Thirty nine** karma

1.9K 49 2
                                    


(Tracey POV)

Hindi ko alam kung feeler lang ako masyado pero feeling ko talaga ako ang pinagtatalunan nila dito. Kanina pa sila ganyan mula sa pagpili kung sino ang roommate ko hanggang dito ba naman sa pagpili ng partner ko which is hindi ko pa naman sinasang ayunan. Tama bang magtalo talo sila kung sino ang partner ko kung ako mismo ay hindi pa payag sa thought na magiging babae ulit ako.

"Ang dami nating nasasayang na oras sa mga pagtatalo niyo. Hindi na kayo mga bata so please grow up." Inis na sabi ni Dave habang nakatingin kina Janus at King. Ano ba kasing big deal sa pagiging partner ko, pagsasapakin ko tong dalawa na ito eh.

"Then cut the crap. I'll be Trace's partner and that's final." Ma autoridad na sabi ni King sabay glare kay Janus pero hindi nagpatalo si Janus at nag glare din sa kanya pabalik.

"Kung may mas karapat dapat na partner ni Trace ay ako yun. Hindi na nga siya komportable sa isusuot niya tapos hindi pa siya komportable sa partner niya." Sabi ni Janus. Sabagay may point siya sa part na yun.

"Teka pano ako?" singit ni Charlie na kanina pa nakasimangot.

"Stay there and don't interfere." Sabay pa na sigaw nung dalawa sa kanya, tsk tsk poor Charlie.

"Kung walang gustong magparaya sa inyo, let's do it again in the other way around. Mag jack en poy kayo by pair. Janus and King then Trace and Charlie. The winners are partners same as the losers." Sabi ni Lyndon at agad naman na sumang ayon sila King at Janus.

Tanggap ko naman na matatalo ako kay Charlie sa larangan ng Jack en poy kaya naman alam kong ako ang matatalo. Hari yata ng jack en poy ang isang ito eh, Imagine lahat ng nandito tinalo niya sa jack en poy kanina kaya malamang yun din ang magiging kahihinatnan ko.

Laking gulat ko na lang noong matalo ko siya dahil papel ang ginamit niya habang ako ay gunting. Gustuhin ko mang magdiwang dahil tinalo ko siya sa jack en poy ay hindi ko pa din nagawa dahil matalo man ako o manalo ay siya pa din ang pupuntahan ko. Magiging babae ako ulit sa isang araw at ang pinaglalabanan lang naman dito ay kung sino ang magiging mag partners. Kung alam ko lang na may talent ako sa jack en poy edi sana yun na lang ang sinuggest ko kanina noong namimili pa lang ng female representative. Edi sana naligtas ako tsk, nasa huli talaga ang pagsisisi.

Paglingon ko kila Janus at King ay tuwang tuwa si Janus dahil malamang siya ang nanalo. Pero noong sinabi kong nanalo ako biglang nalumo ang mukha niya at si King naman ang nagsaya. Seriously? Leader ba talaga ng mga gang ang dalawang ito? Daig pa nila ang mga five years old na bata na nag aaway sa isang laruan eh.

Naging maayos naman ag takbo ng diskusyon namin. Kaming apat ang front at kapag naconfirm namin ang target ay saka susugod ang iba. Kumbaga isa itong suicidal mission dahil ang ball na yun ay ball ng Black Hawk Clan at malamang mga assassins at miyembro ng Clan ang aatend dun. Meaning madami sila at kami 13 lang. Ano ba itong piansok naming gulo na ito. Hindi naman sa wala akong tiwala na hindi namin matatalo ang mga kalaban. Alam kong malalakas kami pero may doubt pa din sa isip ko na baka may mapahamak samin kapag nagsama sama ang malalakas na members ng Clan na yun. Hindi naman sila magiging Rank two ang BHC kung hindi sila malalakas at maiimpluwensyang tao.

Napaisip tuloy ako bigla. Bakit kaya kami pinag sama sama ni Umma? Sa pagkakaalam ko ay ang dating Shadow ay 13 members din. Coincidence ba na pinagsama sama niya kaming 13 at gaya ng dati isa lang ang babae at siya habang ngayon ay isa din which is ako. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang utak ng nanay ko. Paiba iba ang timpla eh hay.

--

Natapos ang meeting namin kaya naman agad kong sinulyapan si Rence telling him to follow me. Hindi ko pa nakakalimutan ang explanation na utang niya sakin. I'm dying to know the truth. Bakit nila nilihim sakin ang bagay na ito. At kung madami pa ba silang lihim na hindi ko alam.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinWhere stories live. Discover now