Epilogue

4.1K 205 141
                                    

Humakbang palapit si Lucia sa nakatayong bato na hugis parihaba na puntod ng kanyang mama. Sa lahat ng puntod sa loob ng maliit na lumang sementeryo ng simbahan at kumbento, ang puntod ng kanyang mama, dahil sa ito ang pinakmalaki at pinakabago ang pagkakagawa sa lahat.

Inilatag niya ang bungkos ng mga rosas na iba't ibang kulay, ang paborito na bulaklak ng kanyang mama, lumuhod siya sa damuhan at saka niya maayos na inilatag ang bouquet at saka siya naupo sa damuhan. Hinawakan ng kanyang mga kamay ang nakaukit na mga letra ng pangalan ng kanyang mama at isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi.

"Mama, pasensiya ka na kung ngayon lamang ako nakadalaw ulit, kasi nag-aaral na po ako sa isang unibersidad sa Tuscany, yung pangarap po ninyo ay siya ring pangarap ko, ang maging isang pintor, pinag-aaral po ako ng asawa ko na si Brix, ang batang napakalaki ng naitulong ninyo para mapabuti ang kanyang buhay, alam ko po na paulit-ulit ko itong sinasabi sa tuwing nadalaw kami, pero hindi po kami magsasawa na pasalamatan ka mama, para sa selfless love mo para sa amin," ang mahina na pagsasalita ni Lucia, habang kinakausap niya ang puntod ng kanyang mama, at biglang may umihip na banayad na hangin at ang samyo ng bulaklak na rosas ay nanuot sa kanyang ilong. At ang banayad na hangin ay dumampi sa kanyang pisngi at lumapad ang ngiti sa kanyang labi, dahil batid niya na nasa tabi lamang niya ang kanyang mama at hinaplos nito ang kanyang pisngi.

"Thank you mama, kung hindi dahil sa inyo, hindi ko makikilala si Brix, talaga po na inisip ninyo ang kapakanan ko, ti amo mama, grazie," ang malambing niyang sabi sa kanyang mama.

"Mama, nandito na kami," ang masayang sabi naman ni Brix sa kanyang likuran, mabilis siyang lumingon at nakita niyang papalapit na ito sa kanya, bitbit sa kamay nito ang baby carry cot ng one month old nilang baby na si Sienna Maria, sunod sa pangalan ng mama ni Brix.

"Bakit ang tagal ninyo?" ang natatawang tanong niya kay Brix na naupo na rin sa kanyang tabi at ibinaba rin nito ang carry cot sa damuhan sa tabi ng malapad na bato na puntod ng kanyang mama.

"Nag-poo - poo po si Sie, pinalitan ko pa po ng diaper sa kotse, kababaeng tao walang finesse kung mag-uu, mukhang mana sa,"-
"hoy! hoy! Baka magkamali ka ng sasabihin mo, umayos ka," ang natatawang banta ni Lucia kay Brix at itinuro pa niya ang kanyang kaliwang hintuturo rito na agad naman na hinuli ni Brix at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay para halikan ang kanyang palad at pulsuhan at alam ni Brix kung ano ang dulot ng mga halik nito sa parte ng kanyang bisig na nilapatan nito ng mga halik.

"Brix," ang halos, pigil hininga niyang sambit ng pangalan nito, nang maramdaman niya ang pagdampi ng dila nito sa kanyang pulsuhan.

Nagkagat-labi lang sa kanya si Brix sabay kindat nito sa kanya at kahit mag-asawa na sila ang mga gawi na iyun ni Brix ay nagpapakilig pa rin sa kanya. At mas lalo pa, ngayong nakakakita na siya. Gustong-gusto niya na makita at pagmasdan ang mukha nito, at hinding-hindi siya magsasawa na titigan ang lalaking nagbigay ng kulay sa kanyang buhay na unti-unti nang nagdidilim.

"Brix, tumigil ka ha," ang nakangiting sagot niya kay Brix sabay irap niya sa asawa.

"Bakit?" ang natatawang tanong ni Brix sa kanya sabay pisil nito sa tungki ng kanyang ilong.

"Kunwari ka pang wala kang alam," ang kunwaring inis niyang sagot kay Brix, ngunit ang totoo ay kinikilig ang kanyang pakiramdam.

"Bakit namumula pisngi mo?" ang birong tanong ni Brix sa kanya, at muli niyang inirapan ito.

"Kinausap mo na ba si mama?" ang malumanay na tanong sa kanya ni Brix.

Mabagal siyang tumangu-tango, "oo, namiss ko siya Brix," ang sagot niya kay Brix habang nakatuon ang kanyang mga mata sa puntod ng kanyang mama.

Savage Heart (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon