Chapter 17

1.5K 99 28
                                    

Isang buntong-hininga ng kagaangan ng damdamin ang pinakawalan ng mga labi ni Lucia, labis ang tuwa at pananabik na nadarama ng kanyang puso ng mga sandali na iyun. Tila ba isang musica ang tinig ng kanyang mama nang banggitin nito ang kanyang pangalan.

"Lucia, il mio amore, kamusta ka na? mia bella? ", ang tanong nito sa kanya at halata niya ang kasabikan at pagmamahal sa boses nito.

"Sono così felice ora mamma perché sento la tua voce", ang kanyang sagot, nagdiriwang ang kanyang puso dahil sa kanyang labis na kagalakan.

"Ako man Lucia, labis ang saya", ang sagot nito sa kanya pero, mababakas ang labis na lungkot sa boses nito.

"Mama, may dinaramdam po ba kayo? Tila malungkot ang boses mo?", ang tanong na sagot niya sa kanyang ina, napakatagal na panahon na muli niya itong nakausap, wala rin kasi itong permanenteng trabaho at palipat-lipat ito ng lugar, pero hindi ito nakakalimot na padalhan siya ng pera, sa tuwing magkakaroon ito ng kita sa pinapasukan nito na trabaho, at iyun nga ang iniipon niya para makapagpa-gamot siya ng kanyang mga mata.

"Hindi, natutuwa lang ako at nakausap kita, Lucia, pasensiya ka na kung hindi ako madalas na nakakatawag sa iyo, kailangan ko pa kasi magpaalam sa amo ko para lang makalabas kami ng taniman, apple picker ako diba?", ang sagot nito sa kanya at pilit nitong pinasaya ang boses nito.

"Oo nga parang may sipon po yata kayo mama, may sakit po ba kayo? Hindi po ba kayo nahihirapan sa sa pagtatrabaho ninyo?", ang alalang tanong niya sa kanyang mama, labis siyang nasasaktan ng sandali na iyun, dahil nag-iisa lamang ang kanyang mama, walang mag-aalaga rito kapag ito ay nagkasakit.

"Wala ito Lucia, pabago-bago lang ang panahon kaya ganito, sa pollen siguro", ang sagot nito sa kanya, "natanggap mo ba ang ipinadala ko na pera sa iyo?", ang tanong nito sa kanya.

"Opo mama, dalawang padala po ang natanggap ko, gratzie mama", ang pasasalamat niya rito.

"Anong ibinili mo para sa sarili mo?", ang tanong nito sa kanya at mababakas ang saya sa boses nito dahil sa kuryosisdad at pananabik nang tanungin siya nito.

"Uh, mama wala po akong binili", ang nag-aalangan na sagot niya.

"Ha? Bakit? Pinapadala ko ang pera, para may panggastos ka sa sarili mo Lucia", ang giit nito sa kanya.

"È, kasi mama, iniipon ko po ang pera para pampa-opera ko po ng aking mga mata", ang mabagal at malumanay na sagot niya sa ina.

"Lucia, gagawan natin ng paraan ang operasyon sa iyong mata, may nakita ako na charity nito lang paglabas ko, magtatanong ako baka sakali na matulungan tayo", ang sabi nito sa kanya.

"Gratzie mama", ang malambing na sagot niya.

"Basta gusto ko, mamili ka ng kailangan mo, sapatos? Baka yung espadrilles na ibinigay sa iyo ay hanggang ngayon ay ginagamit mo pa rin?", ang mariin na tanong nito sa kanya.

"Eh, opo mama", ang nahihiya ng sagot niya.

"Magpapa dala ako ulit sa iyo ng pera, tapos pagbaba ni nonna sumama ka para makabili ka ng sapatos na bago, ha?", ang giit nito sa kanya.

"Opo mama, uh nagbago na nga po pala kami ng bangko mama", ang sagot niya rito. At nagtaka man ang kanyang mama ay hindi na ito nag-usisa pa kung bakit sila nagpalit ng bangko ng kanyang nonna, kinuha nito ang bagong pangalan ng bangko.

"Mama?", ang patanong na pagsambit niya ng pangalan ng ina.

"Si mia bella?", ang malambing na sagot ng kanyang mama.

"Pwede po ba na magtrabaho rin ako riyan? Madali naman po akong matuto hindi po ako magiging pabigat saka, sanay naman po ako sa pag-aani"-

"Lucia", ang mariin na sambit ng kanyang mama ng kanyang pangalan.

Savage Heart (Completed) Where stories live. Discover now