Chapter 6

2.3K 122 64
                                    

Nanghahaba ang nguso ni Lucia nang lumabas siya ng cabina ng bago nilang bisita na si Brixton Ford. Nasaktan siya sa sinabi nito na babayaran siya nito basta iwan lang siya nito.

Mabigat ang mga paa niya na naglakad pabalik sa kanilang bahay. Hindi naman niya ginagawa ang bagay na iyun, dahil sa gusto niyang kumita ng extra na pera. Gusto lang niya na mag-enjoy ang bisita nila sa kanilang panuluyan, ang sabi ng kanyang damdamin.

Mabigat ang kanyang loob nang pumasok siya sa loob ng kanilang bahay at sa tavolo da pranzo, ay nakalatag na ang mga plato at soup bowls na gawa sa kahoy, isang loaf ng bagong baked na tinapay, keso, at pasta na may makrema na sauce na gawa sa butter at Parmigiano Reggiano at isang mainit na malaking bowl ng tomato soup. Alam ni Lucia na kasama ng nakalatag sa lamesa ang mga magagandang dinner linens ng kanyang nonna na inilalabas lamang sa tuwing may bisita sila sa kanilang cabina.

Ang amoy ng masarap na pagkain ay muling nagpabalik ng sigla sa mga labi ni Lucia at hindi niya napigilan na samyuin ang masarap na amoy ng pagkain sa loob ng kanilang zona pranzo.

“Maglalagay na lamang ako ng limoncello at ayos na ang lamesa, sinabihan mo ba ang bisita natin na sei in punto ang  ating dinner?” ang sabi ng kanyang nonna sa kanya, at muling humaba ang kanyang nguso.

“O bakit ang haba ng nguso mo mia bella? Abot hanggang sahig”, ang tanong at biro sa kanya ng kanyang nonna.

“Hindi daw po siya kakain nonna”, ang malungkot na sagot niya sa kanyang nonna at siya ay tumayo sa kitchen counter at kanyang isinandal ang kanyang likuran bahagi ng kanyang balakang sa kitchen counter na gawa sa lumang Italian Tiles, antigo na ang kulay brown at puti na Square tiles na may alternate na bulaklak na rosas kada pangalawang puting tiles. Kilala ang Italian tiles bilang fire proof at kaya nitong pigilan ang pagkalat kung magkaroon ng aksidente na apoy sa kitchen counter. At ang kitchen counter ng bahay ng kanyang nonni ay halos ilang dekada na ang tanda.

“Uh, hahatiran na lang ba natin siya ng tray?”, ang tanong ng kanyang nonna na hindi na natuloy nang magpatuloy ang pag-iling ng kanyang ulo.

“Ayaw niya pong kumain nonna, busog daw po siya”, ang nakangusong sagot niya sa kanyang nonna.

“Uh ganun ba? Sayang naman ang tomato soup na ginawa ko, non preoccuparti, ipagtatabi ko na lamang siya nito at bukas ay igagawa ko siya ng grilled cheese sandwich sa agahan lalagyan ko ng mansanas, masarap na isawsaw sa tomato soup iyun, eh bakit nakasimangot ka pa rin?” ang tanong ng kanyang nonna sa kanya.

Bigla niyang narinig ang screened door na bumukas at biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso, ngunit ang kanyang nonno ang pumasok.

“Kasi wala siyang mga bagong kwento na maririnig mula sa mga bisita”, ang sabat ng kanyang nonno na pumasok na sa loob ng kanilang dining area.

Nonno talaga”, ang sagot niya na nakanguso pa rin at natawa ang kanyang nonno sa kanyang tinuran.

“Naghatid na ako ng mga bagong cedar woods para pampaningas niya mamayang gabi sa kanyang cabina” ang saad ng kanyang nonno.

“Maghugas na kayo ng inyong mga kamay at itatabi ko na lamang ang mga linens ko, baka marumihan nyo lang dalawa” ang sabi sa kanila ng kanyang nonna at narinig niya ang isang tawa mula sa kanyang nonno, siya naman ay humarap sa lababo ng kanilang kusina para hugasan ang kanyang mga kamay.

Huh, bakit ba nang tumunog ang pintuan ay umasa siyang si Sir Brix ang papasok sa loob ng kanilang kainan? Ang tanong niya sa kanyang sarili habang hinuhugasan ang kanyang mga kamay. Marahil tama ang kanyang nonno, sabik siyang makarinig ng mga bagong kwento. Kaya lang, ang boses ni sir Brix, ay parang may?

Savage Heart (Completed) Where stories live. Discover now