Chapter 16

1.6K 106 30
                                    

Katulad din kita, hindi ka makakatago Brixton Ford, dahil nasa iyo ang aking dug! Ang nakangisi na sabi ni Raul sa kanya. At biglang napabalikwas si Brix mula sa kanyang pagkakatulog, mabilis ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib dahil sa kanyang paghahabol ng hininga.

Isa na naman na panaginip, at mukha naman ng kanyang ama ito, ang sabi ni Brix sa sarili. Inabot ng kanyang kamay ang kanyang wristwatch na nakapatong sa side table na nasa tabi ng plorera na nilagyan kahapon ni Lucia ng mga sariwang bulaklak. Tiningnan niya ang oras, alas kwatro na ng umaga, ibinaluktot niya ang kanyang mga tuhod para ipatong ang kanyang mga siko sa ibabaw ng tuhod niya at ipinatong niya ang kanyang noo sa pinagkapit niyang mga bisig.

Maikli lang ang panaginip na iyun, segundo lamang ang itingal, ngunit iyun ang pinaka-masakit sa lahat, ang pagpapaalala nito, na siya ay galing mula sa punla nito, punla ng kasamaan.

Isang malakas na buga ng hangin ang pinakawalan ng kanyang baga na lumabas sa kanyang bibig, at sinuklay ng kanyang sampung mga daliri ang kanyang gulo-gulo na buhok, tinitigan ng kanyang mga mata ang mga huling ningas ng cedarwoods sa  fireplace sa paanan ng kama na hinihigaan.

Hanggang kailan niya gagawin ito? Hanggang kailan siya magtatago? Ang tanong niya sa kanyang sarili, gusto na lang niyang magpakamatay, kung ganito na lang ang magiging kalagayan niya, ang masamang sabi niya sa kanyang sarili.

Inis na hinawi niya ang kumot na nasa kanyang bewang at bumaba na siya, sa kama, humakbang siya palapit ng bintana sa harapan ng bahay at hinawi niya ang kurtina na tabi ng nito. May kadiliman pa sa labas, at kitang-kita ang mga namuong hamog sa paligid at ang manipis na fog na humahalik sa mga halaman sa labas ng bahay. Napadpad ang kanyang mga mata sa hagdan ng porch ng kanyang cabina, at naalala niya ang nangyari, dis-oras ng gabi kagabi.

Napakagat-labi siya nang maalala niya ang naging pag-uusap nila ni Lucia. Hindi man nakakita si Lucia, ay kitang-kita naman niya ang emosyon sa mga mata nito, naniningkit o namimilog, o minsan naman ay nanlalaki, kaya naman nababasa niya ang emosyon nito.

Isinara niyang muli ang mga kurtina at mabilis siyang nagpunta ng banyo, pagkatapos ay dinampot niya ang kanyang t-shirt na nakasabit sa railings ng four-poster bed. Inilusot niya ito sa kanyang ulo at mga braso habang naglalakad siya palabas ng pintuan na di pumapalya na lumikha ng tunog, sa tuwing binubuksan niya ito. Isinuot niya ang kanyang sapatos at nagtungo siya sa may hardin, madilim pa ng mga sandali na iyun kaya naman wala pa siyang maaninag na liwanag sa kapaligiran, ang tanging liwanag na kanyang nakikita ay mula sa mga villa at mga yacht na nakakalat sa ibaba ng Capri.

Naalala niyang muli ang kanyang panaginip, ang pagpapaalala ng kanyang demonyong ama na siya ay katulad nito. Napabuntong-hininga siya, kailangan na ma-okupa ang kanyang isipan, kailangan niya na maging abala para kahit sandali lang ay mawala sa kanyang isipin ang maitim na butil na nakatanim sa kanyang isipan.

Tumalikod siya sa tanawin ng Capri na nababalot pa ng dilim, at naglakad siya na muli ayaw na niyang bumalik sa kanyang cabina at sigurado na makukulong na naman siya sa apat na sulok ng maitim na isipin niya.

Naglakad siya patungo sa bahay, napansin niya na may mga senyales na ng mga buhay sa loob ng bahay, mula sa bintana ng kusina ay tanaw niya na abala na si nonna sa pagsisimula sa paghahanda ng kanilang agahan.

Tutulong na lamang siya sa pagluluto, ang sabi niya sa kanyang sarili, at naglakad na siya papalapit sa bahay, malapit na siya sa hagdan ng back porc, nang bumukas ang pinto ay iniluwa nito si nonno na nakasuot ng makapal na jacket at bonnet sa ulo nito. Kitang-kita ang usok na nagmumula sa bibig na binubuga ng hininga nito.

Buongiorno Brix”, ang bati sa kanya ni nonno, na sa bawat salita nito ay lumalabas ang usok na kulay puti sa bibig nito, kiniskis pa nito ang mga palad na may balot na makapal na gwantes.

Savage Heart (Completed) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang