Chapter 4

2.6K 115 46
                                    

Ikinubli ni Lucia ang kanyang sarili sa ilalim ng makapal nitong kumot. Ang lamig na bumabalot sa kanyang kwarto ay nanunuot sa kanyang kalamnan. Kinikis niya ang kanyang mga mga talampakan na nababalot ng makapal na medyas, ngunit, ganun pa man ay, nanunuot pa rin ang kumakagat na lamig ng kabundukan.

Alam niya na oras na ng kanyang pagbangon, hindi na niya kailangan na gumamit ng orasan para siya ay magising, ang huni lamang ng mga ibon ay sapat na para malaman niyang muli na namang papasikat ang araw para sila ay pagharian na muli.

At hindi lang iyun, ang masarap na amoy ng tinapay na nakasalang sa kanilang pugon na gawa sa tisa na ginagamitan nila ng kahoy ay bumabalot na sa buong kabahayan at alam niyang gising na ang kanyang nonni, at naghahanda na naman sa panibagong araw.

Isang buntong hininga ang pinakawalan niya, habang nananatili siyang nakahiga, nakalubog ang kanyang mga ulo sa kumpol ng malalambot na unan na nababalot sa kulay kupas na rosas na mga linen na pillowcases. At habang nakasaklob ang kumot mula sa kanyang ulo at paa ay naalala niya ang mga sinabi ng kanyang nonna sa kanya bago sila matulog at ang mga nangyari kagabi.

Katatapos lang nilang magligpit sa kusina pagkatapos ng isang masayang dinner na kasama ang kanilang mga bisita na sina Brianna at Creed na galing pa ng bansang Philippines. Labis ang tuwa na kanyang nadama kagabi, nag-ayos pa nga siya ng sarili para magmukhang presentable kay Brianna. Nagustuhan niya ito nang husto. Lalo na ang mga kwento nito sa mga lugar na napuntahan na ng mga ito. At sa tuwing maiisip niya, kung gaano kadetalye ang pagbigkas o pagsalarawan ng mga ito sa mga lugar na napuntahan, ang mga pagkain at pati na ang klima, ay tila ba lumipad na rin siya sa lugar na iyun, nakita ang mga namalas ng mga mata nito natikman ang mga pagkain na dumampi sa mga labi at dila ng mga ito, at nadama ang init ng araw na pinanggalingan nina Brianna at Creed.

Manghang-mangha siya sa kanyang narinig at halos hindi na siya makasubo ng kanyang pagkain dahil sa nakatunganga na lamang siya sa harapan ng kanilang dinner table at nakinig sa mga kwento.

Nasira na lang ang lahat nang magpaalam si Michael na makausap siyang muli ng salirinan sa harapan ng kanilang bahay. Naupo sila sa may hagdan na gawa sa kahoy at mga bato. Sandali silang nag-usap ni Michael, tungkol sa mga nangyari sa kanilang mga buhay nitong nagdaan na dalawang araw.

Sinabi rin sa kanya ni Michael na ibinigay na ng mga magulang nito ang isang bahagi ng lupa na pag-aari ng mga ito sa ibaba ng kabundukan. Balak na daw ni Michael na magtayo ng sarili nitong bahay sa lupang ibinigay ng mga magulang at magtatanim rin ito ng mga lemon at mga kamatis, na ibabagsak nito sa mercato.

At ang kulang na lamang daw sa bahay nito ay ang babaeng magiging ilaw ng tahanan at magiging ina sa mga anak nito.

Napabuntong-hininga siya ng mga sandali na iyun, habang pareho silang nakaupo ni Michael sa mga baitang ng hagdan. Alam niyang, muli na namang nagpapahaging si Michael sa kanya, pero ang tanging nasagot niya rito ay, “ naghahanap ka na agad ng ilaw ng tahanan mo, eh wala pa ang tahanan na sinasabi mo”.

At kahit pa ganun ang sagot niya ay isang marahan na tawa lang ang isinagot ni Michael sa kanya. Kahit kailan ay hindi niya naringgan na may lumabas na masama o pagkainis na mga salita ang mga labi ni Michael. Hindi niya alam kung labis lang ang pagmamahal nito sa kanya o mahaba lang ang pasensiya nito sa kanya at iniintindi siya.

Pero, isang buntong-hininga na naman ang pinakawalan niya, mula sa kanyang pagkakahiga at habang inaalala ang mga nangyari kagabi. Pero hindi pa siya handa na mag-asawa, hindi lang sa hindi niya mahal si Michael, kundi na rin sa, may gusto pa siyang marating, may hinahanap ang kanyang puso na hindi niya alam kung ano o sino ang makapupuno nito.

Hinawi na niya ang kumot na itinabing niya sa kanyang kabuuan at bahagyang nanginig ang kanyang katawan nang dahil sa ginawa. Alam niyang, naubos na ang ningas ng mga kahoy sa kanyang camino, kaya naman unti-unti ng pumapasok ang lamig sa loob ng kanyang camera da letto.

Savage Heart (Completed) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن