thirty two** I'm falling

2.2K 69 13
                                    

(Third Person POV)

*meanwhile in Japan*

Kasama ng Shadow ang Toxic sa isang malaking hotel room. Hinihintay nila ngayon si Kypphire na siyang may ari ng private plane na gagamitin nila pabalik ng Pilipinas. Hanggang ngayon ay aligaga pa din si Charlie at atat na bumalik sa dorm nung malaman nila na nakalabas na ng ospital si Trace.

"Ngayon ba talaga tayo aalis? Bakit wala pa siya?" Pang ilang beses na tanong ni Charlie kay Lyndon. Sinagot naman siya ng isang tango at isang iling nito.

"Aist bakit ba ang tagal." Angal pa ni Charlie bago tuluyang umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Dave.

Si Troy naman ay kasalukuyang natutulog sa isang upuan sa tabi ni Ralvy. Hindi na naman ito nakatulog ng maayos niting mga nagdaang araw. Habang si Ralvy ay may hawak na marker at nagdodoodle sa mukha ng walang kamuwang muwang na si Troy. Maging si Dave ay hindi na din mapakali lalo na at hindi niya macontact si Janus. Natatakot siya sa posibleng mangyari sa dalawa lalo na at may sakit si Trace.

Ang Toxic naman ay kalmadong nakaupo lang. Ang tatlo sa kanila ay may mga mask at shades kaya naman hindi kita ang mga mukha. Si Shenji ay naglalaro ng rubix cubes habang inoorasan siya ni Mir. Habang si Lyndon naman ay kanina pa hawak ang cellphone at hinihintay ang go signal nila sa pag alis.

Kasalukuyan silang nasa ganoong sitwasyon nung biglang bumukas ng malakas ang pinto. Kasabay nito ang pagpasok ng limang babae na pinapangunahan ng isang galit na galit na Nami. Agad niyang sinugod si Shenji pero nailagan din naman siya nito habang kinakalikot pa din nito ang rubix cubes na hawak nito. Na siyang lalong nagpairita kay Nami.

"Nami tama na yan." Awat sa kanya ni Lorraine pero halata mong wala ito sa sarili dahil imbes na si Nami ang hilahin niya ay si Shenji ang pilit nitong hinihila.

"Yahh I'm not Nami." Sigaw ni Shenji kaya naman natauhan si Lorraine at hinila na ng tuluyan si Nami.

"Ano bang problema at napasugod kayo?" Tanong ni Dave kaya sa kanya nabaking ang galit ni Nami. Susugurin na sana siya nito nung may biglang humila sa bewang ni Nami kaya naman napaupo siya sa lap ng isa sa mga lalaking nakamask.

"Stay!" Maotoridad na sabi nito. Kaya naman napatigil si Nami at napasimangot na lang.

"Hindi niyo man lang ako ininform na nagkasakit pala si Oppa." Pagmamaktol nito.

"Paano ka namin maiinform kung busy ka maggala dito sa Japan." Poker face na sabi ni Mir kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Nami.

"Shut up Maknae!" Sigaw nito.

"Sumama ka na lang pauwi samin Nami." Sabi naman ng isa pang nakamask. Ito din ang nakamask na nagpatulog kay Charlie noong nagwala ito sa airport.

"Pero Rence Oppa kung sasama ako ngayon magagalit si Umma." Nakapout na sabi nito na tila ba nagmamakaawa.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinWhere stories live. Discover now