Chapter 27

1.8K 105 319
                                    

Idinikit ni Lucia ang kanyang kaliwang tenga sa dibdib ni Brix at kanyang inilapat ang kanyang kaliwang palad sa gitna ng dibdib nito at kanyang pinakinggan at dinama ang malakas na pintig ng puso ni Brix.

Kawangis iyun ng tibok ng kanyang puso, malakas at mabilis.

Katulad ko rin ba ng nararamdaman si Brix?, kinakabahan din ba siya na tulad ko? Nananabik?, ang tanong ng isipan ni Lucia at ipinikit niya ang kanyang mga mata ay ninamnam niya ang sandali na iyun, habang siya ay nasa mga bisig ni Brix.

Hindi man niya alam ang aktuwal na nangyayari sa loob ng isang silid sa pagitan ng isang babae at lalaki, ngunit alam niya na ang sandali na iyun ay ibibigay na niya ang kanyang sarili kay Brix.

Handa na si Lucia na ibigay ang lahat, hindi lamang ang kanyang katawan kundi na rin ang kanyang puso sa lalaking nagpadama sa kanya kung papaano ang umibig, hindi bilang isang anak o apo, kundi bilang isang babae.

Narinig niya ang marahan na pagbukas ng pinto at maya-maya pa ay bumati sa kanya ang mabangong amoy ng cedar sa fireplace at nabalot ang kanyang katawan ng init ng loob ng cabina. At saka niya naramdaman na dahan-dahan siyang ibinaba ni Brix  at lumapat ang kanyang mga paa na balot ng satin slippers at medyas sa sahig ng cabina at siya ay nakatayo sa gitna ng silid. Dama niya na nakaharap siya fireplace ng cabina, dahil sa init na nadarama ng kanyang mukha at katawan. At bigla na siyang nakaramdam ng kaba, hindi dahil sa takot kundi sa pananabik na kanyang iaalay ang sarili sa lalaking pinaka-ibig.

At muli niyang naramdaman ang kakaibang init sa kanyang katawan, at batid niya na dulot iyun ni Brix ang mga mapanuring mga mata nito na nanunuot sa bawat hibla ng kanyang kalamnan.

Tumayo si Brix sa likuran ni Lucia at pinagmasdan niya ito, ang mahabang damit nito na abot hanggang sa mga sakong ng nakamedyas nitong mga paa at ang makapal at alon-alon nitong buhok na nakalugay at tila isang talon na kumakaskad mula sa ulo hanggang sa makipot nitong bewang. Nadama na niya kanina sa kanyang mga kamay at bisig ang malambot na katawan ni Lucia, at umukit na iyun sa kanyang pandama at nanuot sa kanyang isipan at katawan kaya naman alam niyang sa sandali na iyun ay hindi na niya kayang umiwas, wala ng atrasan.

Hinawakan niya ang laylayan ng suot niyang t-shirt at hinila niya iyun paalis sa kanyang ulo at mga braso. Hinila niya ang tali ng suot niyang pajama at hinayaan niyang mahulog iyun sa kanyang mga paa saka siya humakbang palabas mula sa pagkakasuot nito at naglakad siya ng dahan-dahan papalapit kay Lucia na hindi niya inaalis ang kanyang mga mata rito.

Kawangis ng isang lobo, dahan-dahan ang kanyang bawat hakbang na ginawa habang papalapit siya kay Lucia na tahimik na nakatayo sa harapan ng fireplace. Tahimik ang bawat hakbang niya paikot kay Lucia, habang pinagmamasdan niya ito. Tila ba pinagmamasdan muna niya ang kanyang silo, bago niya ito tuluyan na tikman at angkinin. Mula sa likuran patungo sa kaliwa ay naglakad siya patungo sa harapan ni Lucia at nakita niya na nararamdaman din siya nito at sumusunod ang mga mat nito sa kung saan ang kanyang direksyon hanggang sa marating niyang muli ang likuran ni Lucia.

Nakatayo na siya malapit rito, dumadampi ang malambot na tela ng suot nitong mahabang kulay puti na pantulog sa kanyang balat, sa kanyang hubo’t hubad na katawan. At damang – dama niya ang mabigat at nanggagalit niyang harapan. Na dumadampi rin ang nakatungong ulo nito sa likuran ni Lucia.

Inilusot niya ang kanyang kanan na kamay sa batok ni Lucia sa ilalim ng malago nitong buhok at hinawakan niya ang kanan nitong panga saka niya kinabig pakaliwa para salubungin ang kanyang mga labi. Padampi-dampi pang muli ang mga labi niya. Ninanamnam sarap ng makapal na labi ni Lucia. At napaungol siya nang ilapat ni Lucia ang kaliwang kamay nito sa kanyang kaliwang pisngi at sumasagot na rin ito ng halik.

Savage Heart (Completed) Where stories live. Discover now