Chapter 9

1.7K 113 28
                                    

Excited na umakyat si Lucia patungo sa kanyang silid, at kahit na saulado na niya ang bilang ng bawat baitang, ay muntik pa siyang madapa, nang tumama ang dulo ng kanyang hinlalaking daliri ng kanyang kaliwang paa sa gilid ng kahoy na hagdan.

“Lucia, rallenta bella”, ang paalala ng kanyang nonna sa kanya nang makita siya nito na muntik siyang mahulog sa hagdan.

Starò attenta nonna”, ang sagot niya sa kanyang nonna na sinabihan siya na mag-ingat sa pag-akyat. Maingat ngunit may tulin ang bawat hakbang ng kanyang mga paa pag-akyat ng hagdan, at naaninag ng kanyang mga mata ang kakaunting liwanag na kayang makita o maaninag ng kanyang mga mata na unti-unti ng nabubulag. Tanging anino na lamang ang kanyang nakikita, at iyun ay kung maliwanag ang paligid, pero kung malamlam na ang liwanag ay di na niya maaninag kahit pa, ga anino na imahe ng bagay o tao man.

Isang taon na ang kanyang kundisyon at dahil sa salat sa pera ang kanyang pamilya at tanging padala lamang ng kanyang ina ang kanyang inaasahan at kinikita sa kanilang panuluyan, kailangan pa niya na mag-ipon para siya ay maoperahan sa mata.

Kakaiba ang tuwa na nadarama ng kanyang puso, nanabik siya na makababa na muli ng kabundukan, lalo pa at halos isang taon din siya sa itaas ng bundok, para mas gawin na pamilyar ang kanyang sarili sa kanilang bahay at cabina para hindi siya maging pabigat sa kanyang pamilya.

Hinila niya ang pinto ng luma niyang guardaroba, na tumutunog na ang hinges sa tuwing bubuksan ang pinto nito na gawa sa puno ng Quercia o Oak tree. Kinapa niya ang mga nakatupi na damit, hindi niya alam kung anong design ng blusa na kanyang nakuha, kinapa niya lang ang tela, nadama niya ang makinis na tela ng jersey na tela ng blusa at agad niya iyun na kinuha. Hinubad niya ang suot na pang-itaas at kanyang inilusot ang kanyang mga braso sa manggas ng malambot na blusa at inilusot niya isa-isa ang mga butones sa butas nito. Muli niyang kinapa ang mga nakatupi sa bandang kaliwa kung saan, nakatupi ng maayos ang kanyang mga palda. Magaspang ang tela na nakuha niya at batid niya na iyun ay ang palda na abot sa kanyang tuhod na kulay matingkad na asul. Kumuha rin siya ng knitted na jacket na maluwag na ang mga manggas, at hindi na niya hinubad pa ang suot na medyas at isinuot na niya ang kanyang lumang espadrilles.

Lumapit siya sa kanyang vanity table, hinila niya ang drawer kung saan naroon ang kanyang Olio di Rosa, naglagay siya ng gapatak na oil sa kanyang pulsuhan.

Magustuhan kaya ni Brix ang hitsura ko? Ang pabango ko? Ang tanong ng kanyang isipan, pero, bigla siyang natigilan at bumagsak ang kanyang mga balikat, nang maalala niya na nagsabi nga pala si Brix sa kanyang nonni na paalis na rin ito.

Hindi alam ni Lucia kung bakit, ganoon na lamang ang lungkot na bumalot sa kanyang puso nang maalala niya na aalis na nga pala si Brix at sasabay na lamang sa kanila pababa ng bundok, may parte sa kanyang puso na umaasang, mag-stay pa rin ito sa kanilang panuluyan.

“Lucia?! Bella? Hindi ka pa ba handa? Baka tayo ay abutan ng pagtulog ng araw”, ang pabiro at malakas na saad ng kanyang nonna sa kanya na kanyang nadinig ng husto dahil sa hindi na niya naisara pa ang pinto ng kanyang kwarto sa kanyang kamamadali. Isang ngiti na matipid ang gumuhit sa mga labi niya, bago siya sumagot.

Vado al piano di sotto nonna!”, ang kanya ring malakas na sagot habang naglalakad siya palabas ng kanyang silid, at sinabi nga niya na pababa na siya.

Bawat hakbang ay kanyang kabisa, a place for everything and everything in its place, ganun ang kanilang buong kabahayan kaya naman, hindi siya nagkakamali sa mga silid at mga kagamitan sa bahay. Ang wind chimes ay hindi inilagay sa kapaligiran ng panuluyan bilang palamuti, ngunit ang lahat ng iyun ay para sa kanya.

sei così bella bambina”, ang malambing na sambit ng kanyang nonna pagbaba niya at nang salubungin siya nito sa paanan ng hagdan. Lumapat ang magaspang at kulubot na palad nito sa kanyang malambot na kanag pisngi. Magaspang man ang mga palad ng kanyang nonna ngunit ang ibig sabihin lang nito ay mga kamay iyun ng nagmamahal sa kanya. Napakalaki ng sakripisyo ng kanyang nonni sa pag-aalaga sa kanya, lalo pa ng panahon na iyun na mas lalong naging pabigat siya sa kanyang nonni.

Savage Heart (Completed) Where stories live. Discover now