.

“era così romantico”, ang nakangiting sambit niya, habang iniisip niya kung gaano ka-romantiko ang nangyari sa kanila ni Brix.

Napakasaya niya, hindi niya akalain na mararamdaman niya ang ganun na damdamin, na tila ba nililipad ang kanyang puso sa kalangitan dahil sa kagaangan na kanyang nadarama.

Paano ko nga ba ipipinta ang aking nadarama sa sandali na ito?, ang sabi niya sa sarili. Hmmm, yung masasayang kulay, bughaw para sa langit, puti para sa dalisay, at pula para sa pag-ibig, ang dugtong pa na sabi niya sa sarili.

Sandali siyang tumigil sa kanyang pag-mumuni-muni at pinakinggan niya ang tunog ng campana sa kanyang kahoy na orasan.

Sei”, ang bulong niya. Six na ng umaga, kung dati ay kusa siyang bumabangon sa kanyang kama para batiin ang araw at para mamitas ng mga bulaklak sa pagkakataon na iyun ay iba ang nasa isipan ni Lucia.

Tumayo siya sa kanyang kama at humakbang siya papalapit sa kanyang bintana, saka niya masiglang hinawi ang kurtina at kanyang itinulak ang wooden shutters ng kanyang bintana a binati siya ng malamig at sariwang hangin ng kabundukan.

Tumayo siya sa harapan ng bintana at kanyang ipinikit ang kanyang mga mata at hinayaan niya ang kanyang isipan na ipakita sa kanyang mga mata ang larawan na nasa kanyang harapan. Natatandaan pa niya ang malawak na kulay asul na kalangitan na may tila mga pakpak ng anghel na kulay puti na mga ulap. At mga matataas na mga puno na nagtatalong kulay berde at dilaw ang mga dahon. At ang kulay matingkad na maronne ang kulay. At mula sa kanyang bintana ay matatanaw niya ang mga tisa na bubong ng kanilang mga cabina.

Buongiorno”, ang bulong niya sa hangin at tila sagot na pagbati sa kanya nang maramdaman niya ang banayad na pag-ihip ng hangin sa kanyang pisngi.

Ilang beses na kumurap-kurap ang kanyang mga mata, at isang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi, mabilis na pumihit ang kanyang katawan para maglakad palayo sa bintana at papalapit sulok ng kanyang silid. Kinapa ng kanyang nakamedyas na paa ang hinahanap niyang wooden chest. Nang madama ng kanyang paa ang antigo na kahoy ng baul, dahan-dahan siyang lumuhod sa harapan ng lumang baul na mula pa sa kanyang nonna.

Kinapa ng kanyang palad ang ibabaw ng makinis na baul, napakatagal ng panahon nang huli niyang buksan ang baul na iyun. Sapagkat nawalan na siya ng dahilan para pa buksan ang baul.

Dahan-dahan niyang itinulak pataas ang lid ng wooden chest, at ang mabangong amoy ng potpourri na nasa maliit na sachet o tela ng cheesecloth.

Ipinasok niya ang kanyang mga kamay sa loob ng baul at kinapa niya ang kanyang hinahanap. Nasalat ng kanyang mga kamay ang basket na kanyang hinahanap ay iniangat niya iyun mula sa loob at ipinatong niya sa kanyang mga hita habang nakaluhod siya sa harapan ng baul.

Napakatagal nang panahon noong huli kong nahawakan ang mga ito sa aking mga kamay ang sabi ng isipan ni Lucia. At kinapa niya ang laman ng basket, ang mga luma niyang paintbrushes, oil paints, ang maliit niyang canvass, at linseed oil.

Susubukan ko bang ulit? Ang tanong niya sa sarili. At naisip niya si Brix, si Brix na nagbigay ng kulay sa kanyang unti-unti nang dumidilim na mundo.

Pagkahanda niya ng kanyang sarili ay dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan bitbit ng kanyang mga kamay ang basket na naglalaman ng kanyang painting materials. At nagtungo siya sa kusina na lagi naman niyang nakagawian.

Savage Heart (Completed) Where stories live. Discover now