Chapter 20

1.7K 101 90
                                    

“What are the odds na makakasama ko ngayon ang may-ari ng kilalang restaurant na Bricks”, ang sabi ni Elga kay Brix habang nakaupo ang dalawa sa front porch ng cabina ni Elga.

 She flipped her hair, para mas maging sexy ang dating ng bawat salita nito. Another way of showing, that she’s flirting.
She's like a bitch in heat na naglalabas ng amoy para malaman mo na init na init ito, ang sabi ni Brix sa sarili habang pinagmamasdan si Elga.

“I was having second thoughts about this place, sino ba ang gustong mamundok? Tapos wala ka naman ibang makikita kundi puro wind-chimes at bulaklak, babayaran ko na nga lang sana ang reservation fee ko then balik na lang ako sa kabihasnan, but I changed my mind kasi nakita kita”, ang paglalahad pa nito.

“Wow, ang swerte ko naman”, ang sagot ni Brix kay Elga, bago niya hinigop ang laman na lemon wine sa kanyang baso.

“So, bakit naman napunta sa itaas ng bundok ang isang kilalang chef na si Brixton Ford”, ang malanding tanong ni Elga, she kept on flipping her blonde hair at tinitingnan iyun ni Brix. He imagined his hand pulling her hair until she cried out of pain.

Nagkibit-balikat si Brix, hindi niya sasagutin ang tanong na iyun, ang sabi ni Brix sa kanyang sarili. Ginawa niyang abala ang kanyang mga mata, at sinuri niyang mabuti ang babaeng pwede niyang pagpalipasan ng init ng kanyang katawan.

Wala naman bago sa gagawin niya, this scene happened before, tulad noong nasa club sila at umalis sina Alexis kasama ang mga kaibigan nito. At maya-maya ay dumating si Venice, her long sexy legs instantly caught his eyes, at ang maambok nitong pwet na hapit na hapit sa suot nitong dress. He was like a wolf then, nasa sulok siya noon habang pinagmamasdan si Venice at naglalaro sa kanyang imahinasyon kung ano bang gagawin niya sa bawat parte ng katawan nito.

Pinagmasdan niya si Elga, ang blonde na buhok nito, ang mga mata nito na hugis ng almond na may mapipilantik na mga pilik-mata. Ang tulis nitong ilong at ang mga labi manipis nitong mga labi na basang – basa na ng iniinom nitong limoncello.

Bumaba ang mga mata niya sa mayayaman nitong mga dibdib na likod ng suot nitong sweater at sa pagkakahubog nito ay batid niya na wala itong suot na bra sa ilalim ng suot na damit.

“Baka matunaw ako”, ang malanding saad nito sa kanya at hindi rin ito nagpatalo sa pakikipagtitigan. Mukhang nagpipiyesta rin ang mga mata nito sa kanya.

Hindi siya sumagot, bagkus ay inilagay niya ang kanyang kaliwang kamay sa batok ni Elga at hinila niya ang ulo nito, para kabigin palapit sa kanya at para tikman ang mga labi nito na kanina pa siya tinutukso.

Agad na lumapat ang kanyang mga labi sa labi ni Elga, na sinalubong ang kanyang halik ng buong pananabik. Agad na pumulupot ang mga bisig nito sa kanyang leeg at hinila siya nito para mas maging mariin ang pagtitikiman ng kanilang mga labi. Nararamdaman niya ang dila ni Elga na pinadaanan ang kanyang ibabang labi bago nito itinulak ang dila nito papasok sa kanyang bibig, at binati niya iyun ng kanyang dila. Walang kabanayadan ang palitan ng kanilang mga labi at halos magkainan ang mga ito.

She was very aggressive, ginalugad ng dila nito ang loob ng kanyang bibig at halos maubusan na siya ng hininga. Binawi niya ang kanyang ulo para maghiwalay ang kanilang mga labi at maputol ang halik. Nakangising tiningnan niya sa mga mata si Elga na pinadaanan pa ng dila nito ang sariling labi.

“I like that”, ang bulong ni Brix sa labi ni Elga, na bahagyang natawa.

“I know you Brix, I heard stories about you, I know you wanted it rough”, ang bulong din na sagot ni Elga na habol hininga at kitang-kita ang hamog sa bibig nito.

“Gusto mo bang malaman kung totoo o kwento lang ang narinig mo?”, ang tanong na sagot niya kay Elga na napakagat-labi sa kanyang sinabi.

Oo, si Elga ang babaeng para sa kanya sa gabing iyun, ready and no commitment, walang tanong sa background at sa pagkatao niya, at interisado lang ay kung paano niya pagsasawaan ang katawan nito, ang sabi ni Brix sa sarili.

Savage Heart (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon