nine** mystery guy

2.9K 82 0
                                    

(Tracey POV)

Hanggang ngayon hindi pa din ako mapakali. Parang may mali eh. Yung lalaki sa taas kanina. Bakit parang familiar siya sakin. Yung mukha niya parang nakita ko na before. There's something in me na gusto siyang makita ulit. Pero bakit bigla na lang siyang nawala kanina. Bakit bigla na lang silang nawala.

I held my chest tight. It's beating so fast. Ngayon ko lang ito naramdaman. Parang gusto ng lumabas ng puso ko pero i don't know why. Takot? Kaba? Hindi ko alam. Pero isa lang ang alam ko. May kung anong meron siya kaya ako nagkakaganito.

Habang busy sila sa pagcecelebrate sa clinic ng school. Dahil na din nandoon si Dave na may cut sa gilid ng mata. Iniwan ko na sila. I need time for myself. I need time to think. Sino ba yung lalaki na yun. Sinubukan kong balikan ang nakaraan pero bakit ganoon. Wala akong maalala na kahit ano tungkol sa kanya. Pero bakit parang kilala ko siya. Naguhuluhan na ako. Bakit ba siya nagpakita sakin. Ano bang kailangan niya sakin.

Pumunta muna ako sa cafeteria para kumain. Nagugutom na din naman ako dahil hindi man lang kami kumain ng almusal. Excited kasi masyado ang mga kasama ko. Akala mo naman ganun kagaling nun pala ilalampaso lang sila ng kalaban. Mabuti na lang at tinulungan ko sila. Kahit pano naman may awa ako sa kanila. Tsaka yung fact na kasama na nila ako sa gang. Ayaw kong mapahiya ang gang ng dahil lang sa mga pangit na yun.

Habang kumakain ako i can sense na there is someone surveying me. I can sense stares from i don't know where. It's weird dahil kapag may naramdaman akong ganito makikita ko agad kung sino ang nakatingin sakin pero ngayon i don't know where is that person is. Para bang may ability siya na itago ang sarili niya and use some protection para di ko siya matunton.

Isinantabi ko na lang ang lahat ng iyon at pinagpatuloy ang pagkain ko. Kaya ko namang proteksyonan ang sarili ko kung sakali mang may sumugod sakin dito. Nakakapagtaka nga lang dahil ang alam ko mataas ang security level ng school na ito at imposibbleng may assassin na makapasok dito. Alam kong assassin lang ang may kakayanan na itago ang sarili niya.

Habang naglalakad ako pabalik sa clinic kung nasan yung lima naramdaman ko na naman yung may nagmamasid sakin. Pero this time alam ko kung nasan siya. Agad akong nagpalipad ng dagger papunta sa itaas ng puno. Nakaiwas siya at tumalon pababa ng puno. Te-teka siya yung lalaki sa gym kanina.

"Chill. Hindi ako kaaway. Masyado namang mainit ang ulo mo." Sabi niya with a smile. That smile. Hindi ko maintindihan. I felt something weird. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ikaw din ba yung nagmamasid sakin sa cafeteria kanina." Sabi ko.

"Yup naramdaman mo pala. Well that's good. Your skills are improving." Sabi niya habang nakasmile pa din.

"Anong kailangan mo."

"Wala naman sige got to go." Sabi niya at biglang tumakbo. Hahabulin ko sana siya pero nakita ko na papalapit na sakin ang lima. Mukhang okay na din si Dave.

Umuwi na muna kami sa dorm pero hindi pa din ako mapalagay. Sino ba yung lalaki na yun. Bakit parang kilala niya ako. Tsaka anong nag improve ang skills ko. May alam ba siya sa tunay na pagkatao ko. Bago pa ako masiraan ng bait lumabas ako sa dorm. Kailangan ko ng time para makapag isip pa lalo.

Umupo muna ako sa isang bench malapit sa dorm. Mag gagabi na din kasi at wala ako sa mood lumabas ng DC. I tried reminiscing my past pero wala akong makapa sa utak ko. Lahat blanko. Bakit hindi ko matandaan lahat lahat. Bakit parang wala akong maalala na may kaugnayan ako sa tao na yun.

