Chapter 11

1.8K 106 34
                                    

Muling nakaramdam ng lungkot ang dibdib ni Lucia, mukhang iyun na talaga ang pagkakataon na huli niyang makakasama si Brix.

Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganoon na lamang ang kanyang nadarama. Hindi naman siya nito, masyadong kinibo kanina, pero, ramdam niya ang presensiya nito at ang pakiramdam ng pag-aaruga nito. Hindi bilang isang magulang o nonni o ng isang kapatid, pero bilang isang lalaki.

Tila ba isa itong misterioso cavaliere na dumating sa kanilang buhay ni nonna para sila ay tulungan. Somehow, just his presence made her feel safe and protected. Iyun siguro ang dahilan kaya nalulungkot siya nang magpaalam na muli ito sa kanila, pagkahatid ni Brix sa kanila sa paanan ng bundok.

At sa pangalawang pagkakataon ay nilisan sila nito, naramdaman na ni Lucia ang paggalaw ng carro, pabalik na silang muli sa itaas ng bundok at mukhang silang tatlo na naman ang magpapalitan ng mga kwento na nangyari sa ritwal ng kanilang bawat araw.

"Mukhang wala kang mga dala na kahoy Victor", ang saad ng kanyang nonna.

"Aakyat na lang daw si Michael bukas ng umaga, para ipagsibak tayo ng kahoy at para rin daw dalawin si Lucia", ang sagot ng kanyang nonno, at di niya napigilan ang lumabi nang marinig ang sinabi ng kanyang nonno.

"Sinisimulan na niya ang pagtatayo ng kanyang bahay sa lupang ibinigay sa kanya ng kanyang mga magulang", ang dugtong pa ng kanyang nonno.

"Mukhang naghahanda na talaga si Michael na magkapamilya", ang narinig naman niyang sabi ng kanyang nonna.

Ng sandali na iyun, ay nais ni Lucia na maging bingi na rin para naman hindi na niya marinig pa ang mga palitan ng salita sa pagitan ng kanyang nonni. Alam niya na, pinatutungkulan din ng mga ito, ang alok ni Michael na kasal. At tulad pa rin ng dati ay wala pa rin siyang balak na magpakasal sa edad niyang ventisei, ay wala pa sa isip niya ang magpakasal.

Tila ba kasi may kulang pa sa buhay niya, na hindi niya alam kung paano mapupunan, o kung sino ang,-

"Aspettare! Wait!", ang narinig niyang sigaw mula sa kalayuan. At kung kanina ay gusto niya na bingi na rin siya, ng sandali na iyun, ay tila ba pumalakpak ang kanyang mga tenga.

"Brix?", ang sambit niya sa pangalan nito at kahit pa hindi niya makita si Brix ay pumihit ang kanyang katawan para humarap sa likod ng carro, kung saan nanggagaling ang boses ni Brix.

"Hoo", ang sambit ni nonno, para tumigil ang kabayo sa paghila ng carro na kanilang sinasakyan. At ilang sandali pa ay naramdaman na niya ang presensiya ni Brix, ang pamilyar na pabango nito at pumasok sa kanyang ilong, at dama niya na nakatayo ito sa tabi ng carro, kung saan siya naka-pwesto, at kanyang narinig ang paghabol nito ng hininga.

"Brix", ang muling sambit niya at hindi niya napigilan ang malapad na ngiti na rumehistro sa kanyang mga labi.

"Brix, may nakalimutan ka ba?", ang narinig niyang tanong ni nonna kay Brix.

"Gusto ko po sana na mag-stay pa sa cabina at matikman ang pollo alla parmigiana mo nonna", ang narinig niyang sagot ni Brix at hindi niya napigilan ang galak na nadama ng kanyang puso, lalo nang marinig niya ang boses nito na gumagapang sa buong kalamnan niya.

"Ay salamat naman kung ganun!", ang narinig niyang sagot nonna, at narinig niya ang mga yabag na gawa ng suot na sapatos ni Brix at naramdaman din niya na may nakaupo na sa kanyang harapan. At dahil sa ang araw ay nasa kanilang likuran ay hindi niya masyadong maaninag ang imahe ni Brix.

Pero, hindi na bale, ang oresensiya nito ay sapat na para sa kanya, ang reyalidad na kasama nila na muli si Brix, pabalik ng bundok, sa kabila ng unang desisyon nito na tuluyan na itong aalis ay nagbagong lahat at sa sandali nga na iyun, ay muli nila itong kasama.

Savage Heart (Completed) Where stories live. Discover now