Chapter 35

1.5K 95 116
                                    

No! Hindi! Please hindi ito totoo! Ang sigaw ng isipan ni Brix at nabitawan niya ang painting ng mukha ng babae na hawak ng kanyang nanginginig na kamay. Nanlalamig at nanlalambot ang kanyang katawan hindi niya maitulak ang kanyang sarili para tumayo, at nakaupo lang siya habang takot na nakatitig ang kanyang mga nanlalaki na mga mata sa larawan ng babae. Ang mukhang iyun, hindi, hindi siya ang ina ni Lucia!

“Brix?” ang patanong na banggit ni Lucia sa kanyang pangalan, nagtaka ito nang bigla siyang nanahimik. Hindi nakasagot si Brix, parang umurong ang kanyang dila, at hindi niya alam ang sasabihin niya, hindi siya makapaniwala, nagkamali lang siya ng pandinig,, ang mga salitang naglaro sa kanyang isipan.

“Brix?” ang muling pagbanggit ni Lucia sa kanyang pangalan, at nakatayo na ito sa kanyang harapan, nasipa nito ang mga nakakalat na canvass at naupo rin ito sa kanyang harapan at kinapa siya ng mga kamay nito.

“Brix, may-may problema ba?” ang alalang tanong ni Lucia sa kanya. Napalunok si Brix at binasa ng kanyang dila ang nanuyo niyang mga labi na sa tingin niya ay mababasa o mapupunit kapag ibinuka niya ang kanyang bibig. Pero, kailangan niyang tanungin ulit si Lucia, kailangan niyang malaman ulit, baka naman nagkamali nga lang siya ng dinig. O baka naman, nagbibiro lang si Lucia, hindi ba at pala biro rin ito?  Ang pangungumbinsi ni Brix sa sarili.

“Lucia, ang.. ang babae sa larawan sa, sa painting, si-sino siya?” ang muling tanong niya at nanginginig na ang kanyang boses.

“May problema ba Brix? May ang boses mo, nanginginig”-

“Just answer me dammit!” ang galit na siga wniya at nakita niyang napaigtad si Lucia at nakita niya ang takot at labis na pagtataka sa mukha nito.

“S-siya ang mama ko Brix”-

“Hindi!” ang putol niya kay Lucia, at napaatras siya habang nakaupo, tila ba isang multo si Lucia na kanyang kinatatakutan.

“Hindi! Hindi iyan totoo!” ang hysterical niyang sigaw kay Lucia at nakita niya ang labis na takot sa mukha nito.

“Brix bakit ka ba nagkakaganyan, siya ang mama ko,” ang giit ni Lucia sa kanya at hinahanap siya ng mga kamay nito.

“Hindi siya ang mama mo Lucia,” ang muling giit niya kay Lucia, at panay pa rin ang pag-iling ng kanyang ulo.

“Bakit mo ba ipinagpipilitan na hindi ko siya mama? Siya ang mama ko, makikilala mo siya rito pagdating niya sa isang araw,” ang mariin na sagot ni Lucia sa kanya.

Hindi mapigilan ni Brix ang mapailing at magsingasing, “Hindi na siya darating Lucia,” ang mariin na sagot niya kay Lucia at pinagmasdan niya ang reaksyon ng mukha nito. Ang pagkunot ng noo nito, ang pasalubong ng mga kilay nito, at ang bahagyang pagbuka ng mga labi ni Lucia na ilang beses na nagbuka-sara, na tila hindi pa alam kung anong ilalabas nitong mga salita.

Umiling ang ulo nito at kumurap-kurap ang mga talukap ng mga mata nito. At nalilito itong nagsalita para tanungin siya.

“Bakit mo nasabi iyan Brix, darating siya hindi ba at nakatanggap nga si nonna ng sulat na pupunta si mama rito,” ang giit ni Lucia sa kanya.

Hindi na siya darating Lucia,” ang mariin na sagot niya kay Lucia at nakita na niya ang labis na pagtataka sa mukha nito.

“Bakit mo ba sinasabi iyan?”! ang sigaw na tanong ni Lucia na mukhang labis nang nalilito at nasasaktan sa kanyang sinasabi.

“Dahil patay na siya!” ang galit na sigaw niya at nakita niya ang gulat na reaksyon ng mukha ni Lucia.

Savage Heart (Completed) Where stories live. Discover now