Chapter 7

2K 113 24
                                    

Ang kakatwang kulay abo nitong mga mata ay nakatuon sa kanya, at nabakas niya ang lungkot sa mga iyun. Mabibigat ang mga talukap ang mga mat nito na makakapal ang mga pilik, na sadyang nakatikwas. At ang mga likas na makakapal na mga labi nito ay bahagyang nakabuka, ngunit walang saya sa mga ito.

Nakatayo ito sa harapan ng kanyang pintuan na ang pinto ay nakabukas, humakbang siya papalapit at iniangat niya ang kanyang braso, hindi niya mapigilan ang sarili na abutin ng kanyang kamay ang malungkot na si Lucia, he wanted to touch and caress her soft cheeks, pero nang halos isang dangkal na lamang ang layo ng kanyang kamay rito, ay umatras itong bigla na tila ba nandidiri sa kanyang kamay na dumampi sa balat nito, saka napuno ng galit ang mga mata nito na matalim siyang tinitingnan.

Umiling ito habang humahakbang paatras, kasunod ng pagpihit ng katawan nito para tumalikod sa kanya at dali-dali itong tumakbo papalayo. At binawi ni Brix ang kanyang kamay, at kumuyom ang palad niya, nakaramdam ng galit ang kanyang dibdib, at napagtanto niya na kailanman ay walang makatatanggap sa kanya, bilang isa lalaki at bilang isang tao.

At isang panaghoy ang lumabas sa kanyang bibig, napaluhod siya sa sahig na kahoy ng cabina at sinuntok niya iyun ng paulit-ulit.

"Ah!", ang hiyaw ni Brix at humihingal siya na bumangon mula sa pagkakahiga niya sa carpet na nakalatag sa sahig sa harapan ng fireplace. Malalim at mabilis ang bawat buga at higop ng kanyang baga, ng malamig na hangin na unti-unti ng bumabalot sa loob ng kanyang silid.

Panaginip? Panaginip lang ang lahat? Ang tanong ng isipan niya. Napalunok siya ng malagkit niyang laway na namuo sa kanyang dila. At bigla siyang natigilan, nanaginip siya? Ang muling sabi niya sa sarili, ibig sabihin? Nakatulog siya? Ang di- makapaniwala na sabi niya sa kanyang sarili.

Sa loob ng ilang linggo, sa pagkakataon na iyun ay muli siyang nakatulog at hindi isang idlip lamang dahil kung titingnan ang liwanag na nanggagaling mula sa bintana ay sumikat na ang araw, ni hindi nga siya nakatulog sa sarili niyang bahay at kama, pero sa sahig ng cabina na iyun, ay muling mahabang nakapahinga nakapahinga ang kanyang isip at katawan. Maliban na lamang sa kanyang panaginip, ang panaginip na naging dahilan ng paggising niya.

At muling tumiim ang kanyang mga labi nang malala niya ang panaginip. Ang panaginip na sanhi ng bigla niyang paggising, at napagtanto niya, na kahit sa panaginip niya ay walang babae na tatanggap sa isang tao na katulad niya na may maitim na parte ng pagkatao.

Isang malakas na pagbuga ng hangin ang kanyang pinakawalan sa kanyang bibig at pinadaanan niya ng mga daliri ang kanyang buhok. Nakatulog man siya ay sa tingin niya ay hindi nararapat ang lugar na iyun para sa kanya. Lalo pa at mukha ng babaeng iyun ang dumalaw sa kanyang panaginip na lubos ang galit sa mga kakatwang kulay abo na mga mata nito.

Hindi siya nararapat sa lugar na ito, ang sabi ng isipan niya, marahil ay kailangan pa niya na magpakalayo ng husto. Paano kaya kung, tuluyan na niyang iwanan ang kanyang negosyo at magpunta sa pinakadulong bahagi ng mundo? Ang tanong niya sa kanyang sarili.

Pero, papaano naman ang mga empleyado niya na mawawalan ng hanap-buhay? Mas lalo lang niyang pinangatawanan ang pagiging masama niyang tao. At paano ang nag-iisang babae na nagmamahal sa kanya ng lubusan? Alam niya na masasaktan niya ito ng husto. Ang kanyang tumayong ina.

But still, he can't stay here, ang sabi niya sa sarili, the mountain didn't help him forget, pero mas pinaalala lang nito sa kanya na walang tatanggap sa katulad niya.

Mabilis niyang itinulak ang kanyang sarili para tumayo mula sa sahig, ang init na nagmumula sa fireplace ay unti-unti nang kinakain ng lamig ng kabundukan. Hindi na siya muling nag-paninigas ng kahoy na cedar para painitin ang paligid dahil sa umaga na at tuluyan ng pumutok ang araw. At nagpasya na rin naman siyang umalis kaya, hindi na niya gagamitin pa ang natitirang mga sinibak na kahoy na nasa tabi ng fireplace.

Savage Heart (Completed) Where stories live. Discover now