Chapter 15

1.6K 99 59
                                    

Panay ang lakad ni Lucia sa loob ng kanyang camera da letto, kanina pa siya hindi mapakali, mula pa kanina habang sila ay naghahapunan at nagpaalam si Brix sa kanila na matutulog na ito. Batid niya na iniiwasan siya ni Brix, siguro dahil sa kakulitan niya rito.

Nagkamali ba siya ng akala? Na ang ipinakita sa kanya ni Brix na kagiliwan ay isang pakikitungo sa isang bulag na katulad niya? Ang tanong niya sa sarili.

Huminto siya sa kanyang paglalakad ng pabalik-balik at pasalampak siyang naupo sa gilid ng kanyang kama, at lumabi ang makakapal niyang mga labi. Hindi niya alam kung bakit hindi siya matahimik ng sandali na iyun, parang nangangati ang kanyang mga paa at inaapuyan ang kanyang pwet, kaya naman hindi siya mapakali.

May girlfriend na si Brix? May asawa? Iyun ba ang pinuntahan nito kaya bigla itong umalis? Ang tanong ng kanyang isipan.

“Hffft”, ang buga ng kanyang hininga sa kanyang mga labi, “ano naman kung may girlfriend na siya? At saka asawa? Hindi naman masama ang makipag-kaibigan sa kanya hindi ba?”, ang malakas na tanong niya sa kanyang sarili.

“Kaya lang nakukulitan na siya sa akin”, ang dugtong pa niya, kasunod ng isang buntong-hininga. Nagpabaling-baling ang kanyang mata, saka siya tumayo at naglakad papalapit ng kanyang bintana. Hinawi niya ang kulay rosas na kurtina na nakatabing sa kanyang bintana, alam niya ang kulay nito dahil sa iyun ang paborito niyang kulay at ilang taon na ang kurtina na iyun na kanyang ginagamit, inaalis lang niya iyun sa tuwing kailangan niyang labhan, pero agad niya iyun ikinakabit sa tulong ng kanyang nonno, kapag natuyo na ang mga ito.

Itinulak niya ang kahoy na takip ng kanyang bintana, at humalik sa kanyang mga pisngi ang malamig na hangin na hinihinga ng kabundukan. Madidinig na ang mga tunog ng kuliglig at ng isang huni ng kuwago sa hindi kalayuan. Ang huni nito ay may lungkot na nadarama rin ni Lucia.

“Malungkot ka rin ba il mio amico gufo? “  mahinang bulong niya sa hangin habang nakasilip ang kanyang ulo sa bintana.

Ti manca un amico? O un amante?”, ang malungkot pang tanong niya na tila panaghoy ng kanyang puso na nangungulila sa kaibigan o kasintahan.

At tila ba kinukuha ang kanyang atensyon ay kinalabit ang kanyang ilong, ng amoy ng cedar woods na nanggagaling sa labas, sa cabina ni Brix.

“Ding-ding-ding”, ang biglang tunog ng kanyang lumang orasan na regalo pa sa kanya ng kanyang papa noong nabubuhay pa ito. Isa itong orasan na gawa sa kahoy na may lalaking gawa sa kahoy na pumapalo sa bell, at ang bilang ng hampas ng bell ay sa bilang ng oras. Sakto ang orasan na iyun para sa katulad niyang tenga na lang ang halos na ginagamit sa pang-araw-araw niya na pamumuhay.

Undici”, ang mahinang sambit ni Lucia nang mag bell ang kahoy na batang bell ringer ng labing – isang ulit.

Matagal pa siyang nakasilip sa bintana at batid niya na sa sulok ay naroon ang cabina ni Brix. Marahan niyang kinagat-kagat ang kanyang ibabang labi na tila ba may pinagtatalunan ang isipan niya.

qualunque cosa”, ang bahala nang sambit niya at dinampot niya ang kanyang alampay na nakasabit sa mga hook na nasa tabi ng pintuan. Ibinalabal niya iyun sa kanyang nga balikat at tahimik niyang hinila ang kanyang pinto, at napakagat labi siya dahil sa nililikhang ingay ng langitngit ng bisagra ng pinto.

Batid niya na laging may naiiwan na ilaw sa kusina, pero para sa kanya ay hindi naman niya kailangan. Dahan-dahan siyang naglakad sa ibaba ng bahay, at kinapa ng kanyang madaraanan para maiwasan niya ang gumawa ng ingay. Binuksan niya ang isang cupboard na naglalaman ng mga tasa, at kinapa niya ang isang maliit na thermos na itinatago ni nonno at ginagamit niya ito sa tuwing pupunta sa bukid at gusto nitong magbaon ng nilagang kape.

Savage Heart (Completed) Where stories live. Discover now