Chapter 8

1.9K 115 67
                                    

Ilang beses na kumulubot at kumislot ang ilong ni Lucia, dahil sa lamig na nadarama ng tungki ng kanyang ilong. Ang lamig ng kabundukan ay unti-unti ng nanunuot sa loob ng silid at ganun na rin sa kanyang katawan. Tila ba hinawakan ng diwata ng lamig ang pinakadulong ng kanyang ilong, kaya naman, parang may yelo na ito.

Kinamot niya ang kanyang ilong, ngunit nananatili pa rin ang mga talukap ng kanyang mga mata na nakatikom. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya, gusto niya pang matulog, dama pa rin ng kanyang katawan ang antok, marahil ang dahilan ay sa hindi siya agad nakatulog kagabi at alba na siya nakatulog, a causa di Brix. Si Sir Brix, ang naging laman ng kanyang isipan, sa kung anong kadahilanan ay di niya alam.

Marahil, dahil sa sinabi ni nonno, na may lungkot daw ang mga ngiti nito. Anong pwedeng maging dahilan ng kalungkutan ng isang tao, na kagaya ni Sir Brix? Ang sabi ng isipan ni Lucia.

Ang lamig ay muling dumampi at nanuot sa kanyang bumbunan, kaya naman ibinalot niya ang kumot sa kanyang ulo, at namaluktot ang kanyang sarili, at naging hugis question mark na siya.

Iminulat niya ang kanyang mga mata, at maya- maya ay narinig niya ang mga huni ng maliligalig na mga ibon, tila ba nagbabatian ang mga iyun, at naririnig lamang niya ang mga ganun na huni kapag? Bigla siyang bumalikwas kasabay ng pag-alis niya ng kumot na nakatabing sa kanyang ulo at katawan.

"è mattina!", ang malakas na saad niya at mabilis niyang inilapag ang kanyang mga paa sa malamig na sahig na kahit pa may suot na siyang medyas ay tumatagos pa rin ang lamig sa kanyang talampakan.

Dali-dali ang kanyang mga hakbang at di-sinasadya na tumama ang kanyang hinlalaki sa paa ng kanyang kama.

"Aw!", ang hiyaw niya habang hawak-hawak ng kanyang kamay ang kanyang paa at pakandirit siyang nagtungo papasok ng kanyang banyo. At maya-maya ay isang hiyaw ang muling lumabas sa kanyang bibig nang dumampi na ang malamig na tubig sa kanyang katawan nang siya ay maligo.

Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan, napuno ang kanyang baga nang singhutin niya ang masarap na amoy ng bagong hurno na tinapay at alam niya na gumagawa na rin ng grilled cheese sandwich ang kanyang nonna para iterno sa ginawa nitong tomato soup kagabi.

Nariyan na kaya si sir Brix?, ang tanong ng isipan niya habang naglalakad siya papalapit sa kusina. Binati niya ang kanyang nonni at saka siya naghugas ng kanyang mga kamay, bago siya naupo sa silya at humarap sa kanilang bisita.

"Buongiorno Sir Brix", ang nakangiting bati niya sa lalaking naka-upo sa kanyang harapan.

Narinig niya ang paglinaw nito ng lalamunan, bago ito mahina na sumagot ng pagbati sa kanya.

"Buongiorno", ang mahinang sagot nito sa kanya. At nakaramdam ng init sa katawan si Lucia, ito ay bagong pakiramdam sa kanya. Bago iyun dahil sa ang init na naramdaman niya ay gumapang sa buo niyang katawan, na hindi dulot ng mainit na kape at sopas, kundi ng boses ni Brix, na sing-init at sing-lapot ng bevanda al cioccolato na ginagawa sa kanya ng kanyang nonna sa tuwing winter.

"Kamusta po kayo?", ang magiliw na tanong ni Lucia kay Brix.

"Huwag mo na siyang i-po bella at hindi naman siya ganun katanda, ikaw naman apo", ang pabirong saway ng nonno niya sa kanya, na ikinapula ng kanyang mga pisngi.

"Pasensiya na po, uh, pasensiya na sir Brix, hindi naman sa matanda ang tingin ko sa inyo", ang paghingi niya ng paumanhin at alam niya na namumula ang kanyang mga pisngi dahil na rin sa init na kanyang nadarama.

Muling nilinaw nito ang lalamunan, bago ito sumagot sa kanya, "Uh, Brix na lang", ang sagot nito at ang boses nito ay parang pulot na inilalagay nila sa tsaa.

Savage Heart (Completed) Where stories live. Discover now