Chapter 28

1.8K 95 95
                                    

Kumurap-kurap ang talukap ng mga mata ni Brix habang nakapikit ang kanyang mga mata. Sa pagkakataon na iyun ay hindi sa lamig o sa panaginip siya nagising, kundi sa malambot na katawan na nakasiksik sa kanyang tabi.

Ibinukas niya ang kanyang mga mata at nabaling pababa sa kanyang kanan ang kanyang paningin para tingnan si Lucia na nakasuksok sa kanyang tagiliran habang nakakurba ang kanyang braso sa katawan nito, para ikulong sa kanyang mahigpit na yakap. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi, habang pinagmamasdan niya si Lucia na nakasuksok sa kanyang dibdib kaya naman ang labi nito ay nakadikit sa kanyang tagiliran.

Oo, walang masamang panaginip na gumising sa kanya, at sa tingin ni Brix ay dahil iyun sa katabi niyang anghel. Inabot ng kanyang mga labi ang ibabaw ng ulo ni Lucia para hagkan iyun at isang mahinang buntong-hininga ang narinig niya sa mga labi nito.

Pero biglang nawala ang mga ngiti sa labi niya nang sumagi sa kanyang isipan ang kanyang ginawa kagabi, he knew na labis niyang nasaktan si Lucia. He was rough on her kahit pa alam niyang first time lang nito. At hindi lang iyun, he didn’t  pull out, at napakalaki ng posibilidad na mabuntis niya si Lucia.

That would be great right? Ang tanong niya sa sarili, he loves children, pero matatanggap ba ni Lucia na ang ama ng anak nito ay may itinatagong bahid dungis dahil sa ama ko? Ang dugtong pa na tanong niya.

Handa na ba akong sabihin kay Lucia ang totoo ngayong nagsisimula pa lamang na makaramdam ako ng kasiyahan sa kanyang dibdib?, ang tanong niya sa sarili.

Naalala rin niya ang sinabi niyang wala siyang maipapangako kay Lucia, ano nga ba ang ibig sabihin ko sa aking sinabi? Na hindi ko maipapangako na mabibigyan ko siya ng kasiyahan? Na hindi ko siya paluluhain? O na magiging banayad ako kapag inangkin ko na siya? Ang tanong ni Brix.

Muli niyang hinagkan ang ibabaw ng ulo ni Lucia at hinawi niya ang mahabang buhok nito na tumatabon na sa maganda nitong mukha. At kanyang tiningan ang liwanag na lumulusot sa bintana, at biglang nagising ng husto ang kanyang diwa. May liwanag nang pumapasok sa bintana, ibig sabihin ay!

“Lucia”, ang mahinang pagbanggit niya sa pangalan nito pero nanatili itong tulog. Kaya naman muli niyang tinawag ang pangalan nito at marahan niyang hinaplos ang pisngi ni Lucia.

Lucia”, ang mariin na banggit niyang muli sa pangalan nito at marahan niyang hinawakan ang balikat nito.

“Hmmm”, ang sambit ni Lucia sa kanya at mas lalo pa itong sumiksik sa kanyang dibdib.

“Lucia, maliwanag na sa labas, gising na ang mga nonni mo”, ang mariin na sabi niya at doon ay biglang bumalikwas sa pagkakahiga si Lucia at nahulog ang kumot na tumatakip sa kahubdan nito kaya naman muli niyang nasilayan ang mga dibdib ni Lucia, maliit man ang mga ito ay tayong-tayo naman at ang mga malalapad at dark nipples nito ay nagdagdag lamang sa alindog ni Lucia, at muling nakaramdam ng pag-iinit ng dugo si Brix na dumaloy hanggang sa kanyang pagkalalaki.

“Naku, baka mahuli ako ng nonni, anong oras na ba?”, ang tanong ni Lucia sa kanya na dali-dali na kumilos at ibinaba nito ang mga paa sa sahig at naglakad ito para hanapin ang mga saplot nito sa katawan na nakakalat sa sahig sa paanan ng kama sa harapan ng fireplace.

Pinagmasdan niya ang hubad na katawan nito kahubdan ni Lucia habang naglalakad sa loob ng kanyang cabina para hanapin ang damit nito. Ang mga dibdib nito ang maliit nitong bewang at ang ambok ng mga pwet nito.

Bigla siyang tumayo at sa malalaking hakbang ay tumayo sa likuran ni Lucia at inabot niya ang pisngi nito gamit ang kanyang kaliwang kamay at kinabig niya ito paharap sa kanya at habang pisil niya ang mga pisngi nito ay siniil niya ng halik ang  nakababaliw na mga labi ni Lucia.

Savage Heart (Completed) Where stories live. Discover now