Chapter 32

1.8K 96 18
                                    

Hindi maalis ang malapad na ngiti sa mga labi ni Brix. Namuhay at lumaki siya na bihira lang na makaramdam ng kalungkutan. Napalibutan siya ng masayang pamilya at kaibigan, at dahil lang sa mga nangyari sa kanyang mga buhay, nitong nakaraan na mga araw. Mula nang magpunta siya ng Pilipinas ay bumalik na siya na hindi na si Brixton Ford na laging masaya, na laging positibo sa buhay.

Ngunit ng sandali na iyun, habang naglalakad sila sa kahabaan ng abalang kalsada ng Victoria. Kagagaling lamang nila sa isang ophthalmologists, para sa second opinion ng kalagayan ng mga mata ni Lucia at maganda naman ang naging findings ng doctor kay Lucia, para sa kalagayan ng mga mata nito, that suffers from a retinal detachment. Lucia has to undergo surgery as soon as possible at kinuhaan na muna siya ng mga tests bago siya tuluyan na maoperahan.

Hindi makakalimutan ni Brix ang mga dumaan na emosyon sa magandang mukha ni Lucia habang ipinapaliwanag sa kanila ng doctor ang malaking posibilidad na muling makakita ang mga mata ni Lucia.

Pero mas nakakatawa ang naging reaksyon nito nang tanungin ito ng doktor kung buntis ba ito. At namula ng husto hindi lang mga pisngi ngunit ang buong mukha nito. At bumuka lang ang bibig ni Lucia at kumurap-kurap ang talukap ng mga namimilog nitong mga mata. Ni katiting na tunog ay walang lumabas sa bibig nito at sa sandali na iyun ay hindi na niya napigilan ang tumawa ng malakas, at hinagkan niya ang mga nakabuka na labi nito, kahit pa sa harapan ng isang doctor.

At habang naglalakad sila sa kahabaan ng Victoria sa London, at hindi na naman niya mapigilan ang ngiti sa mga labi niya na gumuhit at isang mahinang tawa ang lumabas sa bibig niya.

“You are laughing?” ang tanong ni Lucia sa kanya, nakahawak ang kanan na kamay nito sa kanyang kaliwang braso. Hinila niya ang kanyang braso mula sa pagkakahawak ni Lucia at iniakbay niya ang kanyang kaliwang braso sa balikat nito at kinabig niya ito palapit sa kanyang tabi at hinagkan niya ang ibabaw ng ulo ni Lucia.

“Hmm, naalala ko lang ang gulat na reaksyon mo kanina nang tanungin ka ng doctor mo kung buntis ka,” ang natatawang sagot ni Brix kay Lucia na halos nakadikit na ang pisngi ng mukha nito sa kanyang dibdib.

“Naku Brix, huwag mo na ngang ipaalala iyun please, nag-init ang mukha ko kanina,” ang nahihiya na sagot ni Lucia sa kanya.

“Ha ha ha, halata naman, kitang-kita kaya sa mukha mo, nag mukha ka nga Roma tomato kanina,” ang pagbibiro niya kay Lucia na marahang kinurot ang kanyang tagiliran kaya naman napapitlag siya ng bahagya.

“Bakit? Hindi mo ba naisip na posible na mangyari iyun?” ang tanong niya kay Lucia at isang matipid at nahihiya na ngiti ang mga labi nito.

“Gusto ko na sana  na ikasal na tayo Lucia, “ ang malumanay na sabi niya kay Lucia habang nagpapatuloy sila sa mabagal na paglalakad nila sa gitna ng mga taong halos magkadikit na sa pagmamadali sa paglalakad.

“Pumayag naman na ako hindi ba?” ang malambing na sagot ni Lucia sa kanya at idinikit pa nito ang pisngi nito sa kanyang dibdib at inilapat ang kaliwang kamay nito sa kanyang dibdib.

“I mean, as soon as possible,” ang giit ni Brix kay Lucia at kahit inalis niya ang kanyang kaliwang braso sa balikat ni Lucia at kinuha niya ang kamay ni Lucia na nasa kanyang dibdib at nagdaop ang kanilang mga palad at pumulupot ang kanilang mga daliri sa isa’t isa.

“Brix, hindi ba at hiling ko sa iyo na kapag na-operahan na ang mga mata ko?” ang malambing na pagpapaalala ni Lucia sa kanya at hindi niya napigilan ang mapa buntong-hininga.

“I know, pero, matagal ang hihinatayin natin para sa pagpapagaling ng mga mata mo”-

“Brix”-

“I’m not complaining, gusto ko lang na maging Misis Brixton Ford ka na,” ang giit niya kay Lucia at umaasa pa rin siya na magpalit ng isip si Lucia at pumayag na ito.

Savage Heart (Completed) Where stories live. Discover now