Chapter 34

1.6K 91 59
                                    

Panay ang pagdaan ng mga daliri ni Brix sa kanyang buhok, habang nakaupo siya sa ibabaw ng kanyang kama at nakatitig ang kanyang mga mata sa fireplace sa kanyang harapan. Kadarating lamang nila sa itaas ng bundok sa bahay ng mga Benatti. At, halatang-halata sa mga mukha ng dalawang matanda ang labis na kasiyahan na makita na muli ang apo ng mga ito. At ganun din naman si Lucia na hindi na yata maubusan sa mga kwento nito sa kanyang nonni, at ang mga ito naman ay nananabik din na nakinig sa mga kwento ng apo.

Ibinigay pa nila ang kanilang mga pasalubong sa mga ito, bago sila kumain ng hapunan at sandaling nag- kape bago sila naghiwalay ni Lucia at halata na nag-aalagan din ito na umakyat ng bahay para magtungo sa siid nito. Pero, kahit pa alam na ng mga nonni ni Lucia ay bigla siyang nakaramdam ng hiya na tabihan ito, lalo pa at nasa powder na ulit si Lucia ng nonni nito.

“Pahiya-hiya ka pa, hindi ka tuloy ngayon makatulog, “ ang bulong niya sa sarili at sa inis niya ay inalis niya ang kumot sa kanyang bewang at padabog siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya sa kama. Inis na hinila niya ang t-shirt na nakapatong sa isang upuan sa tabi ng fireplace at isinuot niya iyun sa kanyang ulo at mga braso saka inis na hinila niya ang laylayan, at nabaling ang kanyang mga mata sa orasan. Maghahating-gabi na, naglakad siya palapit sa bintana sa tabi ng pintuan at hinawi niya ang kurtina para silipin ang silid ni Lucia. Nakapinid na ang mga bintana nito. Napabuntong-hininga si Brix, at napahilamos ang kanyang mga palad sa kanyang mukha.

Hindi siya makatulog, hinahanap na niya si Lucia sa kanyang tabi. Ang malambot nitong katawan at ang buhok nito na nakasabog sa kanyang dibdib sa tuwing umuunan ito sa kanya.

“Shit,” ang bulong niya at hinila niya pabukas ang pinto at hindi na siya nagsuot pa ng sapatos. Nakapaa siyang naglakad palabas ng kanyang cabina at tahimik siyang naglakad patungo sa gilid ng bahay kung saan naroon ang bintana. Tumingala siya at aninag mula sa loob ng bintana na bukas pa ang ilaw sa loob ng silid nito. Nagpalinga-linga siya at saka inumpisahan ang pag-akyat na muli sa gilid ng bahay. Matutulog lang siya sa tabi ni Lucia pagkatapos, bago pa pumutok ang araw ay bababa siyang muli sa bintana para bumalik sa kanyang cabina.

Nakaapak na siya sa nakausli na bubungan ng silid nina nonno at nonna, iniangat na siya ang kanyang mga braso at itinaas na niya ang kanyang isang paa sa bato nang may liwanag na tumutok mula sa kanyang likuran at bigla siyang napahinto sa kanyang paggalaw. Tila ba isang magnanakaw siya na nag-aakyat bahay at nahuli siya sa akto ng isang pulis.

“Brix?,” ang gulat na tanong ni nonno sa kanya. Dahan-dahan din niyang inalis ang kanyang mga kamay sa pagkakakapit sa mga bato sa pader at ibinaba niya ang kanyang paa sa ibabaw ng bubungan, at saka siya dahan-dahan na umikot para humarap kay nonno na nakakunot ang noo nito.

“A-anong ginagawa mo riyan?” ang tanong ni nonno at bigla itong umiling, “era una domanda stupida, no?” ang umiiling na tanong ni nonno sa kanya na mukha naman na alam na nito ang pakay ni Brix sa pag-akyat nito sa gilid ng kanilang bahay kung saan naroon ang bintana ng silid ni Lucia.

Napakagat-labi si Brix at nahihiya siya na bumaba ng bubungan at hinintay naman siya ni nonno sa ibaba. Maya-maya ay nakatayo na siya sa harapan ni nonno na nakangiti sa kanya.

“Mahirap talagang makatulog at hahanap-hanapin mo na, kapag nalasahan mo na ang isang masarap na alak, tinutukso ang iyong dila, gumuguhit sa lalamunan ang masarap na lasa ng manamis-namis na likido na tumatak na sa iyong mga dila at sa iyong isipan at hinahanap-hanap na ng iyong panlasa, nakakalasing at masarap sa kalooban, hindi ba Brix?” ang makahulugan na tanong ni nonno sa kanya, at kagat -labi siyang tumangu-tango.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni nonno at muli itong umilin, “isang kaipokrituhan kung isiipin ko pa na hindi pa kayo nag-siping ng aking apo,” ang saad nito, “alam ko naman na seryoso ka sa aking apo at pakakasalan mo siya, kaya naman, hala sige na, umakyat ka na sa itaas, at hindi diyan sa bintana, dun ka na dumaan sa loob, madisgrasya ka pa sa pinaggagagawa mo na akyat-bahay mawalan pa ng mapapangasawa ang apo ko.” Ang dugtong na saad ni nonno sa kanya.

Savage Heart (Completed) Where stories live. Discover now