Chapter 5

2.2K 123 37
                                    

Buongiorno! Signore Brix, come va?” ang masayang bati sa kanya ng kanyang restaurant manager na matagal nang namamahala sa kanyang restaurant sa isla ng Capri.

Bumaba na siya mula sa kanyang tirahan sa itaas mismo ng restaurant, kagagaling lang niya ng Naples at pagkatapos niyang mag – book ng isang kwarto o cabina sa itaas ng bundok sa Capri na ngayon pa lamang niya nalaman na may panuluyan pala roon, sa tagal niyang namalagi sa isla.

At mukhang, ibinigay sa kanya ang pagkakataon na iyun, nang makita niya ang isang lumang advertisement ng cabin. He wanted to be alone for a while, lumayo sa kumpol ng mga tao na alam niyang hindi, at kailanman ay hindi matatanggap ang isang katulad niya. Isang pagkakamali, na bunga ng kasamaan.

Bene” ang matipid niyang sagot dito. Hapon na nang magpasya siya na umalis, kahit na halos ilang oras lang ang inilagi niya sa restaurant niya.

Hindi rin naman siya nakatulog kagabi, kahit pa sa sarili niyang kama. He was haunted by his mother’s face, his mother Sienna, weeping, habang ang demonyo ng mukha ng kanyang tatay ay nasa likuran nito at mala-demonyong tumatawa na ang mga mata ay nakatuon sa kanya.

Pinisil ng kanyang daliri ang kanyang mga mata, kung pwede lang na dukutin niya ang mga mata niya para hindi niya makita ang demonyo na mukha ng lalaki na ang punla ay siya.

Pero alam niya na kahit pa tuluyan siyang mabulag ay patuloy niya na makikita ang lumuluhang mukha ng kanyang tunay na ina, at nang lalaking lumapastangan dito. At di niya lubos maisip, na minahal niya si Alexis, dahil siya ay anak ni Raul, na ang pinagnanasaan ay mga kadugo nito.

Oo, kailangan niya na magtago, marahil sa itaas ng bundok ay maikukubli nito ang masamang bunga na katulad niya.

“Aalis na ako Vittorio” ang sabi niya sa kanyang manager na kanyang pinagkakatiwalaan nang matagal na panahon.

“Uh, magbabakasyon po kayo ulit?” ang nakangiti na tanong ng matandang lalaki sa kanya, at nakita niya na sumulyap ito sa knapsack na nakasukbit sa kanyang likuran.

“Parang ganun na nga” ang matipid niyang sagot, “I’ll check every now and then” ang huling sabi niya rito, bago niya inayos ang suot na beanie sa kanyang ulo at jacket.

“Uh signore, nakalimutan ko po mabanggit sa inyo, nagpunta po si signore Creed kahapon dito sa restaurant, may asawa na pala siya at kambal na anak, at ang napangasawa niya ay babaeng dito niya nakilala noong gabi na nagpa-party ka rito sa restaurant” ang masayang kwento ni Vittorio sa kanya na kakilala rin si Creed.

Sa kabila ng bigat na kanyang dinadala sa kanyang dibdib ay di niya napigilan ang ngumiti para sa kaibigan. Ni hindi niya naisip na, muling iibig ito sa kabila nang sakit na dinulot ng failed marriage nito. Sabagay, isang mabuting tao si Thomas Houghton ang ama nito, kaya, dinidinig at pinagpapala pa rin si Creed ng Diyos. Samantalang siya? Mukhang ang kanyang mga magulang na umampon lamang sa kanya ang tanging makakatanggap sa kanyang pagkatao, ang masakit na sabi niya sa sarili.

Tumangu-tango siya sa matandang manager bago siya nagpaalam at lumabas na siya ng kanyang restaurant na sa mga oras na iyun aay naghahanda na ang pagsisimula ng operation.

Bumalik lamang siya para kumuha ng damit, at tingnan ang mga nangyayari sa restaurant niya, nagawa na rin niyang icheck ang iba pang branch bago siya umalis.

Nagsimula siyang maglakad, sasakay na lamang siya kapag hindi na niya kayang maglakad, ang sabi niya sa sarili. Mas mabuti na iyong, maglakad siya ng mahaba, nagiging abala ang kanyang mga paa at isipan at sandaling nawawala ang itim na ulap sa kanyang isipan.

Habang naglalakad ay napapansin niya ang mga tingin na kanyang natatanggap mula sa mga nakakasalubong niya sa paglalakad. Kung dati ay sanay siya na tingnan o makatanggap ng mga mapanuri o humahanga na mga tingin ay ng mga sandali na iyun ay nanatili na nakayuko ang kanyang ulo habang naglalakad at pilit niyang iniiwas ang kanyang mukha sa mga  mata ng nakasasalubong niya na naglalakad.

Savage Heart (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon