Chapter 29

1.7K 117 92
                                    

Bumangon si Lucia mula sa kanyang pagkakahiga at kanyang inabot ang baso na may laman na tubig na iniakyat ng kanyang nonna sa kanyang silid kasama ang isang pitsel at gamot para sa lagnat. Dinalhan din siya ng kanyang nonna ng isang bowl ng mainit na sopas para raw uminit ang kanyang pakiramdam at malusaw ang kanyang lagnat at siya ay pagpawisan.

Pero batid niya na dahil sa init ng katawan kaya siya nilagnat at ibang init ang katawan ang tinitukoy niya, at iyun ay ang init ng pag-niniig nila ni Brix.

Inilapit niya ang bibig ng baso sa kanyang mga labi at uminom siya ng tubig, para mabawasan ang panunuyo ng kanyang lalamunan. At nang maubos niya ang laman ng baso ay muli niyang ipinatong iyun sa ibabaw ng maliit na lamesa sa tabi ng kanyang kama.

At saka niya muling inilatag ang kanyang katawan nang dahan-dahan sa ibabaw ng kanyang kama. Masakit ang kanyang katawan, ang balat kung saan tila ba minarkahan siya ni Brix, ay mas lalo na ang kanyang pagkababae. Para bang may napunit sa kaloob-looban niya, kaya naman nanibago ang kanyang katawan at bigla siyang nilagnat.

Pero, ganun man ang pakiramdam ko ay wala akong pagsisisi, ang sabi niya sa sarili, dahil para kay Lucia, iyun na ang pinaka-magandang nangyari sa buhay niya at iyun ay ang magmahal at ang angkinin ka ng minamahal mo.

Napabuntong-hininga si Lucia at kanyang inilalim ang kanyang mga kamay sa kanyang unan, kung saan nakalapat ang kanyang ulo. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at muling sumagi sa kanyang isipan ang mga nangyari sa kanila ni Brix.

Brix is gentle but there’s something fierce in him, mayroon itong animalistic appeal na humihila sa kanya. Alam naman niya na hindi magiging banayad ang lahat sa kanila ni Brix, dahil sinabi naman nito sa kanya. Binalaan siya nito, pero, gusto niya itong madama, gusto niyang madama ang pinagsasaluhan ng babae at lalaki, gusto ko nang maging ganap na babae, ang sabi ng isipan ni Lucia.

Alam niya na walang ipinangako si Brix sa kanya, kahit na ano, hindi ito nangako na mamamalagi na rito sa itaas ng bundok, hindi ito nangako ng relasyon sa pagitan nila bilang magkasintahan, at hindi rin ito nangako ng pag-ibig sa kanya, pero lahat ng iyun ay tinanggap ni Lucia. Hindi bale na siya na lang ang nagmamahal, sa mga araw na imamalagi ni Brix sa kanilang panuluyan. Alam niya na masasaktan siya, pero, ayaw naman niyang mamalimos o mamilit kay Brix.

Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan, at matutulog na sana siyang muli nang makarinig siya ng kaluskos sa kanyang bintana.

Kumunot ang kanyang noo habang nanatili na nakapikit ang kanyang mga mata at taimtim siyang nakinig sa mga mahihina na tunog na nasa labas ng kanyang bintana.

“Lucia’, ang mahinang sambit sa kanyang pangalan at biglang bumukas ang kanyang mga mata, ngunit nanatili pa rin siyang nakahiga sa kanyang kama.

Tama ba na narinig ko ang boses ni Brix?, ang tanong ng isipan niya, at umangat ng kaunti ang kanyang ulo mula sa kanyang unan.

“Lucia’, ang narinig niyang banggit ni Brix sa kanyang pangalan at sa lakas ng tinig nito, batid niyang nasa loob na ito ng kanyang silid.

Lumabas si Brix ng kanyang cabina, naglakad siya papalapit sa bahay ng mga Benatti at nagpalinga-linga siya bago niya hinubad ang suot niyang sapatos. Mabigat ang swelas ng mga ito at makakalikha ito ng ingay sa bubungan ng silid ng nonni ni Lucia at ayaw niyang mahuli siya ng mga ito na nag-aakyat kwarto sa silid ng apo ng mga ito.

Itinali niya ang mga sintas ng kanyang dalawang sapatos upang hindi magkahiwalay ang dalawa at pwede niyang isabit ang mga ito sa kanyang balikat, at saka niya sinimulan ang muling pag-akyat niya sa gilid ng bahay patungo sa silid ni Lucia.

Savage Heart (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon