Chapter 12

1.8K 108 59
                                    

Mabagal na pinasadahan mo Lucia ng mga pinong ngipin ng hairbrush ang makapal at natural na alon-alon niyang buhok. Nakaupo siya sa gilid ng kanyang kama habang bina – brush niya ang kanyang buhok bago siya matulog. Nakapag-palit na siya ng makapal na nightgown na abot hanggang sa kanyang pulsuhan sa kanyang mga bisig at sa kanyang mga sakong sa kanya namang mga binti.

Nagpatuloy lamang sa pag-akyat-baba ng brush sa kanyang mahabang buhok, ngunit ang kanyang isipan ay wala sa kanyang ginagawa, kundi nasa lalaking nasa labas na cabina.

Kanina habang naglilinis siya ng cabina nito, ay kakaiba ang kanyang pakiramdam, sa oras na iyun, na malapit nang magpaalam ang haring araw ay dama na ang mas malamig na temperature sa itaas ng bundok, na nagsisimula na ring pumasok sa loob ng bahay at cabina.

Iyun dapat ang naramdaman niya kanina habang nasa loob siya ng cabina ni Brix, ngunit, taliwas sa lamig ang kanyang naramdaman, lalo na ng, malapit siyang nakatayo rito. Napakalakas ng presensiya sa kanya ni Brix, kaya kahit di niya ito makita ay dama niya na nakatayo ito sa may sulok sa gilid ng four poster bed, habang siya naman ay abala na naglilinis ng loob ng silid.

Dama niya ang mga mata nito na nakatuon sa kanya, tila ba isang leone de mantagna si Brix na nakamasid sa kanya, dama niya ang init ng mga mata nito na nanunuot sa kanyang balat hanggang sa kanyang kalamnan, at ang dugo niya ay nagsisimula ng mag-init ng sandaling iyun.

Pero, sa halip na matakot ay kakaiba ang kanyang naging pakiramdam, lalo na ng magsimula na siyang ayusin ang lenzuola ng kama ni Brix ay mas lalong naramdaman niya ang tila ba nakakapasong init sa kanyang balat. Pilit niyang itinago sa pagiging abala ang kanyang nadarama ng sandali na iyun, ngunit ang katawan niya ay tila ba may sariling isip na sumasagot sa init na nadarama ng kanyang katawan. Ang dugo niya ay tila ba benzina na dumadaloy sa kanyang katawan at nagsimula na uminit ang kanyang katawan.

Bumigat ang kanyang mga dibdib at nanigas ang korona ng mga ito at sa pagitan ng kanyang mga hita ay may pulso siyang nadama. Napalunok na lamang siya at, laking pasalamat niya, nang magpaalam si Brix na lalabas na ito, para tulungan si nonna, at sa sandali na narinig niya ang pagbukas at pagsara ng maingay na pinto ay isang malalim na hininga ang kanyang pinakawalan at ang mga kamay niya ay lumapat sa kanyang nanginginig mga labi at sa kanyang dibdib.

Hindi namalayan ni Lucia, na habang inaalala niya ang mga nangyari kanina ay napadpad ang kanyang mga kamay sa kanyang mga dibdib. Sapo niya ang mga iyun, dama niya ang bigat at paninigas ng mga usbong ng kanyang dibdib.

Mabilis niyang inalis ang kanyang mga kamay sa kanyang dibdib at nagulat siya sa kanyang ginawa, oh mio Dio, ang bulong ng isipan niya, bakit niya iyun nagawa? Ang tanong niya sa sarili.

Hindi niya alam at hindi niya maintindihan, pero may mainit na pakiramdam na dulot si Brix sa kanyang sarili na di niya nadama sa kanino man na lalaki, ang sabi ni Lucia sa kanyang sarili.

Mali ba iyun? Mali ba ang kanyang nadarama? Ang muling tanong niya. Matatawag ba na mali kung masarap ito sa pakiramdam? Ang tanong ni Lucia sa kanyang sarili.

Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan at saka niya iniangat ang makapal na kumot bago siya nahiga sa kanyang kama. Isiniksik niya ang kanyang ulo sa mga unan at dinama ng kanyang kaliwang pisngi ang lambot at kinis nito.

Ano kayang hitsura ni Brix? Ang muling tanong niya, sa palagay niya ay guwapo ito, hindi ba iyun ang sinabi ng kanyang nonno? Ang tanong niya sa sarili.

At saka sa tindig lang nito mula sa kanyang naaninag ay mataas si Brix at makisig, ang swerte ng babaeng iniibig nito, ang muli pang sabi niya sa sarili.
***

Savage Heart (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon