Chapter 22

1.6K 101 83
                                    

Hinayaan ni Lucia na igiya siya ni Michael patungo sa kanilang taniman. Hindi na nakabibigla kung naroon man si Michael, dahil ang taniman nila ng mga pomodori e limone, ay katabi lamang ng lupa na pagmamayari naman ng pamilya ni Michael.

Naramdaman niya ang kamay ni Michael na nakalapat sa kanyang likod sa gitna ng kanyang spine habang sila ay naglalakad papalapit sa kanilang taniman. At dahil sa liwanag ng araw kanyang naaninag ang malabo na imahe ng hile-hilerang tanim ng mga pomodori. Roma Tomatoes ang kanilang tanim kaya naman mas mapula at malasa ito. Naalala pa ni Lucia ang huling pagkakataon na nakapag-ani siya ng mga kamatis noong nakaka kita pa siya. Ang mga kulay pula at berde na namimintog na mga kamatis ay kay gandang pagmasdan na tila palamuti na pasabit sa mga maliliit na puno ng kamatis. Parang Christmas tree ang mga halaman ng kamatis na may mga pula na Christmas balls. At ang malawak na kalangitan ay mapusyaw na asul ang kulay na tila tinapunan ng kulay puting water color paint. Napakagandang ipinta ng tanawin na iyun, at iyun ang naiwan at tumatak sa kanyang isipan at paningin, bago pa unti-unting nawawala ang kanyang paningin.

“Natutuwa ako na makita kitang muli Lucia”, ang malumanay na saad ni Michael sa kanya.

Bakit ba sa kabila ng ganda ng boses ni Michael at pagiging maginoo nito at maasikaso ay wala akong maramdaman na kahit ano sa kanyang puso, wala man lamang init akong nararamdaman na dumadaloy sa aking dugo, hindi katulad ng kay Brix, na para bang isa akong kandila na unti-unting nauupos sa bawat salita nito, ang sabi ng isipan ni Lucia.

“Lucia?”, ang muling pagtawag nito sa kanyang pangalan at bumalik ang diwa niya sa sandali na iyun.

“Uh, ano iyun?”, ang tanong niya kay Michael dahil sa hindi niya narinig ang sinasabi nito sa kanya.

Bahagyang natawa si Michael at hinimas nito ang ibabaw ng kanyang ulo, “tinatanong kita kung kamusta ka nitong mga nakaraan na araw? Hindi kasi ako nakaaakyat sa itaas dahil sa naging abala ako sa pagpapatayong bahay natin-uh bahay ko pala”, ang sagot nito sa kanya.

“Mabuti naman ako Michael, si Brix ang tumutulong kay nonno sa pagsisibak ng kahoy na cedar para may pampaningas kami sa gabi”, ang sagot niya at iniwasan na niyang sagutin pa ang tungkol sa bahay na ipinapatayo ni Michael.

“Uh ganun ba”, ang tanging sagot ni Michael sa kanya.

“Uh, nasaan na sina nonni?”, ang tanong niya kay Michael at tila ba nakakakita pa rin siya ay nagpalinga-linga ang kanyang ulo para hanapin ang kanyang nonni ngunit parang mga kulay na pampinta na isinaboy at pinaghalu-halo ang kanyang nakikita.

“Uh, ipinagpaalam ko Lucia na makausap ka muna sandali, kaya iginiya kita medyo malayo sa kanila, nandito na tayo sa taniman ng limone ninyo, sa pagitan ng lupa ninyo at nang sa amin”, ang sagot ni Michael sa kanya at dumaan sa kanyang isipan ang imahe ng lugar kung nasaan sila ng sandali na iyun.

Matataas ang puno ng limone at nakahilera rin ito katulad ng sa taniman ng pomodori. Magandang pagmasdan ang puno na nagkakadikit-dkit na ang mga sanga ng bawat puno na magkatabi na hitik na hitik sa colore giallo frutto di limoni. At ang mga makakapal na sanga at dahon nito ay tila ba mga nagkadikit – dikit na mga payong na nagbibigay ng lilim at magandang imahe na kay gandang pagmasdan.

“Lucia, hindi kalayuan dito ay ang ipinapatayo ko na bahay, napili ko ang parte ng lupa na iyun para tanaw ko rin ang taniman ninyo at kung mamarapatin mo lamang at tanggapin ang alok ko na maging asawa mo, matatanaw mo rin mula sa bahay natin ang taniman ninyo”, ang malumanay na saad ni Michael sa kanya.

Isang malungkot na ngiti ang isinagot ni Lucia kay Michael bago siya nagsalita.

“Mukhang nakalimutan mo yata na ako ay isang bulag Michael”, ang malungkot na paalala niya kay Michael.

Savage Heart (Completed) Where stories live. Discover now