Chapter 10

1.8K 120 168
                                    

Nakadama ng lungkot ang dibdib ni Lucia, at alam niya na unti-unti nang naglalakad papalayo si Brix, tila ba may parte ng kalooban niya na kinuha si Brix at dala nito papalayo. Gustuhin man niya na pigilan ang pag-alis nito, alam niya na wala siyang karapatan at wala siyang kadahilanan. Isa lamang siyang babaeng may kapansanan na naghahanap at nananabik sa isang taong makakausap sa itaas ng kabundukan. At sa unang pagkakataon, mula nang malaman niya na nabubulag siya, ay muli siyang nakaramdam ng lungkot.

Andiamo, stai attento”, ang mahinang sambit sa kanya ng kanyang nonna, at bahagya siya nitong iginiya sa direksyon kung nasaan ang pinto ng bangko. At dahil sa may katandaan na rin ang kanyang nonna kasama ng kanyang pagiging bulag ay mabagal ang bawat hakbang na kanilang ginagawa, at dahil sa hindi na siya sanay sa paggamit ng baston, ay hindi sinasadya na natamaan ng kanyang baston ang dulo ng sapatos ng isang babaeng kliyente ng bangko na lumabas ng salamin na pinto.

Attento! Stupido!”, ang bulyaw nito sa kanya.

Scusa”, ang mabilis niyang sambit bilang paghingi niya ng paumanhin, at nag-init ang kanyang mga pisngi dahil sa hiya na kanyang nadama.

“Sobra naman ang babaeng iyun, ni hindi naman nasira ang suot niya na sapatos, huh, mukhang namang mumurahin at hindi tunay na pelle Italiana, ang balat ng pangit niyang sapatos”, ang ngitngit ni nonna. Alam ni Lucia na nasabi lang iyun ni nonna dahil sa pang-iinsulto nito sa kanya, kaya naman bahagya siyang natuwa at natawa sa narinig niyang sinabi ng kanyang nonna.

Nonna”, ang malambing na sambit niya sa matandang babae na parang inahin na manok na handa siyang itago sa mga pakpak nito, kapag may magtangkang umalipusta sa kanya.

“Naku, baka ipalo ko sa pangit niyang mukha ang tungkod mo”, ang ngitngit pa nito kaya naman, hindi na niya napigilan ang isang malakas na tawa na lumabas, mula sa kanyang tiyan hanggang sa kanyang bibig.

“Ganyan nga bella, gusto ko iyung tumatawa ka ng malakas”, ang masayang sabi ng kanyang nonna sa kanya. Napabuntong-hininga siya at hinigpitan niya ang pagkakakapit ng kanyang mga kamay sa mataba na braso ng kanyang nonna, at humakbang na sila papasok ng nakabukas na salamin na pinto.

Matipid na bati ang iginawad sa kanila ng gwardiya pagkahakbang ng kanilang mga paa papasok at binati sila ng malamig na artipisyal  na hangin na nagmumula sa air-contioning na pinabango ng artipisyal na amoy ng puno ng pino.

Iba pa rin ang samyo ng hangin sa kabundukan, iba ang lamig at bangko nito, nakakaalis ng bigat ng kalooban, ang sabi ng isipan ni Lucia.

Tumayo sila sa gitna ng bangko, at naghahanap ang kanyang nonna ng kanilang mauupuan, mukhang dumating ang mga ito, sa oras na maraming gumagawa ng transaksiyon sa bangko.

“Mukhang mahaba ang pila natin”, ang mahinang sabi ng kanyang nonna, “halika at tumayo na lang muna tayo rito sa tabi”, ang sabi ng kanyang nonna at muli siyang iginiya nito.

Tumayo sila sa may gilid malapit sa isang daanan ng isang cubicle dahil na rin sa limitado ang space sa maliit na bangko.

“Uh, huwag nga kayong tumayo diyan?”, ang narinig ni Lucia, ang boses ay nagmula sa kanilang tabi, at halata sa boses nito ang labis na pagkairita sa kanila.

“Uh, pasensiya na po”, ang narinig niyang sagot ng kanyang nonna. Hindi masyadong maaninag ni Lucia ang imahe ng taong pinanggalingan ng boses.

“Bakit ba kasi dito kayo sa entrata, ng aking cubicolo, naka tambay, hindi ito waiting area”, ang galit na sabi sa kanila nito at sa halata sa lalim ng boses na ang galit sa kanila ay isang lalaki.

Savage Heart (Completed) Where stories live. Discover now