"Having some deep thoughts." Bigla na lang may nagsalita sa likuran ko kaya naman napatalon ako sa pagkakaupo.

"Sino ka." Tanong ko at ready ng makipaglaban.

"Hey easy. Hindi ako nandito para makipaglaban." Sabi niya sabay tanggal ng cap niya. Oh my god. Siya yung lalaki kanina sa taas ng gym. Ano na namang kailangan niya sakin.

"I-ikaw. Anong kailangan mo sakin." Sabi ko pero hindi ko alam. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Sino ba ang lalaking ito.

"Gusto ko lang i congratulate ang pagkapanalo niyo. And also to tell you that i know who you are. Tracey." Sabi niya with a smirk. Sh*t. How did he know.

"How." Naguhuluhan kong tanong.

"I know everything about you. And I just wanna tell you na nasa paligid lang ako at nakasubaybay sayo." Sabi niya bago humakbang paalis.

"Wait sino kaba?" Sigaw ko sa kanya.

"Yan ang tanungin mo sa sarili mo. Sino nga ba ako para sayo." Sabi niya at bigla na lang siyang nawala. Sino siya para sakin? Eh hindi ko nga siya kilala.

Nakatulala lang ako sa lugar kung saan siya nawala. Kalaban ba siya o kakampi. Bakit niya ako kilala. Bakit parang may mabigat ngayon sa puso ko. Bakit ba ako umiiyak. Sino ka ba talaga. Bakit mo ba ako ginugulo ng ganito.

Sino ka ba talaga.

Bumalik na ako ng dorm dahil hindi ko na macontain ang emotions ko. Naghalo halo na at anytime sasabog na ako. I need to calm myself first. Pero paano ko gagawin yun kung ginugulo ng lalaki na yun ang isip ko. Naalala ko pa ang sinabi niya. Tinawag niya akong Tracey. Alam niyang babae ako sh*t.

"Kumain kana nagluto ako." Bungad sakin ni Janus pero wala akong gana kumain. Pinuntahan ko siya sa couch kung saan siya nagbabasa.

"May itatanong ako." Sabi ko sa kanya. Magbabakasakali ako na baka may alam siya. Baka kilala niya yung lalaki na yun.

"Ano yun? Bakit ba ang seryoso mo." Sabi niya sakin.

"May alam ka bang group of guys. Maybe a gang na may suot na jacket na black with one embroidered on it's front." Sabi ko tila naman nagulat siya sa sinabi ko.

"Yeah meron. Pero how did you know them. Bakit ka nagtatanong." Tanong niya sakin.

"Just ask my f*cking questions first mamaya kana magtanong pwede ba. Sino sila." Sabi ko with a hint of annoyance. I need to know them.

"Sila ang Rank 1 gang dito sa DC. Walang nagtatangkang lumaban sa kanila dahil na din sa halos lahat ng studyante dito takot sa kanila. Kahit ako takot ako sa grupo nila. Now it's my turn to ask. Bakit mo tinatanong." Sabi niya.

"I saw them sa laban kanina sa gym. Yung lalaking kulay brown ang buhok. Sino siya."

"Nakita mo sila? That's impossible. Madalang lang sila lumabas ng dorm nila. They are studying there. At hindi sila nanonood ng laban ng mga gang. Kaya imposible ang sinasabi mo. And the guy. Yung kakaiba ang kulay ng buhok sa kanilang lahat is their leader. Tinatawag siyang King. Yun lang ang alam ko. Hindi ko alam kung ano ang mga pangalan nila." Sabi ni Janus.

"He even talk to me kanina." Wala sa sarili kong nasabi.

"He what? Are you kidding me. Hindi nakikipag usap yun kahit kanino. Baka naman nananaginip ka lang that time Trace." Sabi nya. Sana nga panaginip na lang ang lahat. Sana nga hindi totoo pero it's f*cking real. And what's worst is he f*cking know me. This is insane. Oh sh*t..

__________________________________________________

ceikret

ai wo

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz