twenty two** the letter and the mission

3.4K 82 0
                                    

(Third Person POV)

earlier**

Pagkaalis nila Trace at Janvee sa dorm, mabilis pa kay Flash na kumuha ng pang disguise ang limang naiwan. Kung outfit lang ang pinag uusapan tatalunin pa nila si Sherlock sa pagiging detective nito.

"Pfft pfft." Pigil na tawa ni Charlie at Ralvy na kanina pa nagsisitsitan.

"Anong tinatawa tawa niyong dalawa?" Curious na tanong ni Troy sa kanila.

"Kasi pfft pfft hahahahahahaha." At tuluyan na ngang natawa si Charlie habang si Ralvy naman ang nagtuloy ng sasabihin nito.

"Di namin akalain na magsusuot ng ganyang damit si Janus. Bwahahahaha ang epic." Sabi ni Ralvy at natawa na din ng tuluyan. Pati si Troy ay nahawa na din sa kakatawa nila ngunit napatigil silang tatlo nang may biglang naglanding na sapatos sa mga ulo nila.

"Aray!" Sabay sabay nilang sabi habang sapo ang ulo nila. Pag angat nila ng mga ulo nila, isang naniningkit na matang Janus ang nakita nila.

"He-he-he why so serious." Nakangiwing sabi ni Ralvy habang pilit na tumatawa.

"Tara na nga baka di natin sila maabutan. Puro kayo kalokohan." Sabi ni Dave at tuluyang ng lumabas sa pintuan. Kasunod nito ang nakasimangot na Janus habang pilit inaayos ang damit.

Pagkadating nila sa College Square halos malaglag na ang panga nilang lima. Mga pictures at banners ni Trace ang nasa buong paligid. Puro tilian ng mga babae ang dinig sa buong lugar. Hindi sila makapaniwala sa mga nakikita nila. Mabuti na lang at nakatulong ang disguise nila kahit paano para maitago ang mga sarili nila mula sa mga fangirls na ready to attack na.

Kung kanina ay halos malaglag ang panga nila, ngayon ay nanlaki pa ang mata nila pagkakita sa stall ni Nami na punong puno ng picture ni Trace. Lalong nanlaki pa ang mga mata nila pagkakita sa pictures na hawak nito. Picture lang naman ito ni Trace na nakaboxer short lang. Kung titingnan mula sa malayuan, mukhang picture ito ni Trace. Pero kung kilalang kilala mo si Trace at si Travis masasabi mo na si Travis talaga ang nasa picture at nakababa lang ang buhok nito at parang naging bangs. Wise Nami! Paano nga naman siya makakakuha ng ganoong klaseng picture kung babae talaga si Trace.

Nagmadaling umalis ang lima dahil ayaw nilang makita sila ni Nami. Natatakot sila na pagkakitaan din sila nito gaya ng ginagawa nito ngayon kay Trace. Mabilis naman nilang nahanap sila Trace at Janvee dahil na din sa tulong ng mga nagtitiliang mga babae sa paligid nila. Yun nga lang nakahatak sila ng madaming atensyon dulot ng mga suot nilang damit. Maraming nagtaka. Maraming nagulat sa mga suot nila. Pero hindi nagtagal, nagtilian na din ang halos lahat ng nakapaligid sa kanila. Kanya kanya labas ng mga cellphone nila ang mga babaeng nakapaligid sa kanila. And there, they are busted!

"Shhh girls quite lang!" Pagpapakalma ni Charlie sa mga kababaihan ngunit hindi man lang ito nakatulong dahil na din sa lalong lumakas ang tilian ng makumpirma nila na ang limang miyembro nga ng shadow ang nakatago sa mga wirdong kasuotan.

"What you did didn't help." Iritadong sabi ni Janus.

"Girls please kahit ngayon lang. We are here for some important business. Kaya sana naman don't bother us." Pakiusap ni Dave sa kanila and they just nod unconsciously.

They are about to step inside the stall where Trace and Janus are but then they all step back panicking seeing the two going out. Trace having his annoyed expression on his face while Janvee having a happy aura surrounding him.

Sa sobrang taranta nila lima nagtago sila sa pinakamalapit na pwedeng pagtaguan which is luckily those empty big pots located inside the square. Using their binoculars, minanmanan nila ang dalawang nagshoshopping in a safe distance. Well less na lang yung mga babaeng nagtitilian sa likod nila habang may mga gadgets na nakatutok sa kanila.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinWhere stories live. Discover now